SA MAALINSANGANG PAGSILANG NITONG NEW YORK STATE OF MIND
Laglag ang panga ko sa unang sulyap sa 5th Avenue. Mga dalawang pulgada siguro ang iniangat ko sa lupain ni David Blaine habang namamalikmata sa ka-gothican ng St. Patrick's Cathedral. Napuna siguro ako ni Ate, Hoy, gunggong, wag kang pahalatang galing kang Pampangasinan, pulutin mo muna yung panga mo at mag-asta kang Nuyorker bago kita palakarin sa kahabaan nitong avenida.
Sinabi mo, giliw, kung pwede lang talagang ulit-uliting maranasan ang unang pagkakataong basahin ang Portrait of an Artist as a Young Man ni Joyce at Invisible Man ni Ellison, o panoorin ang City Lights ni Chaplin at Bicycle Thief ni De Sica, ganun din ang hinaing na sana ay magawang maibalik ang panahong unang masilayan nitong mga mapupungay kong mata ang Manhattang nililiyag.
Eswes, e di balikan. Time travel tayo...
Laglag ang panga ko sa unang sulyap sa 5th Avenue...Hoy gunggong...mag-asta kang Nuyorker bago kita palakarin sa kahabaan nitong avenida.
E di mag-asta. Teka, ano ba ang astang Nuyorker? Hmmm, kunyari di ako interesado sa kapaligiran, tapos nakakunot ang noo, tapos ambilis ng lakad, tapos pagdating dun sa
gusali ng investment firm na may real-time trading status ng NASDAQ na nakapost sa isang malaking monitor na gumagalaw-galaw, kunyari e titigil sa paglakad at mapapanalyze this at pinipitik pitik ng hintuturo ko yung aking ilong at napapasaad na, Hmmm, tipong agresibo ang galaw ng stocks (kahit sa totoo lang e di ko alam nun pano mag-invest sa isang baso ng patis).
Lakad, lakad, isnab, isnab, kunot, kunot. May bumangga sa balikat ko. Hey fuck, watch your...o ha! naguumpisa na ang NY state of mind ko. Lakad, lakad, isnab, isnab...
Itinerary ni Ate ang unahin ang Museum of Modern Art, o MoMA (siguro dahil muka kaming MoMO) bago ang lahat, kasi ba naman e tipong nag C-CMLI feeling pa yata ang kumag
(Children's Museum and Library, Inc, yun, mga kabataang kumag!) kaya hala, gutom na ang tyan ko sa NY pizza, pero museum daw, e di sige, go.
Si VanGok!, sabi ko. Ano kamo, Bangkok?, sabi nung isang utol kong ugok. VanGok, tange, sya yung painter na kung bigkasin mo e VanGow, paliwanag ko ke ugok. Halata naman kasi sa brushstrokes nya, ni Van Gogh, na sya yun nagpaint nun kaya nagyumabang na ako. Nagalit tuloy si Ate, Hoy c, di lang pala panga mo ang laglag, pati art i.q. mo southbound din, si Matisse yan. A ganumba, padyahi tuloy ako.
Tapos maya-maya, sumabog ang utak ko. Oh men! kilala ko sya di ako magkakamali ngayon, painting ni Picasso, L' Damoisseles du Avignon (di ko nga lang sigurado ang spelling) na nasa cover nung libreta de utang ko dun sa Pilipinas. Luluhod sana ako, genuflect baga, sabay krus sa dibdib, dahil talaga namang sacred ang pagkakafeel ko sa una naming pagbabangga ni Picachu, lintek ang ilong nung kababaihan sa Avignon e nasa tenga, sintutulis ng siko ang suso nila, cubist ba naman ang plataporma e di matulis nga. Merong isang insane na nasa gitna ng lobby na kunyari e me hawak na largabista at nilalargabista ang L' Damoiselles. Hmmm, artistic vanity ba yan, pre, o nilalargabista mo lang yung suso nila? sumagot kah! Amerkano si moks kaya di sya sumagot, I presume, medyo nagpapa NY state of mind lang sya gaya ko.
Tapos umikot kami sa mga exhibits na nagpawindang ng artistic savvy-ness ko, aba si Pollock, inispat-isplat lang ang canvass e painting na raw, matanong nga ke Ms. Gwen Bautista kung anong style yung inisplat-islplat ang canvass at painting na raw; tapos Impressionists, huwaw, first impression, lasting fucking impression, This is Monet, yes, pronounced as Moh-nei emphasize ni Ate, (naghahanap nga ako nun ng donut tapos bibigyan ko sya, O ate, kumain ka ng doh-nai) and that is Rembran, silent dt, emphasize nya ulit.
Rembran sya o Rembrandt, ate, kain muna tayo...
magbabalik ako sa nystateofmind.com, kung ok lang sa inyo.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home