<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Monday, July 31, 2006

PLUGGING

Dear All:

Naimbitahan po akong mag-submit ng artik sa Blogkadahan at ang kanilang paksa ngayon ay isang bagay na wala akong alam, sex. Punta po kayo dun at sabihing pinadala kayo ni Michelle (joke only) dahil ngayon na-publish yung aking ka hindik2 na artik. Pero naman, punta pa rin kayo kahit, let us say, e binura o napaso na yung aking post dahil nakakatuwa po yung topic nila. Isa pa e masyadong varied, rather than rigid, ang style ng mga posts kaya ang dating ay parang salad at ang dressing ay parang Raunch, I mean Ranch pala.

Nagmamahal,

c

Sunday, July 30, 2006

MIAMI VICE, MIAMI NICE

May kwento ang utol ko nung nasa Pilipinas pa kami. Meron syang kaopisina na may sports car. Pogi daw yung sports car kaya pag pumoporma si officemate, bale suporta lang sya sa kotse nya who usually did the talking ikanga. Minsan may lumapit kay Porma at inoperan na bilhin yung sports car, tipo raw ni Bong Revilla, at dahil maganda ang offer, binenta ni Porma si Pogi kahit pa syempre masakit sa loob nya (huuu, arte) at isa pa e idol ni Porma si Bong Gavilla, I mean, Revilla.

Lumipas ang buwan at minsan ay nanood si Porma ng pelikula ni Bong. OMG, nakita nya si pogi (yung kotse nya) sa isang eksena. Hayup! Nasa pelikula ni Bong yung pinagpipitagan nyang kotse at syempre dama ni Porma ang pagiging proud papa dahil isip nya kaya binili si Pogi ay para gawing artista.

Maya-maya, sa isang kahindik-hindik na eksenang halos ikaluwa ng mata ni Porma, pinasabog si Pogi. In other words, binili sya ni Bong Revilla upang katayin lamang and nothing but.

Actually wala namang koneksyon ito sa post ko ngayon tungkol sa Miami Vice. Pero pwede rin siguro, to think na partly taga Miami ako, at kaya ko siguro pinanood ito ay dahil baka sakaling extra din ako sa pelikulang ito ni Michael Mann. E ano naman kaya ang gagawin sa akin ni Direk Mann kung sakaling extra ako? Malamang e baka pasabugin nya ang tae ko, lintek.

Bata pa ako big fan na ako ng Miami Vice series. Di pa man ako nakakarating ng South Florida, kilala ko na ang South Beach, ang Everglades, ang Art Deco district, ang Keys, ang Biscayne Bay, tsaka Calle Ocho (Little Havana). Parang palad ko, alam na alam ko ang ambiance ng Miami, mala pastel ang mga buildings, pirming mataas ang araw, maraming palm trees, at nagpipintugan ang mga wetpu ng kababaihan. Tas pamilyar na sa akin ang Miami sound ala Gloria Estefan na mabigat sa (heavy on) percussions dahil sa Afro Carribean inluence ng Cuban sound.

Sa bagong Miami Vice, isa lang ang naretain. Yung salsa music sa isang eksenang ang setting ay sa Havana.

Everything else, wala na. Wala ang SoBe, walang pwet na mapintog bukod sa maitim na pwet ni Jamie Foxx, walang pastel colored buildings, walang island feel, wala. Walang cool attires na ala Don Johnson (ang usual creator ng mga damit ni Johnson noon ay si Versace na nakatira sa Miami at ninenok ni Andrew Cunanan. Bukod kay Cunanan, ang tanging Andrew na nambulabog sa Miami ay si Hurricane Andrew.)

So, talo ba ang Miami Vice, the movie?

Talo kung asiwa ka sa pelikulang hand-held videocam ang gamit tulad ng Collateral tsaka Traffic, tas grainy yung texture, tas kalimitan gabi ang eksena, tas ang mga buildings e high rise, tas ang banatan e gaya ng sa Heat (or on a much bigger scale e yung Saving Private Ryan) dahil may feel na "you-were-there" ika nga ng tinamaan ng kulog na Southern Sons.

Kick-ass ang pelikula. Wala syang plot na gaano dahil di naman kilalang scriptwriter si Michael Mann. Pero yung soundtrack, boy, paglaki ko bibili ako nito. Tas yung gumanap na Gina, shet na malupet, wag na wag ko sanang makasagupa sa barilan ito at baka maihi ako sa pantalon. Me isang eksena na parang compatible dun sa famous scene sa Dirty Harry na kukunin ng kontrabida yung baril nya na tumilapon, at dun sinabi ni Clint Eastwood yung kanyang walang kamatayang Cmon, punk pick up that gun speech.

Sa Miami Vice da Movie, hawak ng isang White supremacist yung detonator na magpapasabog sa hostage nyang si Trudy. Sabi ni Gina habang nakatutok ang baril sa hostage-taker, (di ako sure shempre kung ganto nga yung dialogue, pero di na sha nalalayo): You know what's gonna happen? This is what's gonna happen, within so and so seconds a bullet will pass thru your medulla and you will be dead from the neck down, no muscle will twitch but the rest of your body will not know it"... e di ninerbyos si Kumag, tas nun, Pow, sabog ang utak nyang utak kabisote...

O sige, ang haba na nito, panoorin nyo na lang. Ala naman akong komisyon dito e...

y-entry

maaga akong nagising ngayon, linggo, kasi nainlab na naman ako sa isang babaeng singer. si sarah harmer ang object ng aking affection at pinakikinggan ko ulit yung track nya sa cd na "new beginning, volume 19, live at the world cafe" - isang live recording ng mga relatively unknown artists (maliban sa keane at 5 for fighting) sa world cafe studio sa philadelphia at produced ng penn (university of pennsylvania). sa album, "almost" ang pangalan ng kanta ni harmer at isang acoustic guitar lang ang accompaniment, nakakahalina.

ang pagkahilig ko siguro sa mga babaeng singers e sanhi ng maaga kong exposure sa boses ng babae: sa uyayi ni inay, sa saliw ng gitara't boses ng dalawang ateng parehong folk singers sa kanilang mundong ginagalawan, sa klasikong aria ng isa pang ate na graduate ng classical music at nagpeperform nung araw sa ccp kasama ng kanyang mga alipores ni lucresia kasilag.

si norah jones nga nung araw, di pa kilala, napatalon ako nung narinig ko sa books and books yung cd nya, binili ko agad, aha!, 10 months later e nanalo ng grammy. tas syempre si alanis, kundi nga lang medyo apanis na ang dating nya ngayon at overkill na, sya sana ang quintessential philosopher queen ng musika. tas andyan din si aimee mann, si natalie merchant na paborito kong proletarian singer, si vienna teng, yung lead singer ng hem, yung lead singer ng cowboy junkies, si lucinda williams, si pat castillo, si jacqui magno, si claire dela fuente (joke lang) at syempre pa, si jonie mitchell - lahat lahat yan kasama sa ipinapagpasalamat ko at nabiyayaan ako ng maylikha ng tenga para pandinig, at konting utak para maka-appreciate.

o sige, liligo muna ako't sisimba pa.

Wednesday, July 26, 2006

x-entry

and only because i don't know what to title it, or if it has any concept at all to warrant one.

how do you do an entry, anyway? do you turn on the pc with a blog piece already in mind, or do you stare at the monitor all day long, waiting for the idea to pop out before the spam ad does?

i remember an essay i read a long time ago by lewis hyde which mentions of an art critic who said that picasso painted to be able to research - meaning, that he searched for something whenever he painted and the final outcome was what he searched for. picasso, however, disputed by explaining whatever he painted was what he found, not what he searched for.

so, are you a picasso blogger?

me, i'm probably just a picachu blogger.
-------

my friend c from hr just came back from vacation in argentina and was happy to note that buenos aires is slowly getting back to its feet after the economic collapse a few years back. i want to go to argentina. it is the europe of the south, so, going there is like visiting 2 continents at the same time.

on the other hand s and family will be pilgrimaging in medjugorge and is moving heaven and earth and tables and chairs fors us to join them to croatia. she handed me all these brochures and, no thanks to ignorance, i just found out that croatia is a fabulous country, with rich history and culture, and has a thousand islands scattered along the clear adriatic sea. so maybe i should consider going to croatia. but the problem is i already spent my money on books and cds and tennis balls and my wallet is down to, uh, .30 cents.

anyways here's my stash:

- the complete works of isaac babel
- the known world, edward p. jones
- robinson crusoe, daniel defoe (because i wanted to find out why jm coetzee is seemingly intrigued with the book and its author)

which, in addition to these brand new books given to me, are reasons enough not to go anywhere:

- battle cry of freedom, james mcpherson
- alexander hamilton, ron chernow
- articles of war, nick arvin
- old boys, charles mccarry
- the private life of chairman mao, zhisui li

next time i'll tell you about my cd stash. i'll probably call the entry 'y-entry' as in 'y-bother?'.

y ngaba?

Sunday, July 23, 2006

LAGALAG

Eto yung karakter na pinasikat ata nung araw ni Eddie Fernandez, tatay ni Pops, na wala sigurong ginawa kundi ang maggala, ang maglagalag, kaya sya binansagang Lagalag. Ginaya ko nga sya minsan nung umakyat ako ng hagdan, tas nahulog ako. Akoy nalaglag.

Korni.

Masarap maglagalag pag summer. Yun bang naka-backpack ka lang, tas t-shirt na cotton at shorts, tas sandals na matibay o kaya trekking shoes na mainam sa 'yong alipunga. Kunyari medyo athletic ang dating mo, yun pala ang laman ng back-pack mo puro kakanin. Me baon ka pang goldilocks na mamon major in ube, minor in keso.

Parang sa Boston, sa historic part ng syudad, meron dung Freedom Walk. Susundan mo lang yung red line na nakaguhit sa kalye, yun na ang pinakagabay mo, dadalhin ka na nya sa iba't ibang historic sites, sa USS Constitution na pinakamatandang warship na nakunsumisyon, este, nakomisyon pala; sa Boston Harbor kung saan tanaw mo ang spire ng Old North Chirch; sa Charlestown Monument; sa Bunker Hill kung saan naganap ang unang malaking sagupaan ng American colonists at British Army; at marami pang iba. Kinig kinig ka lang sa kwento tungkol sa US history, yun nga lang pag pinag-usapan na ang Boston Tea Party, wag mo ibwelta, Ay, ang labo naman ng party nila, puro tsaa lang.

Tas sa kabilang ibayo naman, sa Cambridge, ansarap magbaybay sa gilid ng Charles River at panoorin yung mga nagro-rowing dun. Sabi nung isang babae, mga taga Harvard ba yan o MIT? Sagot nung isa, mga taga-Harvard siguro. Di mo ba napansin, mukha silang tanga.

Sa Maine, ansarap ding maglagalag. Sa Acadia National Park, wala ka nang mahihiling pa laluna't binasa mo muna yung travelogue: If you have never tried doing nothing, Acadia is a good place to begin. Aba, aba, aba, di ba ang galeng? Mantak mo, pupunta ka dun na pagkaylayu-layo para lang wala kang gawin. Ansaya. Ansaya-saya!

E di naglagalag nga ako, takbo-lakad sa paligid ng National Park, sa Cadillac Mountain na unang nakasilay sa pagbukas ng year 2000, sa mabatong gilid ng talampas, sa bukana ng mabangong panilayan ng Jordan Pond.

Gusto ko nung minsang naglagalag ako sa Big Cypress National Preserve at hanapin sa isang strand yung tiger orchid na na-feature sa pelikulang Adaptation. Nagkaligaw-ligaw nga lang ako dahil ang aking sentidong pandireksyon ay walang kasing-sama. Ginawa ko e nakipaghabulan na lang ako sa mga paru-paro. Tas yung mga tipaklong na iba-ibang kulay at sintataba ng tabako e pinagtripan ko na rin. Sa gitna ng kawalan, ako ang nakikisama sa mga nilikhang manlilipad. Mantak mo namang walang ibang tao roon tumingin ka man sa paligid, ekta-ektaryang lupa sa abot ng iyong paningin, walang tao. Puro insekto lang (sabagay, sabi nga ni Joey de Leon, maraming tao ang insekto. Isa na siguro sya dun) at mga ahas, pagong, ibon, at bwaya ang maaari mong hamunin ng trip trip. Ala kang ibang pwedeng gawin kundi sakyan mo ang hilig nila, unless ikaw ang hilig nila.

Naalala ko tuloy yung sabi ni Boss Wendell Berry. The man who walks into the wilderness is naked indeed. He leaves behind his work, his household, his duties, his comforts - even, if he comes alone, his words. He immerses himself into what he is not.

Huwaat? Iiwan ang salita sa pagtungo sa kagubatan? Walang imikan? Walang halakhakan? Hmmm, kaya kayang maglagalag sa kagubatan ni Jet David?

Saturday, July 08, 2006

KAYA NGA MAY BAKA ANG BAKASYON

kasi hindi tiyak kung matutuloy, eto nga't malapit nang mangalahati ang summer ang nararating ko pa lang yung opisina, tsaka yung tindahan, tsaka yung sinehan, tsaka yung labahan, tsaka meron pa, labanos mustasa, anak ng kabron talaga oo.

nung isang taon gantong panahon nasa adirondacks ako't nagpapapogi. masarap magpapogi laluna pag bakasyon, kahit di maatim ang objective na maging pogi ang importante nakapagbakasyon, anyway mariel hemingway feeling pogi naman ako noon at isapanga do not underestimate the power of your feelings ikanga, itanong mo man kay morris freakin albert.

nag-cruise kami last year sa lake george, new york, dalawang oras na cruise lang, kumbaga sa artista e di sya tom cruise, mga tipong tirso cruise lang, ganun, kasi ano ba naman yung lake compared sa ocean, e si pareng tom cruise is an ocean of kahunghangan di ba? di ba? kaya ayun, sa lake george makikita mo yung mga maraming pera na may bahay bakasyunan sa lakeside ang pinaka swimming pool nila yung lake, how cool is that?, tanong nung isang mamang nag-aapoy ang balat.

"more mushrooms, please", request ko dun sa cook na naggagawa ng omelette ko sa loob ng mini-barko habang nagku-cruise kami. inisnab nya ako. "dudunggulin ko na to" sabi ko sa sarili ko. "mushrooms, please, add more mushrooms". inisnab nya ulit ako. maya-maya may lumapit sa akin tas tinuro yung nakasulat sa isang papel na nakadikit sa mantel ng mesang pinaglulutuan. "the cook is deaf", nakasaad sa papel. shet. sa kahihiyan ko, muntik na akong magbulag-bulagan, "where, where is it? where are we?" sabay kapa-kapa kunyari sa hangin.

may mga pilipino na nagpipicnic sa gilid ng lake na malapit sa harbor. ansaya nila, nakabalandra sila sa mga kumot-kumot na nilatag nila sa damuhan, tas nagkakainan sila. bat ko alam na pilipino sila? yung isang babae kasi sa kanila panay ang brush ng buhok nya.

tas ako naman syempre dahil may pagka-tacky, punta kami sa mga giftshops, bili ako ng t-shirts. ayus. meron akong nabili na nakasulat: lake george lifeguard. ahehe. kunyari macho. macho libre.

lagi kong suot yung t-shirt nung nakauwi na kami. kaso lang, 2 weeks after, may lumubog na bangka sa lake george na lulan ng mga oldies. andaming fatalities. mula nun di ko na sinuot yung t-shirt.
---------
bago matapos ang lahat lahat, boss rolly, salamat po sa paglink nyo sa akin sir, pero gustuhin ko man kayong i-link din e di ako marunong, kahiya, meron lang pong nag-aayos nitong site na dyosa ng kabutihan, kinukuningkuning yang template sa taas, ako nga ni hindi ko alam kung anong herodes yang maliit na square na may iba-ibang kulay na nasa kanan. ang alam ko lang e magpapogi, laluna pag bakasyon.

Tuesday, July 04, 2006

BORED ON THE 4TH OF JULY

5:00 am - Gumising ako dahil ako'y naiihi. Balik sa kama at nagbasa ng tatlong pages ng Duskland, unang novel ni JM Coetzee. Balik sa dreamland, pero di ko tanda ang aking dream.

8:30 am - Gising uli, for good. Wisik-wisik ng mukha. Conserve water, ika nga. Konting platada ng kamay sa buhok na mas unruly pa sa mga fratmen ng Tau NgaBa. Conserve energy na rin.

8:40 am - Tingin ng email. Lima. Puro forwarded hulaballoo. Tingin ng blog. Walang comment. Hu-hu-hulaballoo talaga oo!

9:30 am - Plano, plano. Makapunta nga ng Causeway at makapag-jogging, tuloy windsurfing na rin sa Bay. Di pa rin naaalis ang sakit ng kaliwang wrist ko, pero kaya ko sigurong kalabanin ang bigat ng hangin. Bahala na. Tutal, natatamad din naman akong magpunta e.

10:00 am - Best Buy. Hanap ako ng cd ni Shawn Mullins para mapakinggan yung kantang Find Love. Naiisip ko nga yung kababata ko sa Pilipinas na si Topits sa kantang ito, "Someday, you'll find love", sabi ng kanta. Etong si Topits, di pa nagkakasyota ang hayup, puro kasi kaututan ang nalalaan kaya pirmeng semplang sa bebot. Nung araw nga, bata-bata pa kami, may irereto ako, "Ta" (short for Bata, na syang tawagan naming magtotroso, I mean, magtotropa), "bagay sa yo yung anak ni Aling Tarsing", paimpluwensya ko. "Ayoko", sagot nya, "pagod na pagod na ako".

11:00 am - Nasa bahay ulit ako. Paikot-ikot na parang ebolusyon. Ebolusyon ng kahunghangan. Plano ako ng mga bagay-bagay. Tsk, tsk, tsk, wala akong maisip, sana naging arkitekto na lang ako para lagi akong may plano.

12:00 nn - Oriental Store. "Hapi Port", sabi nung Pinoy na bumati sa akin. Sagwa. Dapat e Hafi Port para may symmetry. Bili ako ng mga ingredients ng Pancit Palabok, wala na akong ibang maisip gawin e di makapagluto na lang. Scallions, check. Palabok Mix, check. Bawang, check. Fish Balls, check. Palabok noodles, check. Shrimp, check. Squid heads, check. Chicharon, check. Anchovies, check.
Babaeng kahera, Intsek.

3:00 pm - Gayatin ang scallion at itabi panumandali. Gayatin din ang bawang ng maliliit; gayatin sa tatlo ang bawat fishballs; balatan ang mga hipon at buksan ang likod para matanggal ang maitim na ugat (yun ang pinaka-budhi nila); ilagay ang mga tsitsaron sa malaking ziploc, tas isara ang ziploc at pagpapaluin ang sitsaron para madurog na parang pulbos, pero wag na wag ipapahid sa mukha na parang pulbos. Hika ang aabutin nyo. Buksan ang lata ng anchovies at ilagay sa isang platito.

Gupitin ang matigas na noodles. Magpakulo ng tubig. Dutdutin ng daliri ang tubig para malaan kung kumukulo na. Pag nalapnos ang dulo ng daliri nyo, pwede nang isalin ang noodles. Wag aalis at didikit ang noodles. Hahaluin din ang noodles syempre, baka naman di nga kayo umalis e nakatanga lang kayo dun. Pag mejo naglalata na ang noodles, kumuha ng isa (maiging gamitin nyo na rin sa pagkuha yung nalapnos na daliri. The damage had been done anyway, ekanga) at tingnan kung wala na yung matigas sa gitna (harhar, parang titi). Hanguin, if so. Ifso facto.

Magpakulo ulit ng bagong tubig (yung lumang tubig kasi e nag-evaporate na). Ibuhos ang mix sa isang tasa na may tubig, haluing mabuti para matanggal yung bukol-bukol na parang rumbu-rumbu (naaala ko si Angela Solis sa saltang to); pag kulung-kulo na ang tubig, ibuhos ang tasa na may mix, haluin ng haluin hanggang sa maging mabigat (kapag may anak kayo na patpatin at gusto nyong bumigat ang kanyang timbang, haluin nyo sya ng haluin). Kapag pumuputok putok na ang sauce na parang lava, pwede nang hanguin.

I-roast ang bawang, igisa ang fish balls, ang squid, at hipon.

4:00 pm. - Nilalantakan ko na ang pancit palabok. Ang pinaka-substitute ng tinapa e yung anchovies. Hindi masarap ang palabok ko. (Pagkasarap-sarap, which is different.)

5:00 pm - Nasa Borders ako at nagbabasa ng ibat-ibang anthologies ng American poets (for the occasion). AHA! eto, share ko lang.

From the: Dream of Freedom
by: Langston Hughes

There is a dream in the land
with its back against the wall.
By muddled names and strange
Sometimes the dream is called.

There are those who claim
This dream for theirs alone -
a sin for which we know
They must atone.

Unless shared in common
Like sunlight and like air,
The dream will die for lack
of Substance anywhere.

This dream today embattled,
With its back against the wall -
To save the dream for one
It must be saved for ALL -
Our dream of freedom!

Saturday, July 01, 2006

TEST MIKE (para kay la diva elvira)

Testing lang po ang layon ng "post", dala ng hangaring isaad (ang "kapal" man ay sagad) ang kariktan ng tula sa sariling salita.

Imitation of Christ ang tula, likha ni Thomas A. Kempis, at isinalin sa Inggles ni Stephen Mitchell.

Narito siya -

Love is a great thing, a great good in every way; it alone lightens what is heavy, and leads smoothly over all roughness. For it carries a burden without being burdened, and makes every bitter thing sweet and tasty. Love wants to be lifted up, not held up by anything low. Love wants to be free, and far from all wordly desires, so that it's inner vision may not be dimmed and good fortune bind it or misfortune cast it down. Nothing is sweeter than love; nothing stronger, nothing higher, nothing wider; nothing happier, nothing fuller; nothing better in heaven and earth; for love is born of God.

Love keeps watch and is never unaware, even when it sleeps; tired, it is never exhausted; hindred, it is never defeated; alarmed, it is never afraid; but like a long flame and a burning torch it bursts upward and blazes forth. Love is quick, sincere, dutiful, joyous and pleasant; brave, patient, faithful, prudent, serene, and vigorous, and it never seeks itself. For whenever we seek ourselves, we fall away from love. Love is watchful, humble, and upright; not weak or frivolous, or directed towards vain things; temperate, pure, steady, calm and alert in all the senses. Love is devoted and thankful to God, always trusting and hoping in him, even when it doesn't taste his sweetness, for without pain no one can live in love.

Ngayon nama'y ipagpatawad ang aking pakikipagsapalaran sa pagsasalin.
Narito siya't dustain, magkaganon ma'y salamat pa rin -

Ang Panunulad Kay Kristo

Ang pag-ibig ay maringal na bagay, kahanga-hanga sa anumang hanay; anumang bigat ay napagagaang, napakikinis ang magaspang. Pangko nito ang pasanin at 'wag alalahanin, pinatatamis ang mapait, pinasasarap din. Ninanais ng pag-ibig ang kanyang pag-angat, nawa'y di pigilin ng sa taas ay salat. Hangad ng pag-ibig ang maging malaya, maging malayo sa makamundong pagnanasa, kung kaya't ang saloobing pananaw ay di adyang mapalamlam sa kapit ng kapalaran kundi'y maitutumba ng kamalasan. Walang kasing-tamis ang pag-ibig; walang kasing-lakas, walang kasing-taas, walang kasing-lawak, walang kasing-saya, walang kasing-buo, walang kasing-buti sa langit man o sa lupa; anupaba't bunga ito ng dakilang Maylikha.

Sagad sa pagtanod ang pag-ibig, walang humpay, tulog man ay 'di mawawalang-malay; hapo man ay 'di mapapata; hadlangan man ay 'di magugupi; balaan man ay 'di matatakot; may dingas itong pumapaimbulog, pumapaitaas, paris ng buhay na apoy sa nagningning na tanglaw. Ang pag-ibig ay maliksi, matapat, matugon, masayahin at malugod; matapang, matiyaga, mapanalig, maingat, mapayapa, malakas at di-makasarili. Sa tuwinang may pagpapakasarili, nawawala ang pag-ibig. Ito ay mapagmasid, mapagkumbaba, at matayog; hindi mahina o hangal, o mapaturiran sa anumang kayabangan; ito'y mainam, matimyas, matatag, payapa at alisto sa bawat angking sentido. Ang pag-ibig ay mairugin at mapagpasalamat sa Diyos, pirming mapagtiwala at umaasa sa Kanya, kahipa't kapos sa tamis, dahil kung salat sa kirot, walang buhay ang mamumuhay sa pag-ibig.

Bow.

SANGKATERBANG SPORTS SA 'SANG SABADO NG SUMMER

Kahit saan ko ilagay ang hinlalaki ko sa remote ay puro sports ang kababagsakan. Mula alas-diyes ng umaga, couch potato na ang lolo hudas nyo, channel 10 England vs. Portugal, tas nung nilipat ko sa channel 6 si Olivier Rochus vs Leyton Hewitt sa Wimbledon, tas sa isang channel naman Chinese Taipei vs Chicago sa Women's softball, tas hanggang alas tres, nakahiga pa rin ako sa couch por da England vs Portugal game, tas Andre Agassi vs Nadal tas Brazil vs. France, tas Andy Murray vs. Andy Roddick sa W'bledon.

Pag ganto ng ganto ang ginagawa ko sa buhay ko e couchsore ang babagsakan ng balat kong singkunat ng kwero.

Kaso lang para akong salot, lahat ng pinanigan ko puro lotats. Huhuhu, kung alam nyo lang mga Brazilian kayo, ako ang nagpatalo sa team ninyo dahil pinanigan ko kayo, e bat naman hindi e binabalik ko lang ang pabor sa inyong mga kababaihan dahil pag nagpupunta ako ng beach e puro sila naka thongthorongthong lahat.

Haynako Andy Roddick, magtinda ka na lang ng lobo. David Beckham, magkakain ka na lang ng ham, gawin mong mejo poshy and spicy. Bos Andre, Daddy Rocks ka talaga sabi nga ni Jaden Gil, pero ipasa mo na ang baton kay Rafa, the future is now eka nga.

Nuninuninuni. Hirap talaga ng pinanganak nung unang panahon. Abanakow, kung ako e bata2 lang, baka nasa Center Court din ako ng All-England Club. Pulot boy nga lang.

O eto, tutal salot ang dating ko ngayon. Gusto mong mamusta ng magcha-champion sa World Cup? Ipusta mo na buhay ng amo mo. France.