<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5597606\x26blogName\x3dcbsmagic\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://cbsmagic.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com/\x26vt\x3d458748704286130725', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Saturday, January 29, 2005

Kumpisal: Tanong #2 - Hawak mo ba sa leeg ang iyong kaisipan?

cbsagot: Dati siguradong hindi. Malaki na ang naging improvement ko ngayon. Hindi ko na alam, pero sana.

Pa intellectual muna, usapang kuno. Sabi ni Stephen Dedalus, Sa pang araw-araw na pananatili natin sa mundo ay nakakakita tayo ng iba't-ibang uri ng tao't aswang, pero ang pinakamadalas nating makita ay ang ating sarili.

Bago noon, sinabi nya sa kaibigang si Cranly, sa tanong nito kung Ano ang kanyang gagawin o di gagawin: Hindi ako magsisilbi, sa bahay ko, sa bayan ko, sa simbahan ko; ipakikita ko ang aking saloobin sa pamamagitan ng kasarinlan at kabuuang kaya ko - ang armas ng katahimikan.

Sino sa amin ni Dedalus ang mas magiting ang relasyon sa sarili, sa pag-iisip? Sabihin mo, Tyak hindi ako. Sasabihin ko, Tyak hindi sya.

Ituturing ko ang tao bilang "patterned" sa krus. Ang unang "linya" ay tumatagos kaliwa pakanan, o horizontally, at ang linyang ito ang mundong ginagalawan ng tao sa kanyang pakikipagrelasyon sa kapwa; ang relasyon at komunikasyon ay tumatagos sa puso.

Ang ikalawang linya ay magmumula sa baba paitaas, tumatagos sa puso at sa utak, at ito ang guhit ng relasyon ng tao sa mas mataas sa kanya, maging sino man yun para sa kanya.

Ang essence ng puso ay faith, ang sa utak ay wisdom. Kung bibigyan natin ng gender ang dalawang ito, sasabihin ko na ang puso ay babae, ang utak ay lalaki. (Wag maging o.a., itutuloy-tuloy ko muna ang pagpapataw ng gender, bawal muna ang politically korekok, okay?)

Sa sanaysay na Intellect ni R.W. Emerson, inumpisahan nya kaagad ito ng, Every substance is negative to the one above it in a chemical chart. Kung ang anatomya ng tao ay isang chemical chart (na maaring sabihing oo), ibig sabihin ay mas angat ang wisdom sa faith, mas lamang ang lalake sa bab...aray ko!!@&x%+_+

Bago tayo magpakalayo-layo (tipong sabog na tong pinagsusulat ko dito; tipong sabog na din ang ulo ko sa pagkakabayo ni lp) ay balikan natin hane itong si Stephen Dedalus.

Kung madalas nyang nakikita ang sarili sa pang araw-araw, ibig sabihin ay madalas nyang makita ang sarili sa ibang tao. Seeing the self in others. Aba e para pala syang chopsuey. Ayun si Pareng Tonyo, mukha syang carrot, ako yun. Aba si Winnie Maglalatek, hawig sya sa sarsa, parang ako. Ayyy, wakanga Xiaolin, muka ka snowpeash, palangakoikaw.

Tipong no can do yata.

Una, kahit pa sabihing existensialism ang nananaig na pilosopiya ngayon - each Gollum in New York being the center of the universe - e mahirap makita ang sarili sa sarili, or to see one in his self, aba e lalo nang mahirap kung sa ibang tao pa. Palibhasa tayo, ang judgment natin nakapataw lagi sa iba kasi sila yung naeexperience natin, nakikita natin, pero ang hatol natin, sa kanila, dahil sila talaga, at hindi sarili, ang nakikita natin.

Mas malawak na dahilan ata yung kasabihang Perception requires a certain distance. Para bang pag nasa pusod ka ng gubat, ang nakikita mo yung mga puno, nawawala na ang bisyon ng gubat. Eswes, pano mo mape-perceive ang sarili mo e meron pa bang magiging mas malapit sa yo kundi sarili mo, ha? ha?

Eto na. Are you in touch with your feelings, Mr. Dedalus? Ahhh, hindi, ni hindi mo na nga makita ang sarili mo sa iyo, ala kang self-awareness punyemas kah!

In touch with one's feelings: the ability to recognize and monitor's one's emotions, thus enabling a person to make surer, healthier decisions. To be emphatic is to also be in touch with one's feelings; being attuned to others as to one's emotional reality. In touch with one's feelings: ang abilidad ng sinuman na mahawakan sa leeg ang kanyang kababaihan (di ba nga babae ang puso?!!)

Next, are you in touch with your thoughts, Mr. Dedalus? Aba, e lalong hindi. Pinagmatigasan mo pa nga, I will not serve.

Ako: I will serve, but I don't deserve. Pilit kong kinikilala ang pag-iisip ko, ang lalaki sa sarili ko, sa anumang oras, sa anumang araw, andaming mali, dyahi talaga, spiritwalidad na tunay ang kailangan.

Ang relihiyon daw, kailangan ng isang takot magpunta sa impyerno. Ang spiritwalidad naman daw, kailangan ng isang galing na sa impyerno at naghahanap na ng ibang ruta.

Makapunta nga sa kung anumang ruta yun. Ayun ang jeep, Para, mama para. Hmmm, ang galing ng nakasulat sa jeep mo, Bos.

Sapere aude.

Thursday, January 27, 2005

Kumpisal:

Tanong #1 - Bok, may nararamdaman ka bang pagkasakit ngayon?

cbsagot: Syempre, meron. Malalim nga ang sugat na hinukay ng buhay kamakaylan lang. Naalala ko nga yung kanta sa Metro Pop nung panahon ng Hapon - Laging Buhay ang Buhay - na nagpatindig ng ating balahibong tulog, salamat kay Jacqui Magno, nasabi ko, Oh yeah, rili, tapos... nasaktan ako sa sarkastikong pananaw ko...teka lang, mali ata ako...

Nasaktan ako, nasasaktan ako, kasi meron akong pagsisisi, guilt, survivor's guilt ba yun?, kasi ako makasalanan pero buhay pa samantalang andaming tao na nabubuhay ng disente na nilamon ng tubig, yung isang bata nga sa video andun sa may buhangin tapos tinatanaw nya ang horizon, siguro sabi nya, Pagdating ng araw aalamin ko kung saan nahahati ang langit at lupa, tapos ayun napusyaw, ininom sya ng dagat habang nagsisisigaw ang nanay nya. Ansakit no? Kung ikaw yung nanay, pag tinanong ka, Ano kinamatay ng anak mo? Sasagot mo, Ininom sya ng tubig, sasabihin mo, Huwaw, ironic ano?

Di ko naman gustong magpatawa. Di ko nga alam ang sasabihin ko. Masakit lang naman kasi talaga, biruin nyo naman mahigit sandaang libo ang napirdi. Tapos maraming bansa ang involved, global ang scope, global ang pighati, tapos ako andito lang nagtataype sa computer ko tapos sinasabi ko: tapos ako andito lang nagtataype sa computer ko tapos sinasabi ko.

Nag-attend ako ng retreat nung isang araw. Sabi nung isang nagtestimonial: Sino ba ako para intindihin Nya e samantalang isang bilyon ang Chinese. Oo nga naman, isip ko. Pero si pogi, napag-isip nya, Aba, teka, nakikita nga yata ako ng Isang Ito kahit pa sabihing isang bilyon ang Chinese...bale-wala nga yata ang bilang sa Kanya...

Hindi ako iyakin. Binugbog ako nung initiation namin sa frat, sabog ang uhog ko, nag-isip na nga ako ng kahit anong nakakaiyak kasi hindi daw ako lulubayan kung hindi ako iiyak e kaso sasabog na ang hita ko sa hataw ng yantok tsaka sagwan tsaka dos por dos, tingin ko nga sa kanila e papatayin na ako sabi ko sa loob-loob ko, putangnanyo ampapangit nyo, ganun lang, pero ala talaga, di ako kayang paiyakin sa bugbog, peke na lang yung ginawa ko, binuhusan ko ng tubig yung muka ko tapos kunyari hinika ako, ayun tigil sila...

Pero dun sa retreat, awww...turn-off na si Jobert nitoh...

Iyak ako, grabe, di ko naman alam kumbakit ako uimyak, tas kasama pa dapat namin sa retreat yung doktor nma gumamot sa akin, nakupo naiiyak na naman ako...

Tutal Kumpisal ito, kumpesyon, mano ba...pwede ko namang idelete ito balang araw kapag nahiya ako...

Meron akong entry dito noon, siguro mga buwan ng July, tinawag kong "One Step Closer to Knowing" na binase ko sa kanta ni Bono na sinusulat pa lang nya noon. Nasabi ko dun sa entry yung tungkol dun sa isang taong hinimatay, bumagsak kasabay ng kanyang basurahan, tapos natakot syang alamin yung sakit nya, natakot syang itanong sa doktor nya kung ano yung sakit nya dahil baka sabihin ni dok, "Sorry, you got one short life to live, as soon as you paid me, bye-bye, pffftt..."

Nagcoment si Prof. Dennis Aguinaldo ng UP Los Banos School of Broken Dreams sa entry na yun na "gesundheit". Teka, ano ba yun sa German? Good for you? Goodbye? Goodluck? Tsinek ko sa google yung salita, yumpala e expression lang ng good health sa isang taong humatsing!

Bos Denz, akala mo ba e humatsing lang ako? Oyes! Ako yung taong nalaglag nun, yung hinimatay nun, salamat sa yo Ms. Jet David dahil nakita ko yung litrato mo, antaas mo pala :) pero sa totoo lang ang batayan ng height ng babae e mula tuktok ng ulo hanggang leeg (asa pa ako!) pero talagang salamat sa yo kahit sabi mo yata nun e "I wish this entry is for me". Kwidaw, hinimatay nga ako nun eh! Ako yung nalaglag, mismo, nawalan ng ulirat, di ko nga alam ang dahilan, biglaan lang...Mag-isa ako nun sa bahay, tandang-tanda ko pa po kasi July 3rd nun, Sabado, nanood ako ng laro ni Andy Roddick sa US Open, tapos paggising ko andun ako sa kitchen, sa kitchen floor for accuracy, nasa lapag at kinakausap ko yung basurahan na nasa harap ko, tanong ko, Bat ako andito sa lapag? Di naman sumagot yung basurahan, tapos nawala na naman yung ulirat ko, paggising ko, aba, kasama ko na sa lapag yung buong China, yung mga plato, platito, susmarya, e tinangay ko yung buong ka-Chinahan, yung mga regalo sa akin ng mga kumag na plato't platito, ayunnn ang Hunan, yung Nanking bat anudunnn dumami sila... Dang! Deng! DengXiaoPing!

What's wrong wid me?, tanong ko ke Doc.

Chineck up ako, inendorse ako ni Doc sa asawa nyang Doctora na espesyalista, pinagtulungan nila akong gamutin, naging mabuti ko nga silang kaibigan pati yung nurses nila 1st name basis na kami kaya pag nakikita nila ako sisigaw na sila, How are you c?

Maraming sessions ang naganap. Maraming-marami. Nakilala nila ang atay ko, ang bato ko, ang bituka ko, ang pwet ko, ang mga paa ko, ang tuhod ko, ang lahat-lahat ko. Sila...nakilala ko lang ang labas nila. Ambubuti nilang tao. Better persons than doctors. Beautiful people than professionals.

Pero binuhay nila ako.

Tapos nung tsunami, akala ko, tapos na ang sakit...

Ilang araw, si Doc, si Doctora, kasama yung mga bata, mga anak nilang pagkaybabata pa, sumemplang yung SUV0 nila, si Dok tsaka yung dalawang bata, dead on the spot (umiiyak ako habang sinusulat ko to, kala nyo ba), tapos yung isa pang bata natepok the following day, tapos si Dokotra nasa coma.

Gaano kabigat na responsibilidad kaya ang nakapatong dun sa mga taong nakapaligid kay Doktora? Paggising nya, sasabihin sa kanya...Doctor, welcome to life...you have to live by yourself now...they're gone. Ikaw, kaya mo bang akuin ang burden na yun? Ako siguro hindi, kaya nga kailangan ko ang tulong mo, bok.

Bos Jim P, sana nga po, This, too, shall pass... _

Monday, January 24, 2005

cbsreview: MILLION DOLLAR BABY

I could have been connecting the dots Saturday, trying to find the mystery form by putting together dot "a" to dot "z", waiting, lingering, living to see the dust cleared up unto the final dot that, alas, did not actually connect but stayed underneath the main form in the shape of a hook. It can't be any clearer, the final form when all dots connected. It was a question mark.

Connecting the dots begun at Barnes & Noble cafe, 3:00 pm, while I waited for the 4:30pm screening of this Clint Eastwood movie. There at the cafe I took the only table available.

I was enjoying my coffee in that lull when I noticed a book left on a chair across from me. I took it, a collection of essays critiquing Thomas Pynchon's The Crying of Lot 49.

A long tme ago I read an excerpt from this novel in some anthology of postmodlit. I did not understand the excerpt, no excuse there, and I could not even picture out where it's headed for. My belief then was that in the hallucinatory world of postmodernism, Pynchon was deliberately narrowing down his readership to a select clique converging way above the average.

The essays told me, reminded me, that TCOL49 is about one woman's quest for truth, community and significance, and it pictures out her drive to challenge the myth of a male-dominated society. One essay mentions of a NY Times' review of the book, agreeing as to how Pynchon writes about the way humans have become things and revealing a reverence for the human penetration of the thingness of America.

I stood up with the desire to pull out a copy of that Pynchon book from its shelf downstairs to give it (or is it myself?) a second try and a second home, only to realize it was five minutes to screening time. I walked briskly towards the theatre and with the windmills in my mind I lost all mental connections to the book.

----ooo000ooo----

Million Dollar Baby has three actors playing three characters representing the three types of men: Eastwood is Frank Dunn, boxing coach and gym owner, pessimist; Hillary Swank is Maggie Fitzgerald, waitress, boxing-champ wannabe, optimist; and Morgan Freeman is Eddie Dupris, ex-boxer and gym manager, realist.

The plot is simple: Fitzgerald walks into Dunn's and Dupris' lives as a walk-in member of their gym, begging for Dunn to teach her how to box and consequently be a boxing champ. But Dunn is, as it initially appears, also a chauvinist. His credentials are only for men; worse, he believes that Fitzgerald's presence at the gym lowers his stock. He wants her out of there, too.

And of course we knew what comes next. The good guy Dupris convinces Dunn to give Fitzgerald one shot, boxing being just that, one shot, and everything calls for it; Fitzgerald is pretty persistent, Dunn's main ward went to another manager, and of course the film has to go on.

Fitzgerald transforms from an awkward beginner to a believably great boxer right before our eyes, and the moment we spent painstakingly with her, in that grimy gym under uncomfortable conditions (everyone but her is male, see) makes it easy for us to root for her in all her fights. In short, by the magic of cinema, we were her trainers, too, or Dunn's second, or her towel boy, or aide, or just a mere spectator in that gym that slowly but very surely gives form to a training camp of a champion.

Million Dollar Baby is not really a movie about boxing, even though it teaches us, non-boxing fans, some finer points in boxing: the wisdom of shifting weights, the physics in pursuing momentum through the turning of the toe, and as would often come out of Dupris' mouth, he being the narrator (all knowing, therefore, realist?) "Everything in boxing is backwards".

The correct thing to say is that Million Dollar Baby is really a movie about faith.

Dunn has no faith. He doubts Fitzgeral's ability, despite her past performances, and his faith in God is questionable, even though he attends Mass everyday (ironical because he reads WB Yeats, a very optimistic poet, and writes his daughter frequently - even if she sends his unread letters back as frequently). Fitzgerald is all faith. She has faith in his coach, in herself, even in her family who only uses her to attain things material. As for Dupris? Well, his faith is, how should I say it, seemingly metaphysical. His voice, excellent for a narrator, is honest (if there ever was one, an honest voice) and like the essence of somebody more powerful than us, we can't seem to follow where the honesty of his voice leads us.

Have you ever been asked, What are your weaknesses? Or, do you like yourself? Or, why are you intending to work for us? - all seemingly simple but essentially complex questions? This movie is like that and for a reason. It is a detective story that works in reverse. The more facts being presented to you, the more you do not know. (For in reality, this life is a detective story working in reverse, everyday we are just presented with things that we do not understand, more dots that we have a hard time connecting, or even if we do, only present us with another, bigger problem.) Yet the movie, and this life, tells us what we need. Faith.

In her WBA championship fight, something happens to Fitzgerald, and the last quarter of the film revolves around that. Like in the beginning, like in the middle, when she tries to connect the dots toward the championship which supposedly is the final dot, her very purpose, her very faith, carries the theme of the movie. It is a quest by a woman in a sports dominated by men, a quest by a woman for a meaning and significance in her relationship with her materialistic family (who, in themselves, represent the Thingness in America).

Million Dollar Baby's ending presents us with a question. Why?

It is a great movie and I have connected the dots.

Everything has to do with faith, baby.

Tuesday, January 18, 2005

CONFESSIONS

There is something interesting about this geography, if factual - a place in Western America where four states meet. The traveler once mentioned this spot, a tiny dot like a bullseye's, where (if true) Utah, Colorado, Arizona and New Mexico intersect, and with one step, one magical step, standing with one unmoving foot on that magical spot, you will be in four different states at the same time.

(Let us stretch this geographical magic with one more umph, if a key, one more octave. What if this geography occurs someplace(s) wherein time difference dwells as well? Alas, standing there like a statue you are simultaneously not just in different places, but boy, in different times.)

That spot, the intersection of the four states, sounds spiritual to me if only because it reminds me of the cross, the targetted center being the spot where you stand, that spot being the berth of your self where the four states take part of you, in an ideal world, share and share alike.

Patience is genius, bear with me.

Stand at the center. Close your eyes. Be yourself.

In this spiritual situation you are in, bless your soul, the four states surrounding you and partaking you are actually four questions that may break the barrier of our strangeness, questions I encountered from the last four books I read, questions that hopefully will give rise to the beatitude of THIS knowledge. In this regard please answer them in a way you are most comfortable with.

The first question is paraphrased from Arnold Weinstein's beginning sentence in A Scream Goes Through the House (the same question he once asked his CompLit class at Brown U on its first day); the second, from Nancy Malone's The Spirituality of Reading; the third, from JM Coetzee's Elizabeth Costello; and fourth, derived from a statement by Jon Frazier in The Best American Essays of 2003.

My dear friends, here are the four questions, feel free, don't think of me as an intruder, but if you please care to share, then pray tell:

1. Are you hurting now?
2. Are you in touch with your thoughts?
3. What do you believe in?
4. Is death your distraction?

Thanks, and true peace to all.

Tuesday, January 11, 2005

HULING BAHAGI: REMISYON 2004

Para na akong si Alfred Lord Tennyson, sa Ulysses, at sa paga kong katawan ay nasasambit ko na lamang, I cannot rest from travel: I will drink life to the lees.

Ang daan patungong Yosemite National Park sa Gitnang California ay nasasakluban ng San Joaquin Valley. At dahil valley, nakaluklok sya sa paanan ng kabundukan. Sierra Nevada ang kabundukan.

Naaalala ko yung title nung isang pelikula, How Green Was My Valley. Totoo nga, green ang mga valleys, kaya kalimitan sa kanila masarap tingnan, masarap tirhan, laluna kung nakapalibot ang mountain ranges na parang nariyan lang at pwedeng tapik-tapikin, malayo man, malapit din. Pero tulad ng kahit anong valleys, mababa ang lebel ng lupain, kapag umulan ng todo e delikado sa baha dahil ang tubig na galing sa bundok doon ang istambay. Kapag malamig, sobra ang lamig, kapag mainit sobra ang init. Ang lamig at init, natural lang na bumababa dahil sa gravity; dahil hostage sila sa kulungang valley, nananatili ang lamig o init na parang hostage ng mga bundok. Kaya nga laging mahamog doon sa mga panahong ito. Hostage din kasi ang hamog. Grabe ang hamog sa gabi o madaling araw. Para kang lumulutang sa alapaap.

Gantong-ganto ang daan tungo sa purgatoryo, sabi nung driver namin habang patungo kami ng Yosemite at rumaragasa sa hamog. Tingin ko lang sa paligid e umaangat na agad ang balahibo ko at nasasambit na, Aba, maaari nga. Ang mga puno sa ekta-ektaryang lupa e parang mga tuod, lagas ang mga dahon na para bang katatapos lang silang bitayin at nakatingkayad pa ang kanilang mga kalansay. Anong puno ba to? Jacaranda?

Teka lang, baka naman purgatoryo nga ito; tamang-tama at nagbabasa ako ng Elizabeth Costello, andun na ako sa huling chapter na pinamagatang At The Gates kung saan hinihingan si Costello ng kanyang deklarasyon ng paniniwala nung matanda sa pintuan. Confession nya, baga. AHA! Itong San Joaquin Valley siguro na sinabi ng driver na daan tungo sa purgatoryo ang mismong purgatoryong kinalalagyan ni Elizabeth Costello, ang Purgatoryo ng Mga Cliche'.

Sabi ni Costello sa makulit na matanda na nagtatanong kuna ano daw ang paniniwala nya: Wala akong paniniwala dahil taliwas sa propesyon ko bilang manunulat ang maniwala, luho lang ang paniniwala. (Sagot naman sa kanya nung isang babae: Oist bruha, ang di nga maniwala ang syang maluho, kaming may paniniwala merong pinipili, kayong walang paniniwala ay nagpapatumpi-tumpik lang sa pag-antay ng mga posibilidad sa magkabilang panig.)

Uyyy, ako manunulat din. O di ba ako ang nagsusulat nitong blog na to? O laban ka? Ahh, talaga laban ka? Sori, ako hindi.

Teka, baka naman talagang purgatoryo itong San Joaquin Valley, makurot nga ang sarili ko. Wala naman akong nararamdaman, pero kelangang makasiguro, gaya ni Lean Alejandro nung tanungin sya kung bakit pinabinyagan yung anak nila ni Liddy, Mahirap na, sabi nya, baka nga me langit.

At dahil sa kahindik-hindik na kapaligiran ng SJV, at dahil sa ako e me paniniwala, kelangan kong mangumpisal, sori po kay:

- Evangeline Hererra, sa pagsulat ko sa yo ng love letters nung tayo ay Grade I (pero kinder lang ako talaga dahil sa edad kong 5 taon) na ikaw lang ang mamahalin ko; ang totoo e mahal ko din ang baon ko;

- kay Ric Arevalo nung Grade III tayo, dahil ninakaw ko ang tinapay mo; sori din sa Nanay mo kasi tinapon ko yung sandwich at walang lasa;

- kay William Torres at napagtripan ko yung bag mo nung 2nd year high school tayo sa klase natin sa Shop; di ko alam kung bat napatingin ako dun sa isang piraso ng bakal, tapos dinarang ko sa apoy, tapos pinanday ko yung bag mo, ayun, lusaw, anlaki ng butas wahaha! sori po.

- kay Lei na kapitbahay naming teen-ager na kakosa ko sa pagyoyosi, grabe ka iha at sinisirko-sirko mo yung yosi sa loob ng bibig mo, sori kasi naisip ko ambantot siguro ng hininga mo.

- sa mga mambabasa nitong blog na to kasi ginudtaym ko kayo, naglagay ako deliberately ng dalawang malalaking mali sa dalawang entries ko mula nung una pa, major errors talaga, kasi gusto ko mapansin ninyo at sabihin nyo, Oist mali ata yun; kung may pumuna e alam kong may pumapansin sa mga pinagsusulat ko; anlakas ng pagka-conceit ko grabeh, kaso nga alam ko na ngayon na na ala naman pala pumapansin, kaya sori, pati na rin sa sarili ko, the joke's on me.

Ang ganda ng Yosemite. Tamang-tama sa pakikinig ko nung cd ni Paul Simon na The Rhythm of the Saints na oda nya sa Native Americans, sabi nga nya sa kantang Spirit Voices

some stories are magical, meant to be sung
songs from the mouth of the river when the world was young
and all of the spirit voices rule the night

Tamang-tama sa Yosemite ang awitin ni Simon, dapat din lang syang kantahin dahil cbsmagical sa ganda. Tapos parang oda din sya sa Native Americans, pinangalan nga sa kanya Yosemite, Indian for ???? na oda sa mga Miwoks na nilipol ng Kaputian noong Mariposa Wars.

Kesa magsulat, kakanta na lang ako, para sa Yosemite, kay El Capitan, kay Half Dome, kay Yosemite Falls, kay Merced River, mga bosings, sama-sama na lang tayo sa pag-awit nung Born At The Right Time ni Paul Simon, kunyari kayo yung baby boy...

Down among the reeds and rushes
A baby boy was found
His eyes as clear as centuries
His silky hair was brown
Never been lonely
Never been lied to
Never had to scuffle in fear
Nothing denied to
Born at the instant
The church bells chime
And the whole world whispering
Born at the right time

Monday, January 10, 2005

IKATLONG BAHAGI: IMERSYON 2004

Sa Muir Woods National Monument - isang gubat sa bundok na nasa Marin County mga kalahating oras ang layo sa SFO - namimigay ang gwardya ng mga polyeto ukol sa Winter Solstice. December 21 ang petsang pinagtalagahan ng WS, mismong araw na naroon ako. Sabi sa polyeto, ang WS daw ang araw na may pinakamaikling araw at pinakamahabang gabi, at pinakapunto ng pag-inog ng liwanag at buhay -the major point in the yearly cycle of light and life, ika nga.

Inog, o gulong ng buhay. Kumbaga kay Elton John sa Lion King, The Circle of Life. Pinaaalala ng WS, pinatototohanan, ang koneksyon natin sa pag-ikot ng kalikasan.

Buhay at kamatayan. Turn, turn, turn, awit ni P Seeger, para sa pag-awit natin ay maitapal sa utak nating naaaliw-aliw na may panahon sa bawat bagay, kabilang na ang panahon ng ating pagtigok. Sumulpot ka sa mundong ito na parang kabute, aba e kelangang malusaw ka rin na parang Campbells mushroom soup.

Sa may Visitor's Center ng Muir Woods, nagkakagulo ang mga bata sa paggawa ng wreaths na sinasabit natin sa mga pintuan kapag panahon ng Kapaskuhan. Yari sa evergreen ang mga wreaths, simbolo ng WS, simbolo ng habangpanahong pag-ikot ng mundo. Sabi ng namamahala ng Muir Woods sa mga bata, Hala sige, mag-uwi layo ng mga wreaths pero kelangan ibalik nyo sila bago mag-January 6th para naman mapabilang sila sa sariling pagbabago ng kagubatan.

Nakita nyo na ba ng personal ang nasirang si Boni "Mong" de Jesus? Asus, ginoo, noong araw, naramdaman ko muna sya bago ko nakita. Nasa likod ko sya pero dahil sa sobrang laki, alam kong andun sya, di man nagsalita. Sa Muir Woods, ganoon din siguro ang mararamdaman ng isang puno ng banyan (halimbawa) sa paligid ng mga higanteng California Redwood. Sa sobrang taas nila, andilim na tuloy sa gubat dahil hindi na makapasok ang sinag ng araw. Kapag humarap ka sa isang redwood at tumingala ka, ganito ang maiisip mong sasabihin nya kung makapagsasalita lamang: "Hoy, tao ka lang". Yun naman e kung malisyoso ka at habang tinititigan mo sya, ang nasa isip mo e, Hmmm, ilang kahon ng toothpick kaya ang katumbas nitong si Golem.

Tahimik sa Muir Woods. Ang kaya lang gawin ng mga tao e ang mamangha, o kaya kung pagod ng tumingala e maaliw sa kapapanood ng naglalampungang cojo salmon sa matimyas na dumadaloy na batis.

Ang mahalaga, mapabilang ka sa kanila, sa mga Redwood, at mag-alay...di lang ng panalangin na sana wag paglaruan ng apoy itong mga higanteng puno na to, o kaya e wag pag-interesan ng matalinhagang magtotroso...kundi pati na rin ng iyong hanging binubuga, carbon dioxide yun bok, ialay mo din para makadagdag sa kanilang pangangailangan, sigurado na walang alinlangan nilang bibigyang pansin at pasasalamat ang ginagawa mong inhale-exhale, inhale-exhale, at pakinggan mong maigi ang panayam ni G. Redwood sa kabila ng katahimikan, Hoy bansot, salamat sa sariwa mong hininga.

Ikot ng buhay. Ang lason mo, pagkain nila. Yung ngang mga pinsan nila, ang mismong buhay ginawa mong bahay.