<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5597606\x26blogName\x3dcbsmagic\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://cbsmagic.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com/\x26vt\x3d458748704286130725', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Sunday, August 28, 2005

TRUTH AND INCONSEQUENCE

True or False: I am a centaur

I know you well. In reply you'll give me three fingers, a snappy Boy Scout Pledge, and say, "Read between the lines". Then you'll top it with a resounding "False. To hell with your mythology!"

You have the propensity to change your mind upon the slightest explanation. You'll probably do now if I explain, "Listen, I'm part man and part horse's ass".

"You must be right. True, then...", you'll say, confidently

Each truth needs a little explanation.

Here's what I think: All truths are significant, most truths are uninteresting.

And so, for once, to make an entry a little interesting, let's play politics and ignore half the facts; I'll spice truth with a mixture of lies.

From Freude's blog, this one I copied, 5 truths and 5 lies about me, in confused order:

1. I am 40 years old.
2. I have a Ph.D. in Botany, with sub spec in plant parasitology.
3. I am a member of Sierra Club and The Nature Conservancy.
4. Emilio Jacinto was my great grand uncle.
5. Among the very few celebrities I am personally acquainted with are the writer Terry McMillan, ex-tennis superstar Gabriela Sabatini, and Bon Jovi drummer Tico Torres.
6. I can't swim.
7. The newscaster Chichi Fajardo and activist Lisa Pulgado were my huge crushes in college.
8. I used to teach at a university in Taft Avenue.
9. s in cbs stands for solis.
10. The publisher Ernie Evora-Sioco was once my boss.

Sunday, August 21, 2005

KADENAHING KABISOTE, isang makabugbog-damdaming wa-piksyon

1. Tok-tok-tok. Ginising ako ng sunod-sunod na pagkatok kahapon ng umaga. Pupungas-pungas akong dumilat, tumingin sa pinto, sumipat ng pansariling elemento, at sa pagsilip ko sa orasan (6:05) ay nahinuhang kailangan ko na muling pumikit upang abisuhin ang dyosa ng pagtulog na walang dahilan, sa Sabadong ito, na salubungin ko ang pagdulog ng bukang-liwayway.

2. Sabay sa pagpikit ang muling pagbunghalit ng kagaspangan ng mangangatok. Tok-tok-tok, tok-tok-tok. Pero natanto ko, sa pagkakataong ito, na ang katok pala ay nanggagaling sa aking ulunan.

3. Sa aking ulunan, hindi sa aking ulo, kahit pa batid natin na may katok ako sa ulo, parang sabi ni Lorrie Moore, My head fills my own yack. Narito kaya sa gusali si Spiderman at ginagapang ang tabiki, kinakatok ang naninirahan, pinatitiyak ang kanyang di-pagiging kathang-isip lamang? Nagdili-dili ako kung kaya kong tumayo upang silipin ang pamulaan ng tunog na, salungat sa aking buraot na hininga, nakalulugod sa sentido dala ng maindayog na tipa at maalinsunod na kumpas. Sa katagang pang-musika, husto sa bilang, wasto sa ritmo.

4. Tumayo ako para magpakilala kay Spiderman, pero amputa, anak ng ibong puta, si Woody Woodpecker pala ang dakilang mangangatok, pinipilit butasin ang flower box na nakadikit sa dingding ng gusali. Go for it Woody, go for it, boy!, sigaw ko sa red-breasted woodpecker bilang paghikayat sa makasaysayang pagtutuos ng ibon at flower box. Di ako pinansin ni Woody, di nya ako naririnig. Tuloy-tuloy pa rin sya sa kanyang misteryosong misyon na kung di ko sasaliksikin ay di ko matatanto. Ano ang napapala nila sa maalinsunod na pagkatok? Tok-tok-tok, tok-tok-tok. Anak ng tok-tok-tokwa talaga, oo!

5. Ang aking unit ay nasa pinakatuktok na palapag; ang aking silid-tulugan ay nakaharap sa kanluran. Ibig lamang sabihin, sagap ko araw-araw, sa buong tag-araw, ang marubdob na galit ng haring araw sa kanyang kanluraning paglubog. At ano ang magagawa ng marikit na blinds sa batas ng kalikasan na, tulad ng laser beam, ay kayang ipatagos ang tuwid nitong silahis (no pun intended) sa pinakamaliit mang siwang sa nagpapakatatag na daraanan? Sanhi ng aking pagkatampak: pirming mainit ang aking kama, pirming nagmi-medium rare ang aking kalamnan, pirming pahirapan ang aking pagtulog.

5. Subalit nung isang gabi ang sakripisyo ay lubos, ang pahirap ay ganap; hindi lang mainit, nag-aapoy pa ang sanlibutan ng aking silid. Sira ang aircon, may diperensya yata ang pangkalahatang hvac. Makailang ulit akong bumalikwas at nag-toss and turn na parang hotcake, panay ang lakbay ng aking mga binti sa pag-asang makasalat ng karayagang malamig. Walang suwerte. Kung kaya kong manghula, nakatulog marahil ako pasado alas 3:00 na ng madaling araw, Sabado.

6. Isipin mo na lamang kung ano ang pakiramdam ko kahapon ng umaga, sa kaisipang di ko na kayang ituloy ang pagtulog sa saliw ng tok-tok-tok ni Woody, dagdag pa sa masalimuot na pagkaguhit ng aking palad at sira pa rin ang a/c.

7. Naglinis na lang ako ng maalikabok na bahay, ng nanggigitatang labahin, ng pawisang katawan, at pagkalipas ng dalawa o dalawa't kalahating oras, buo na ang pasya ko sa susunod na hakbangin. To Borders, I go. Hindi para magbasa kundi para matulog.

8. Humablot ako ng libro, Complete Works of T.S. Eliot, at ng cd, The Essential Works of Yo-yo Ma, na pawang magsisilbing props sa aking napipintong soliloquy. Handa na akong matulog, saad ko sa sarili. Bantayan nyo ako, sambit ko sa props.

9. Sumalampak ako sa isang komportableng upuan. Malambot ang kutson, dakila ang salangan ng ulo't siko. Kung sagad ang aking pagka-spoiled burat, tatawagin ko pa ang isang bookseller at sasabihing, Oist pogi, ikuha mo nga ako ng footrest.

10. Bata pa ako may sleeping problems na ako. Inggit nga ako kay bunso, naghihilik na bago pa man sumayad ang likod sa kama. Pero sa puntong iyon, wala akong ibang pwedeng gawin kundi ang matulog. Sagad ang aking antok, pagod, at katamaran; natatamad ako kahit mag-isip man lamang. Tulog ako bago ko tapusin ang pangungusap, Naaantok ako.

11. Nagising ako, naalimpungatan ako, sa gitna ng Sangkatauhan. Wala akong pakialam sa kanila. Nag-inat inat ako, pilit na pinaluluwag ang matipunong (daw, o) kalamnan na sa wakas ay nasayaran ng pahinga. Maraming tao, wala rin daw silang pakialam sa akin, kasehoda sigurong naghilik ako o tumulo ang aking laway. Sinapo ko ang aking tyan. Di pa pala ako kumain. Naghihilab ang sikmura ko, para akong may kabag. Sa aking malalim na pagkaidlip, napautot kaya ako? Tumingin ako sa kaliwa. Matandang lalaki ang nakaupo. Pero may sipon sya, di nya nalanghap saka-sakali man ang masidhing silakbo ng aking hangin. Tumingin ako sa kanan. Napakagandang chicka-babes, kamukhang-kamukha ng gymnast na si Elise Ray. Omigosh, nasilayan kaya nya ang pagliyad ng aking laway at pag-alumbitin nito sa kanto ng aking bibig na parang baging? Naamoy kaya nya ang pahiwatig ng aking kabag, sapat na para mapaghulo ko na ako, si cbs, sa sandaling iyon ay naging pag-aari nya? Wag po sana. Pwede rin po pala sana.

12. Sa eksaktong panahon na pinag-aaralan ko ang maamong mukha ni chicka babes, bumunghalit ng piped-in music ang bookstore at ipinaranas ang isang tradisyonal na musikang Moroccan. Sa pupungas-pungas kong pananaw, napagtripan ko tuloy si chicka-babes na isang belly dancer at marahas daw ang paggiwang ng kanyang malapad na balakang. Parang bagyo. Mabangis. Kumbaga sa hanging himpapawid, conflicting.

13. Di naman pinapansin ni chicka-babes ang aking mapanghimasok na peripheral vision kaya tuloy lang ako sa aking Moroccan trip. Maya-maya ay naudlot ako. May binabasa syang libro. Sinipat ko kung ano, pasimple. Naiyak ako sa titulo, Peace and Love and Barbecue. Biglang nagrilyebo ang trip ko, Nakaupo raw kaming dalawa sa harap ng fireplace, lumalagok ng pinot noir, nakikinig sa madamdaming Largo from "Winter" ni Vivaldi, tas tinanong ko sa kanya, Honey, ano sa tingin mo ang function ng literary repertoire, tas sinagot daw nya, Alam mo Bunny, kelangang ilatag mo ang tilag ng baboy sa ihawan habang malasutla pa ang kanyang mga taba.

14. Biglang tumunog ang aking cellphone. Napatingin si chicka-babes at kulang na lang e bigyan ko sya ng aking pinagpipitagang ngising aso, Para sa yo lang yan, miss. Como esta?, sabi ng tumawag, Mabuti, sagot ko, Que?, sabi nya, Quezon City, sabi ko, Que tal?, tanong nya, Ngatal, sagot ko, tas bigla kong naisip buksan yung libro ni T.S. Eliot, tumama sa isang pahina at binasahan ko sa telepono si Aling Que Tal:

frisch neht der wind
der heimat zu
mein irisch kind,
wo weilest du?

Klik, sabi ng telepono nya, Klik, sabi ng telepono ko. Napatingin ulit sa akin si chicka-babes at nabasa ko ang ninanamnam ng kanyang maamong pag-iisip, Lakas ng tama mo, Manong.

15. Makalayas na nga, sabi ko sa sarili, baka tuluyan na akong mapautot at mabighani sa isang mangangain ng taba.

16. Halos himatayin ako paglabas ng bookstore, madilim na, anim na oras yata akong nakatulog sa loob, nyeta, anim na oras, napakarami kong pwedeng gawin sa loob ng anim na oras, ano na ako ngayon?, marumi ako, marumi, parang sabi sa Intro kay Rumi, Whatever big you have, named you, kaya ako, ako, si cbs, whatever big I have, named me, ako ngayon si cbskatok, me katok na nga akong talaga para magtapon ng anim na oras sa pagtulog sa bookstore, sana man lang kung nasagap kong lahat ang nilalaman ng mga libro, pero hindi, wala akong pwedeng ipalit sa aksayadong anim na oras na yun kundi ang gawan sya ng blog kahit pa sabihin ninyong "Di kayang itama ng mali ang isa pang mali", Mali kayo dun, isasagot ko, di ba double negative is a positive, double positive is always a positive?

17. Yeah right, sabi nyo.

Sunday, August 14, 2005

REMEMBRANCE OF: THINGS, PASTA
(with apologies to Marcel Proust)

1. The great John Cheever said that the parturition of a writer, unlike that of a painter, does not display interesting alliances to his masters. Parturition. From parturient. The only other time I heard of the word parturient was 4 years ago when Angela asked me to edit her short story containing this line by a young girl to her mother, "I am parturient". Upon consultation with the one who knew words, I learned that parturient meant pregnant. The girl was telling her mother, I am pregnant. And so by way of editing I let parturient go, replaced by pregnant, even if I continued to be perplexed as to why a girl will tell her mother, Mommy, mommy I am parturient - unless she wanted to accomplish both of two things: to confess the truth, and to make sure the confession won't be understood. Still and all I have to thank Angela; now I knew what John Cheever meant.
Parturition. Birthing.

2. I am fastidious when it comes to my spaghetti. Time was when I only ate Tropical Hut's, and on occasions, my mother's. There is no more TH within sight and my mom is above my gastronomic well-being, and so I am forced to specially request and instruct for the food I love most: the noodles have to be perfectly al dente, the ground beef should only be sirloin, the sauce must have a hint of sweetness, and, sliced fresh plum tomatoes on top, please.

3. At Borders the other day I was reading The 42nd Parallel (the first part of USA Trilogy) by John Dos Passos and was impressed by the weight and tautness of his preface: "USA is the world's greatest rivervalley fringed with mountains and hills, USA is a set of bigmouthed officials with too many bankaccounts. USA is a lot of men buried in their uniforms in Arlington Cemetery. USA is the letters at the end of an address when you are away from home. But mostly USA is the speech of the people." With those words I was ready to follow his march, ready to sing his anthem, ready to articulate with his clenched fist. But the bookstore's piped in-music butted in and my rigid fist softened like marshmallow. With an invisible baton and an attack of epilepsy I conducted the symphony, leading them to the loftiness of Claude Debussy's Reverie. I had the old lady seated next to me as sole audience, amused, if not totally amazed.

4. Reading at Borders reminded me of reading at NBS while still in the Philippines. There, under the strict eyes of management, you can only go as far as the first page before security pounded in for the freeze, this is the police, or short of that if only to tell you to please, no reading prior to buying, which then gave a full life and meaning to the words of feminist Helene Cixous, "Reading is clandestine, furtive". You may be insistent, persistent, and protest to the obnoxious security you were only checking the copyright, but he won't budge, and with his fiery eyes and dragon breath you are further reminded of Cixous, "Reading is a provocation, a rebellion".

5. An old friend with a Russian name, Luba, once gave me a plateful of teeny-weenie pasta pastita known in this Hemisphere and beyond as "couscous". Couscous really look funny, like enameled rice but each grain is only as big as 1/100th of rice grain, and if my dad, a rice farmer in his younger days at the hinterlands of the Ilocos, were to describe this pasta, he would have uttered no doubt: couscous-balungos.

6. The August edition of the Sojourner Magazine published a most beautiful poem on faith, Baptismo Sum by K. Berkey-Abbott. Read it and applaud, establish faith if you must.

Wednesday, August 10, 2005

mga kababayan kong bumibilang sa lima...

daan po kayo (ulit) sa:

pinoy book revs

at nang tayo'y makapag-kape muna...

oist freude, yung bloc party, umiing-ing sa tenga ko yung sounds nila, parang innnggg-innnngg-iiinnnggg, kala ko tropang the cure na sinaksakan ng tig-iisang litro ng steroids, kung bata-bata lang ako pinatulan ko na sila. pero sa totoo lang, bona fide musicians sila, di gaya ng, uhmm, the cure...

oist-oist, jobert, yung jack johnson galeeeng, jamaican sya no?, lakas kasi ng punto...parang lalaking norah jones ang dating, di ko lang sigurado kung pareho nung napakinggan ko sa listening station yung cd na sinabi mo... meron dung matinding track, dream the dreamer yata ang titulo, basta yun, dream song talaga, parang sabi ni john berryman, wehehe, parang tawa ni bopis...

Thursday, August 04, 2005

cbs eviscerates cbs: an intestinal interview
______

but first, from horace, in ode 29, through john dryden:

happy the man, and happy he alone
he, who can call to day his own:
he, who secure within, can say
to morrow do thy worst, for i have liv'd today.
be fair, or foul, or rain, or shine,
the joys i have possest, in spight of fate are mine
not heav'n it self upon the past has pow'r;
but what has been, has been, and i have had my hour.
------
gallery a: ah, sharrup!
gallery b: umpisahan na yan, taena...

*******
tan ta na nannnnn
.......

cbs q: magandang gabi po.
cbs a: magandang gabi din. tsaka wag mo na ako pupuin, magkasing-edad lang tayo.
q: buti pumayag ka painterview.
a: oo naman. wala na ako maisip gawin e.
q: napansin ko lang, usong-uso nga sa mga bloggers itong q&a chuva-ek (or is it chu-evak?)...so, are you finally joining the bandwagon?
a: yes. i am The Other blogger's biggest imitator.
q: pano ba nagsimula tong pautot na to, i mean, tong q&a segment sa mga blogs na parang q&a portion sa miss universe?
a. totoo nyan, matagal na pautot na tong q&a, panahon pa ni james joyce. dun sa pandemonium episode sa ulysses, meron syang tanungan portion na pinakahighlight ng novel.
q: ibig mong sabihin, maraming bloggers ang nagbabasa ke james joyce?
a: oo naman, marami. mga tatlo siguro.
q: napakarami nga. kung ganyan kadami, pano naestablish ang bandwagon?
a: e kasi naman, sa impluwensya ni joyce, naosmosis ang mga magagaling na writers, na nakaimpluwensiya, in turn, sa ibang writers. sabi nga, there is an essence of james joyce in every writer, aware he is or not.
q: so, may essence si james joyce sa yo?
a: wala.
q: bukod sa impluwensya, me ibang rason pa ba sa pag qq&a ang mga bloggers?
a: meron. finufulfill lang nila ang pangarap na mainterview. dahil ala maginterview, e di interviewhin na lang ang sarili. isa pa, mas magara tingnan ang q&a na naratibo kesa sa ordinaryong pa-sanaysay na teksto. malinis. parang katekismo.
q: hmm, bat naman gusto ng blogger magpainterview talaga?
a: kasi nga gusto nya sabihin ang ibang bagay na parang ang ksp kung basta na lang sasabihin, mas parang feel kung me magtatanong muna, tas, hmm, isip-isp, alam mo, yun, ganun...
q: uh, okay, gets ko na, yung bang taeng-tae ka na sabihin ang isang bagay pero parang hindi mo naman pwedeng sabihin sa blog mo, ah my dear readers, gusto ko lang sabihin sa inyo ito kasi taeng-tae na akong sabihin to noon pa...
a: eksakto!
q: which means kaya mo ginagawa tong q&a na to ngayon precisely for the same reason.
a: the answer is in the question, precisely.
q: kung ganun, eto unang main tanong: pogi ka ba?
a: no comment.
q: matalino?
a. ho-hum...
q: mabait?
a: nu-ni-nu-ni...
q: mayaman?
a: la-la-la...
q: maunawain?
a: lo-lo-lo...
q: sino kasing-edad mo?
a: lo-lo-mo...
q: pwede mo ba ko ilibre?
a: le-lang-mo...
q: sino paborito mong blogger?
a: si dennis, si jobert, si freude.
q: sinong paborito mong non-blogger?
a: si prof u. z. eliserio.
q: sino pinakacute na blogger?
a: a, si xxas siguro.
q: sino pinakacute na non-blogger?
a: si cb aka g, sigurado!
q: sino pinakamagandang blogger?
a: syempre yung anak ko, si angelasolis.ph, otherwise baka sakalin ako nun. si b, pagkaganda-ganda din. tas, si t, tsaka si a, wahaw, si e, kewl si n, galeng ni a.
q: sino huli mong nadiskubre na interesante ang blog?
a: merong isa, p. manalo ata yun, parang panalo, pero syempre, me tsansa na baka talo din...
q: ano binabasa mo ngayon?
a: wala lang. the oxford book of classical verse. sabi ko nga sa yo wala lang eh.
q: aha! huli ka, eto yung sinasabi mo na taeng-tae kang sabihin...
a: jaheeee...
q: ano pinapakinggan mo ngayon?
a: yung cd ni dave matthews na stand up. galeng kasi nung kantang can kiss me, can kiss me...
q: kala ko ba deck jan si dave matthews, di ka ba najajaheee?
a: consensus nga e deck daw, pero di ako jahee, sa saliw ni dmb e kakantahan ko na lang sila, kiss me ass, kiss me ass...
^^^^^^^^^^^^^^
e22loi, taena

Wednesday, August 03, 2005

cbs interview cbs

isang pagpapatuloy, pagpapatukoy, pagpapaugoy,
pagpapatulo, pagpapatulak, pagpapatulasok,
pagpapatuga, pagpapatugaga, pagpapatugak

pagpapatugis, pagpapatulis, pagpapa-two piece
pagpapatupi, pagpapatimpi, pagpapatumpik-tumpik
pagpapatukmo, pagpapatukmol, pagpapatungkol

pagpapaputok, pagpapatuktok, pagpapatuklaw,
pagpapatuklap, pagpapatuklas, pagpapatugnas,
pagpapaagnas, pagpapabanas, pagpapabangas

pagpapaungas, pagpapaunga, pagpapangawa,
pagpapagawa, pagpapakawanggawa, pagpapakakanggata,
pagpapakakas, pagpapakaskas, pagpapakagkag

pagpapahinog, pagpapainog, pagpapaitlog
pagpapatotoo, pagpapatoro, pagpapatorotot,
pagpapatorsido, pagpapatono, pagpapatonto

pagpapatula

pagpapatulakis

(at dahil dito, itutuloy na lang muli, la la la,)