<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Wednesday, August 04, 2004

SI CHA ATBPng KAASWANGAN

Awoooooo...!
- Paboritong kanta ni Tatum,
ang aso kong matagal nang patay.
Minana nya ang pag-yodel sa mga
ninunong lobo at 'di sa mga pinsan
nyang ulol.

^..^ Di ako takot sa multo. Maski nung bata ako, wa epek sa akin ang dilim. Mas ilag ako sa taong buhay na mukang multo (gaya nung mama sa salamin). Nagtanong nga sa akin si LP kung kaya kong manirahan sa isang bahay na tapat ay sementeryo; aba! kung singganda ng sementeryo sa Boston sa likod nung isang govt. bldg., kahit dun sa mismong compound ng sementeryo mamamahay ako. Problema lang e di makakadalaw yung pamangkin kong si OliveOyl; di kasi sya humihinga twing dumaraan sa harap ng sementeryo. Me katangahan din ano? Pero teka, may nagtanong sa kin kung kakainin ko ang prutas ng punongkahoy na nakatanim sa sementeryo. Hmmm, kung chesa yun di ko kakainin, di ako kumakain ng chesa. E kung mangga yun? Hmmm, hindi rin siguro, di pa kasi ako nanananghalian, baka sumakit tyan ko.

Nung isang taon may nagmulto sa akin. Babaeng multo. Makulit na multo. Napagkamalan akong babae. Natawa nga muna ako, sabi ko salamat sa compliment (compliment kasi sabi nga ni Ruben Dario ang kababaihan daw ay mismong karunungan; ah...kaya pala engot ako) pero lalaki ako, I'm a man (darambong) can't you see it in my writing, you critical critic, eswes, ayaw nyang maniwala di wag. Tapos ayun nagchiwariwariwa hanggang makyutan ako sa kanya kahit multo sya (sabi nya kasi ghost daw sya, e di sige) hanggang lumaon, aba, magaling mag-analyze tong si kulet ah, balang araw bibigyan kita ng libro, sumpa ko sa sarili ko.

Ayun, tao pala sya na may personang aswang. Pero di basta tao. Ang ganda. Ang talino. Medyo may kataasan, mas mataas sa lupa, pero yung kakulitan nya ang kanyang prime asset, boy, (yung iba kasi ang pagkamakulit ay ah shit). Sya siguro ang itinalaga ng sistema ko kung bat di ako takot sa multo.

Konti lang ang alam ko kay multo, pero yung konti na yun, panglahat-lahat na kumpara sa iba. Pangalan nya ay Charlotte, medyo tugma sa Salem's Lot, abanaku e pakakantahin ko na uli si Tatum nyan. (Sabi ni Francois sa Reflections, Maxim 76 ek-ek, ang mga aswang daw parang tru lab, pinag-uusapan ng lahat pero konti lang ang nakakakita). O siguro konti lang ang nakakaalam sa cv nya. Pero konti man yun, puro sapak naman: school (UP); dating opis (BOI); favorite reading materials (heavy books, light komix); favorite dramaness (si ahem na napadpad sa Chicago). Ang pinakaimportanteng alam ko sa kanya: pinakalab sya ng pangkat na Jobert's confusedly organized disciples kabilang na ako. Dapat lang na lab namin sya, otherwise malulusaw kami.

Malulusaw kami sa kalituhan.

Pero buo kami.

Lab kasi namin si Cha.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home