LITANYA
Panimula at panambong, kay Sumakwel sumaklaw:
Anong karapatang taglay ng kabayanihang pag-iisip?
Kasaysayan ba ang hulinghusga sa tamang digmaan?
Kadakilaan ba ang hantungan ng pagsanib sa himagsikan?
Unang arangkada, semplang ang dating
Parang nobisyong karerista ang wating
Hinay-hinay muna, mag-isip ng taimtim
Sa presyo ng popularidad, angat daw ang malalim!
Tuloy-tuloy ang ugoy, panambitang nasyonalismo
Hinahangaan ng marami-raming progresibong pag-iisip
Gulanit man ang apoy sa kanluraning pag-iisang dibdib
At pataksil ang pakikiniig sa isanlibong indoktrinasyon.
O, ngayon?
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home