ARRRRRUUUU...KEKAPA, KEKA-PA
I am no prophet - and here's no great matter;
I have seen the moment of my greatness flicker,
And I have seen the eternal Footman hold my coat, and snicker,
And in short, I was afraid.
- T.S. Eliot
The Love Song of J. Alfred Prufrock
Ayaguy, sakit likod ko. Naghakot ako ng nakatambak ng dyaryong mula issue 1998 pa ata. Eto nangyari, pwede na akong balutan ng dyaryo. O ma-dyaryo. "Isang tanga, tinigbak ng dyaryo. Irony ng buhay: what claims him reports him. Hail to the dyaryo!" Pero meron akong di idinispatsa sa recycling bin. Yung December 31, 1999 at January 1, 2000 issues ny NYTimes, tinabi ko pa din. Hindi lang for posterity. Yung editorial nila, hanep, the key to the rock, kekapa, keka-pa...
Masakit siguro ang likod ko dahil matanda na ako. Malungkot pa. Parang si Prufrock na nagsesentimyento sa katandaan at kalungkutan. Cry like a parrot, chatter like an ape, ika nya, pero matanda na kaya ako at malungkot dahil nagbuhat ako ng dyaryo o nagbuhat ako ng dyaryo dahil masakit ang likod ko? Lintek na logic. Matanda na nga ako.
Sa totoo lang, yung lungkot, yung katandaan, fiction ko lang yan. Madalas naman kasi di totoo ang sinasabi ko. Tulad nalang ng kasasabi ko.
Life is too long, sabi ni T.S. Pero di ba buhay ang nagbigay sa kanya ng pangalan, it helped him tremendously, kaya siguro ibig nya sabihin talaga, life is tulong. Pero yawa, ako siguro ang dinescribe ni Mang Eliot dun sa Hollow Man kaya masakit ang likod ko...
Shape without form, shade without color
Paralyzed force, gesture without motion.
Iplagiarize ko nga si U. Elisorio (tama ba spelling, propesor X?): Ano ngayon kung pumanig si Marcus Solano kay T.S. Eliot?
A man's destination is his own village, his own fire..., (from To The Indians Who Died in Africa)
---------
Pahabol na hits:
Lahat ng aso matalino pero ibang klase yung tuta ni Olive na si Aurora. Malakas ang social skills at nakikiharap ng ayos. Kausap ko lang sya kanina...
cbs: How would you like me to call you, Aurora?
aso: Au-au!
cbs: Who's your favorite writer, Au?
au2: Woolf, Woolf!
cbs: OK. Uh, what human act turns you off?
au2: Barf-barf!
cbs: What do you do, then say, when you see a pretty bitch?
au2: Bow! Wow!
cbs: Am I corny, Au?
au2: Yip-yip!
-----------------
hits na pahabol:
Kolektor ka ba? Ibig kong sabihin, meron ka bang kinokoleksyon? Manika? Matchboxes? Selyo? Mga babaing pangalan Selya? May kaklase ako nung 1st yr college, ang iniipon ba naman e yung kaha ng Marlboro. Hayup, dalawang kahong sinlalaki ng ref ang puno ng kaha ng yosi ang pinagmalaki nya sa amin nung nagparty kami sa bahay nila. Mas proud sya dun kesa sa Amorsolong nakasabit sa may sala nila. Yung katukayo ko naman ng 2nd yr., dies sentimos na coins ang napagtripang paramihin. Mas hayup yun, economic sabotage siguro ang dapat ikaso sa kanya. Type lang daw nyang alisin sa sirkulasyon yung coins na yun, ayun, isang tapayang puno ng 10 cent coins ang nakabalandra sa kwarto nya. Yung mga artista, kalimitan napi-feature yung kaeekekan nilang koleksyon alinsunod sa alituntuning kailangang e interesting sila. Merong isang reporter/artista na ang kinoleksyon e pubic hair ng mga sikat sa industriya. Bastos na bata! DNA expert siguro.
Kunyari artista ako. Teka, ano ba kinokoleksyon ko bukod sa libag? Hmmm, meron akong mga libro. Mula college, nagsimula akong mag-ipon ng mga gawa ng Nobel Laureates kaya meron na akong mini-Nobel Library. Pero gusto kong i-specialize itong collection ko, pakitirin ang klasipikasyon, ang a-ewan, gusto ko yata na kolektahin na lang yung mga acceptance speeches ng mga NL, tawag ba e Nobel Lecture.
Mahirap lang, iba sa NL's, yun mismong mga libro nila ang hirap hanapin. Si Dario Fo, sangkatutak na bookstores na ang pinatulan ko (kasama na yung may rare titles daw, o) pero ang naringgan ko lang sa sales people ay Naku Fo, wala kami nun. Aba, mas lalong hanep makita ang Nobel Lecture nya.
Teka lang, ano pa ba ang pwedeng kolektahin? Ano pa bang kasalanan ang di ko nagagawa?
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home