<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Monday, January 10, 2005

IKATLONG BAHAGI: IMERSYON 2004

Sa Muir Woods National Monument - isang gubat sa bundok na nasa Marin County mga kalahating oras ang layo sa SFO - namimigay ang gwardya ng mga polyeto ukol sa Winter Solstice. December 21 ang petsang pinagtalagahan ng WS, mismong araw na naroon ako. Sabi sa polyeto, ang WS daw ang araw na may pinakamaikling araw at pinakamahabang gabi, at pinakapunto ng pag-inog ng liwanag at buhay -the major point in the yearly cycle of light and life, ika nga.

Inog, o gulong ng buhay. Kumbaga kay Elton John sa Lion King, The Circle of Life. Pinaaalala ng WS, pinatototohanan, ang koneksyon natin sa pag-ikot ng kalikasan.

Buhay at kamatayan. Turn, turn, turn, awit ni P Seeger, para sa pag-awit natin ay maitapal sa utak nating naaaliw-aliw na may panahon sa bawat bagay, kabilang na ang panahon ng ating pagtigok. Sumulpot ka sa mundong ito na parang kabute, aba e kelangang malusaw ka rin na parang Campbells mushroom soup.

Sa may Visitor's Center ng Muir Woods, nagkakagulo ang mga bata sa paggawa ng wreaths na sinasabit natin sa mga pintuan kapag panahon ng Kapaskuhan. Yari sa evergreen ang mga wreaths, simbolo ng WS, simbolo ng habangpanahong pag-ikot ng mundo. Sabi ng namamahala ng Muir Woods sa mga bata, Hala sige, mag-uwi layo ng mga wreaths pero kelangan ibalik nyo sila bago mag-January 6th para naman mapabilang sila sa sariling pagbabago ng kagubatan.

Nakita nyo na ba ng personal ang nasirang si Boni "Mong" de Jesus? Asus, ginoo, noong araw, naramdaman ko muna sya bago ko nakita. Nasa likod ko sya pero dahil sa sobrang laki, alam kong andun sya, di man nagsalita. Sa Muir Woods, ganoon din siguro ang mararamdaman ng isang puno ng banyan (halimbawa) sa paligid ng mga higanteng California Redwood. Sa sobrang taas nila, andilim na tuloy sa gubat dahil hindi na makapasok ang sinag ng araw. Kapag humarap ka sa isang redwood at tumingala ka, ganito ang maiisip mong sasabihin nya kung makapagsasalita lamang: "Hoy, tao ka lang". Yun naman e kung malisyoso ka at habang tinititigan mo sya, ang nasa isip mo e, Hmmm, ilang kahon ng toothpick kaya ang katumbas nitong si Golem.

Tahimik sa Muir Woods. Ang kaya lang gawin ng mga tao e ang mamangha, o kaya kung pagod ng tumingala e maaliw sa kapapanood ng naglalampungang cojo salmon sa matimyas na dumadaloy na batis.

Ang mahalaga, mapabilang ka sa kanila, sa mga Redwood, at mag-alay...di lang ng panalangin na sana wag paglaruan ng apoy itong mga higanteng puno na to, o kaya e wag pag-interesan ng matalinhagang magtotroso...kundi pati na rin ng iyong hanging binubuga, carbon dioxide yun bok, ialay mo din para makadagdag sa kanilang pangangailangan, sigurado na walang alinlangan nilang bibigyang pansin at pasasalamat ang ginagawa mong inhale-exhale, inhale-exhale, at pakinggan mong maigi ang panayam ni G. Redwood sa kabila ng katahimikan, Hoy bansot, salamat sa sariwa mong hininga.

Ikot ng buhay. Ang lason mo, pagkain nila. Yung ngang mga pinsan nila, ang mismong buhay ginawa mong bahay.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home