<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Monday, December 06, 2004

wala lang...

Mis ko lang kayo, mga pagkagagandang nilalang. Ako? Eto, sira pa din and pc, sira pa din ang ulo, nung tumawag nga ako ng tech support sabi ko, Pwede ba unahin nyo 'tong ulo ko, tapos sabi nung t.s., Akala ko ba sir punumpuno kayo ng memory?, sabi ko naman, Oo nga pero kulang naman sa tornilyo.

Nung nagpunta yung mangungumpuni ng pc sa bahay, tanong nya agad, Bos windows 98 ba to? sabay turo sa vintage pc, sabi ko, Malay ko! Umiling-iling lang sya na para bang me nagawa mabigat na kasalanan at nagsisising ganap. Tapos maya-maya may dinowload syang cd. Tapos sabi dun sa screen...45 minutes...waiting. Humikab-hikab sya. Tapos sabi ko, Nagte-tennis ka ba? (nakita ko kasi yung raketa sa trunk ng kotse nya). Oo, sagot nya, Lika palo muna tayo sa baba, yaya ko, Good, sagot nya. Ayun, laro kami, laro, laro, (pinaglaruan ko sya, har-har, kala nya ba porke ala akong alam sa computer e ala din akong alam sa tennis). Tapos after 1 hour balik kami sa unit, sabog ang pawis nya, pero parang ambango ng pawis nya, Tutuloy ko na lang to bukas, ha? mungkahi nya, Sure, kumporme ko, tapos alis na sya bago magbigay ng mahiyaing ngiti. Umuwi sya kasi hula ko gustong-gusto na nyang maligo.

22 years old yung mangungumpuning nagtetennis. Kamuka ng nasirang Julie Vega. Taga Colombia.

Problema: Di sya bumalik, di rin sya tumawag. Nayko, ngayon ko lang naisip, di kaya sya mismo si Julie Vega?

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home