<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Thursday, January 27, 2005

Kumpisal:

Tanong #1 - Bok, may nararamdaman ka bang pagkasakit ngayon?

cbsagot: Syempre, meron. Malalim nga ang sugat na hinukay ng buhay kamakaylan lang. Naalala ko nga yung kanta sa Metro Pop nung panahon ng Hapon - Laging Buhay ang Buhay - na nagpatindig ng ating balahibong tulog, salamat kay Jacqui Magno, nasabi ko, Oh yeah, rili, tapos... nasaktan ako sa sarkastikong pananaw ko...teka lang, mali ata ako...

Nasaktan ako, nasasaktan ako, kasi meron akong pagsisisi, guilt, survivor's guilt ba yun?, kasi ako makasalanan pero buhay pa samantalang andaming tao na nabubuhay ng disente na nilamon ng tubig, yung isang bata nga sa video andun sa may buhangin tapos tinatanaw nya ang horizon, siguro sabi nya, Pagdating ng araw aalamin ko kung saan nahahati ang langit at lupa, tapos ayun napusyaw, ininom sya ng dagat habang nagsisisigaw ang nanay nya. Ansakit no? Kung ikaw yung nanay, pag tinanong ka, Ano kinamatay ng anak mo? Sasagot mo, Ininom sya ng tubig, sasabihin mo, Huwaw, ironic ano?

Di ko naman gustong magpatawa. Di ko nga alam ang sasabihin ko. Masakit lang naman kasi talaga, biruin nyo naman mahigit sandaang libo ang napirdi. Tapos maraming bansa ang involved, global ang scope, global ang pighati, tapos ako andito lang nagtataype sa computer ko tapos sinasabi ko: tapos ako andito lang nagtataype sa computer ko tapos sinasabi ko.

Nag-attend ako ng retreat nung isang araw. Sabi nung isang nagtestimonial: Sino ba ako para intindihin Nya e samantalang isang bilyon ang Chinese. Oo nga naman, isip ko. Pero si pogi, napag-isip nya, Aba, teka, nakikita nga yata ako ng Isang Ito kahit pa sabihing isang bilyon ang Chinese...bale-wala nga yata ang bilang sa Kanya...

Hindi ako iyakin. Binugbog ako nung initiation namin sa frat, sabog ang uhog ko, nag-isip na nga ako ng kahit anong nakakaiyak kasi hindi daw ako lulubayan kung hindi ako iiyak e kaso sasabog na ang hita ko sa hataw ng yantok tsaka sagwan tsaka dos por dos, tingin ko nga sa kanila e papatayin na ako sabi ko sa loob-loob ko, putangnanyo ampapangit nyo, ganun lang, pero ala talaga, di ako kayang paiyakin sa bugbog, peke na lang yung ginawa ko, binuhusan ko ng tubig yung muka ko tapos kunyari hinika ako, ayun tigil sila...

Pero dun sa retreat, awww...turn-off na si Jobert nitoh...

Iyak ako, grabe, di ko naman alam kumbakit ako uimyak, tas kasama pa dapat namin sa retreat yung doktor nma gumamot sa akin, nakupo naiiyak na naman ako...

Tutal Kumpisal ito, kumpesyon, mano ba...pwede ko namang idelete ito balang araw kapag nahiya ako...

Meron akong entry dito noon, siguro mga buwan ng July, tinawag kong "One Step Closer to Knowing" na binase ko sa kanta ni Bono na sinusulat pa lang nya noon. Nasabi ko dun sa entry yung tungkol dun sa isang taong hinimatay, bumagsak kasabay ng kanyang basurahan, tapos natakot syang alamin yung sakit nya, natakot syang itanong sa doktor nya kung ano yung sakit nya dahil baka sabihin ni dok, "Sorry, you got one short life to live, as soon as you paid me, bye-bye, pffftt..."

Nagcoment si Prof. Dennis Aguinaldo ng UP Los Banos School of Broken Dreams sa entry na yun na "gesundheit". Teka, ano ba yun sa German? Good for you? Goodbye? Goodluck? Tsinek ko sa google yung salita, yumpala e expression lang ng good health sa isang taong humatsing!

Bos Denz, akala mo ba e humatsing lang ako? Oyes! Ako yung taong nalaglag nun, yung hinimatay nun, salamat sa yo Ms. Jet David dahil nakita ko yung litrato mo, antaas mo pala :) pero sa totoo lang ang batayan ng height ng babae e mula tuktok ng ulo hanggang leeg (asa pa ako!) pero talagang salamat sa yo kahit sabi mo yata nun e "I wish this entry is for me". Kwidaw, hinimatay nga ako nun eh! Ako yung nalaglag, mismo, nawalan ng ulirat, di ko nga alam ang dahilan, biglaan lang...Mag-isa ako nun sa bahay, tandang-tanda ko pa po kasi July 3rd nun, Sabado, nanood ako ng laro ni Andy Roddick sa US Open, tapos paggising ko andun ako sa kitchen, sa kitchen floor for accuracy, nasa lapag at kinakausap ko yung basurahan na nasa harap ko, tanong ko, Bat ako andito sa lapag? Di naman sumagot yung basurahan, tapos nawala na naman yung ulirat ko, paggising ko, aba, kasama ko na sa lapag yung buong China, yung mga plato, platito, susmarya, e tinangay ko yung buong ka-Chinahan, yung mga regalo sa akin ng mga kumag na plato't platito, ayunnn ang Hunan, yung Nanking bat anudunnn dumami sila... Dang! Deng! DengXiaoPing!

What's wrong wid me?, tanong ko ke Doc.

Chineck up ako, inendorse ako ni Doc sa asawa nyang Doctora na espesyalista, pinagtulungan nila akong gamutin, naging mabuti ko nga silang kaibigan pati yung nurses nila 1st name basis na kami kaya pag nakikita nila ako sisigaw na sila, How are you c?

Maraming sessions ang naganap. Maraming-marami. Nakilala nila ang atay ko, ang bato ko, ang bituka ko, ang pwet ko, ang mga paa ko, ang tuhod ko, ang lahat-lahat ko. Sila...nakilala ko lang ang labas nila. Ambubuti nilang tao. Better persons than doctors. Beautiful people than professionals.

Pero binuhay nila ako.

Tapos nung tsunami, akala ko, tapos na ang sakit...

Ilang araw, si Doc, si Doctora, kasama yung mga bata, mga anak nilang pagkaybabata pa, sumemplang yung SUV0 nila, si Dok tsaka yung dalawang bata, dead on the spot (umiiyak ako habang sinusulat ko to, kala nyo ba), tapos yung isa pang bata natepok the following day, tapos si Dokotra nasa coma.

Gaano kabigat na responsibilidad kaya ang nakapatong dun sa mga taong nakapaligid kay Doktora? Paggising nya, sasabihin sa kanya...Doctor, welcome to life...you have to live by yourself now...they're gone. Ikaw, kaya mo bang akuin ang burden na yun? Ako siguro hindi, kaya nga kailangan ko ang tulong mo, bok.

Bos Jim P, sana nga po, This, too, shall pass... _

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home