HULING BAHAGI: REMISYON 2004
Para na akong si Alfred Lord Tennyson, sa Ulysses, at sa paga kong katawan ay nasasambit ko na lamang, I cannot rest from travel: I will drink life to the lees.
Ang daan patungong Yosemite National Park sa Gitnang California ay nasasakluban ng San Joaquin Valley. At dahil valley, nakaluklok sya sa paanan ng kabundukan. Sierra Nevada ang kabundukan.
Naaalala ko yung title nung isang pelikula, How Green Was My Valley. Totoo nga, green ang mga valleys, kaya kalimitan sa kanila masarap tingnan, masarap tirhan, laluna kung nakapalibot ang mountain ranges na parang nariyan lang at pwedeng tapik-tapikin, malayo man, malapit din. Pero tulad ng kahit anong valleys, mababa ang lebel ng lupain, kapag umulan ng todo e delikado sa baha dahil ang tubig na galing sa bundok doon ang istambay. Kapag malamig, sobra ang lamig, kapag mainit sobra ang init. Ang lamig at init, natural lang na bumababa dahil sa gravity; dahil hostage sila sa kulungang valley, nananatili ang lamig o init na parang hostage ng mga bundok. Kaya nga laging mahamog doon sa mga panahong ito. Hostage din kasi ang hamog. Grabe ang hamog sa gabi o madaling araw. Para kang lumulutang sa alapaap.
Gantong-ganto ang daan tungo sa purgatoryo, sabi nung driver namin habang patungo kami ng Yosemite at rumaragasa sa hamog. Tingin ko lang sa paligid e umaangat na agad ang balahibo ko at nasasambit na, Aba, maaari nga. Ang mga puno sa ekta-ektaryang lupa e parang mga tuod, lagas ang mga dahon na para bang katatapos lang silang bitayin at nakatingkayad pa ang kanilang mga kalansay. Anong puno ba to? Jacaranda?
Teka lang, baka naman purgatoryo nga ito; tamang-tama at nagbabasa ako ng Elizabeth Costello, andun na ako sa huling chapter na pinamagatang At The Gates kung saan hinihingan si Costello ng kanyang deklarasyon ng paniniwala nung matanda sa pintuan. Confession nya, baga. AHA! Itong San Joaquin Valley siguro na sinabi ng driver na daan tungo sa purgatoryo ang mismong purgatoryong kinalalagyan ni Elizabeth Costello, ang Purgatoryo ng Mga Cliche'.
Sabi ni Costello sa makulit na matanda na nagtatanong kuna ano daw ang paniniwala nya: Wala akong paniniwala dahil taliwas sa propesyon ko bilang manunulat ang maniwala, luho lang ang paniniwala. (Sagot naman sa kanya nung isang babae: Oist bruha, ang di nga maniwala ang syang maluho, kaming may paniniwala merong pinipili, kayong walang paniniwala ay nagpapatumpi-tumpik lang sa pag-antay ng mga posibilidad sa magkabilang panig.)
Uyyy, ako manunulat din. O di ba ako ang nagsusulat nitong blog na to? O laban ka? Ahh, talaga laban ka? Sori, ako hindi.
Teka, baka naman talagang purgatoryo itong San Joaquin Valley, makurot nga ang sarili ko. Wala naman akong nararamdaman, pero kelangang makasiguro, gaya ni Lean Alejandro nung tanungin sya kung bakit pinabinyagan yung anak nila ni Liddy, Mahirap na, sabi nya, baka nga me langit.
At dahil sa kahindik-hindik na kapaligiran ng SJV, at dahil sa ako e me paniniwala, kelangan kong mangumpisal, sori po kay:
- Evangeline Hererra, sa pagsulat ko sa yo ng love letters nung tayo ay Grade I (pero kinder lang ako talaga dahil sa edad kong 5 taon) na ikaw lang ang mamahalin ko; ang totoo e mahal ko din ang baon ko;
- kay Ric Arevalo nung Grade III tayo, dahil ninakaw ko ang tinapay mo; sori din sa Nanay mo kasi tinapon ko yung sandwich at walang lasa;
- kay William Torres at napagtripan ko yung bag mo nung 2nd year high school tayo sa klase natin sa Shop; di ko alam kung bat napatingin ako dun sa isang piraso ng bakal, tapos dinarang ko sa apoy, tapos pinanday ko yung bag mo, ayun, lusaw, anlaki ng butas wahaha! sori po.
- kay Lei na kapitbahay naming teen-ager na kakosa ko sa pagyoyosi, grabe ka iha at sinisirko-sirko mo yung yosi sa loob ng bibig mo, sori kasi naisip ko ambantot siguro ng hininga mo.
- sa mga mambabasa nitong blog na to kasi ginudtaym ko kayo, naglagay ako deliberately ng dalawang malalaking mali sa dalawang entries ko mula nung una pa, major errors talaga, kasi gusto ko mapansin ninyo at sabihin nyo, Oist mali ata yun; kung may pumuna e alam kong may pumapansin sa mga pinagsusulat ko; anlakas ng pagka-conceit ko grabeh, kaso nga alam ko na ngayon na na ala naman pala pumapansin, kaya sori, pati na rin sa sarili ko, the joke's on me.
Ang ganda ng Yosemite. Tamang-tama sa pakikinig ko nung cd ni Paul Simon na The Rhythm of the Saints na oda nya sa Native Americans, sabi nga nya sa kantang Spirit Voices
some stories are magical, meant to be sung
songs from the mouth of the river when the world was young
and all of the spirit voices rule the night
Tamang-tama sa Yosemite ang awitin ni Simon, dapat din lang syang kantahin dahil cbsmagical sa ganda. Tapos parang oda din sya sa Native Americans, pinangalan nga sa kanya Yosemite, Indian for ???? na oda sa mga Miwoks na nilipol ng Kaputian noong Mariposa Wars.
Kesa magsulat, kakanta na lang ako, para sa Yosemite, kay El Capitan, kay Half Dome, kay Yosemite Falls, kay Merced River, mga bosings, sama-sama na lang tayo sa pag-awit nung Born At The Right Time ni Paul Simon, kunyari kayo yung baby boy...
Down among the reeds and rushes
A baby boy was found
His eyes as clear as centuries
His silky hair was brown
Never been lonely
Never been lied to
Never had to scuffle in fear
Nothing denied to
Born at the instant
The church bells chime
And the whole world whispering
Born at the right time
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home