ika3 yugto ng NYSOM
Nahilo ako di dahil sa vodka kundi dahil sa baho. Tawid mula sa THE, naroon ang isa pang the, The Park, Central Park. Dun kasi sa gilid nya from 5th Av (bale East side) nakahilera ang mga puting karuwaheng hila ng magigiting na kabayong amoy-tae. For a handsome fee, handa ka nilang ipasyal into time and space di lang sa sa kalawakan ng park kundi na rin sa imahinsayong Lancaster, Pensylvannia, na madali ring makapagpapaliyad sa sensitibo mong ilong. Pero masaya yung carriage ride, huh, katumbas ata sya ng gondola ride sa Venice sa ka-romantikuhan.
Dun sa grandeng fountain at sa may ampitheater sa gintna ng park, madidistinguish mo siguro ang taga NY sa mga nambibisita lang. Yung mga nagro-roller blades na sampu ang kulay ng buhok, mga nagsisirku-sirkong 200 pounder na babaeng naka-leotards, mga nag-uumarteng exhibisionists na halos pabango lang ang suot at astang nagma-mime, mga bading na naglalaplapan sa mismong stage ng ampitheater - palagay ko mga NYorker ang mga kumag. Parang halata sa attitude (na medyo hindi sa aptitude). Yung mga nandudumilat ang mata sa mangha, mga sayad ang panga sa lupa, mga namamalikmatang konserbatibong handang magpaka-liberal matanggap lamang ng lipunan na pawang nanonood sa kanila - aba e kami yun, mga bwisita o 1st day tenants na pilit hinihila at pabilisin ang araw either: para mapabilang na sila sa New York society asap, o dahil di na nila makayanan ang makasalanang pagsaksi at handa ng lumayas and get the fuck out of there.
Dun tayo sa Strawberry Fields, yaya ni bunso. Punta naman kami. Simple lang sya. Tahimik ang mga taong nagmumuni-muni sa isang bilugang mosaic na nakasulat: Imagine. Memorial kay Sir John Lennon. Sa mosaic, maraming bulaklak na naka-alay, sunflowers, carnations, daisies - kung available nga lang sana, lalagyan ko ng sampaguita tsaka ilang-ilang, para sabihin ng mga kapwa Pinoy na mapapadaan, Aba gid, may pinoy ditong nakiki-give peace a chance ga!
O, mga bata, larga na tayo, order ni Ate. We have a very tight schedule kuno. Hoy C, sabi pa nya sakin, Tigilan mo na yang kakakanta mo ng In My Life jan at di ka madidiskubre ni Yoko Na Ono. Sunod ako syempre. Alam ko na kasi panakot nya e, ibababa raw ako sa Harlem pag nagtutumigas ang ulo ko.
Sasakay daw kami ng Subway, yeeey, papuntang Battery Park, yeeey, sana di kami ma- battered. Aba dito pala sa subway stations nanggagaling yung steam na nakikita kong lumalabas sa mga kalye? Akala ko nung una me nagluluto lang ng siopao sa ilalim ng lupa. Antay kami ng aming train, antay-antay. Maya-maya, may tumugtog. Live. Isang itim na naka-braid ang buhok na nag-sax. Porgy and Bess. Shit. Paiwan na lang kaya ako dito. Kaso dumating na yung train namin, kainis. Naghulog muna ako ng $1 dun sa lalagyan nung street artist kasi ramdam ko, hino-hone nya yung artistry nya kaya responsibilidad ko sya. Yung mga pulubing nanghihingi, ngiti lang ang binibigay ko sa kanila kasi alam ko responsibilidad sila ng gobyerno.
Upo na kami sa train, la-la-la. Andaming tao, wow, people watching. Maglaro kaya ako, hmmm, no, hindi ko lalaruin ang sarili ko, bastos. I-categorize ko lang yung mga nakasakay. Baduy ba sila o di baduy? (Sa ngayon, deck or fin na ang categories nila.) Me isang mama, nakaexpose ang dibdib para ipakita ang pagkabalbon ng bastos na dibdib at makapal na gold chain at medallion. Para syang me sakit sa atay. DECK. Yung isang ale, antaba pero fit na fit ang pantalon, gustong ipakita ang hubog ng malabalyenang-hita. DECK. Isang middle aged woman, hmmm, Ann Taylor na baby pink cheesecloth shirt at light brown canvass pants at me canvass bag din na may logo ng Sierra Club. Me maliit na butterfly necklace, tapos naka-beret. Hmmm. VERY FIN. Me isang bagets na tsinito na katabi ni Bunso, tipong FIN, naka cap na U2 Zoo Tour, tapos shirt na NYU, tapos tattered jeans at blue Nike. Kaya lang, hmmm, panay tingin ni kumag sakin, hmmm, sapakin ko kaya at paliitin lalo ang mga mata, lunurin ko kaya sa mami o supalpalin ng sangkatutak na kua pao. Maya-maya bumaba si Jet Li. Tawa ng tawa si bunso, har-har, Kuya C, ang galing ng pagka-drawing sayo.
Pagkalampas namin ng University Station, me booming voice na nang-agaw ng atensyon naming mga pasahero. Isang rapper naman, Yo, my name's Jimmy James/I'm not Ving Rhames/I see pretty dames/don't play no games/I want some moolah/To support some hoopla/...bla/bla/bla (di ko na tanda yung ibang lyrics). Tapos nun, umikot sya at sa muka ng bawat pasahero halos isaksak nya yung nakabukas na back-pack. Kelangan daw i-support namin ang hoopla, aba gid, ano yun, knee deep in the hoopla? Pagdating sa mukha ko nag-isip ako. Sukahan ko kaya yung backpack? (Sori muhn, this train stinks, muhn). Naisip ko sayang naman yung rap nya, mas okay na tong ginagawa nya kesa magpakahaba ng rap sheet nya sa presinto, bumunot ako ng coins sa bulsa at inilaglag ko sa backpack. Ka-ting! Katiting lang ang sounds kasi di tataas sa three pennies yung binigay ko sa kanya.
Andali palang magkapera dito, sabi ko sa sarili ko. Tumayo kaya ako at sabay kanta ng, Ako'y pobreng alindahaw, sabay saliw ng kamay pakaliwa't-pakanan. Malamang bugbog ang inabot ko.
Battery Park Station, sabi sa loudspeaker.
Baba, baba, sabi ni Ate. Any time now, harap-harapan na kami ni Idol. Yung babaeng me korona at me hawak na apoy, nakatingi sa malayo.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home