<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5597606\x26blogName\x3dcbsmagic\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://cbsmagic.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com/\x26vt\x3d458748704286130725', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Monday, September 20, 2004

My NY S.O.M. (ikalawang yugto, parang 'Ang Panday')

Hindi ako mahilig sa pizza o kahit anong me keso dahil di ako mahilig sa keso. (Syempre me exception: gusto ko ang keso de kambing - kesilyo/feta cheese - dahil siguro ako ay mukang kambing, meeeeee.) Pero kaiba daw talaga ang NY pizza, isang kaibahang di naman nila maipaliwanag sa akin. Ano ngayon kung brick-oven cooked? Ano ngayon kung slow heat? Ano ngayon kung thin crust? Pizza is pizza, garbage in, garbage out. Pero sige, tipong pizza de intriga na talaga ako kaya sabi ko ke boss-ate, Te-ats, saka na muna yang Met-Met na yan, NY pizza muna tayo.

Ilang sandali pa, nakikigulo na kami sa Sbarro. (Bago pa lang siguro sya nun kasi wala pa akong ibang nakitaang syudad na me Sbarro.) Lintek, kung on diet ka, dun mo makikita ng personal ang demonyo. Lahat ng klaseng pasta, lahat ng klaseng pizza, andun.

Spinach pizza ang banat ko, parang si Popeye sa Italy, tamang-tama kasi kasama namin ang pamangkin kong si OliveOyl na ang hinahanap ba naman e kanin at toyo. Malaki ang sira ng batang to (dalaga na si OO ngayon, pinalaki ng kanin at toyo); nung hinarapan ko ng nangungusap na ravioli, nang-irap lang. Puh-leez, Unkah C, sabi ni Toyang.

Napuno ng grasa ang muka ko pero di ko alam kung ano ang pizzazz ng NY pizza. Nabusog ako, oo, pero ang kinain ko, puro form, walang substance. Parang ako. Parang ang panulat ko. Puro porma, walang sustansya. Kelan kaya ako magiging kasing-galing ni Dennis Aguinaldo, o ni U. Elisorio (langya, pinarehas mo naman ako ke Vim, kay Victor Emmanuel Carmelo D. Nadera, amputah! mas pogi naman ako dun! Biro lang. Kiskis lang ako dun.) o yung isa pang teacher yata na si Chuckster na mahilig kay Bjork na kamuka ni Chuckie? (Me talk show, tinanong ang isang record critic kung sino ang sexiest singer sa kanya. Si Bjork, sabi nya, kasi daw ang dating ni Bjork, habang nilalaplap mo sya ay sinasaksak ka nya.)

Next stop: Midtown 5th uli para matunghayan ang Rockefeller Center. Huwaw, (parang si Angela Solis, anak ko yan). Bronze statue ni Prometheus na isa sa NY icons ang bumungad sa amin, tapos me marker at may quote mula sa Prometheus Bound ni Aeschyllus, Hala sige basahin nyo, sabi ni Ate ko, Ho-hum, hikab ko, angkati ng pwet ko, Anukamo? basahin ko, O ayan binasa ko na, you happy now?

Tapos lakad ulit, pa Uptown. Huwaw, Niketown, Huwaw, Cartier, Huwaw, Saks (teka, dyan ba nang-ano si Wynona?). Naiihi ako. Ah, dun tayo sa Trump Tower, pwede kang umihi dun, sabi ni Ate na obvious e alam ang lahat ng ihian sa Manhattan. Tamang-tama, matagal ko nang gustong ihian si Bos Donald. Josme, andun na kami sa loob ng Trump Tower, OMD Orchestral Manouvres in the Dark!, anong lugar ito? red marbles ang walls na highlited pa ng red lights ata, huwaw, ganto siguro sa Impyerno, sabi ko ke bunsoy, Ewan ko, sabi nya, di pa ko nakakarating sa inyo.

Ilang saglit pa, nasa loob naman kami ng FSO Schwarz. Me laruang Mercedes benz, $20,000, pwedeng sakyan ng batang 3-4 yrs old, tatakbo si kotse, 20K, amputah e dapat lang na tumakbo sya. Anong kahunghangan ng konsumerismo ang magpapaliwanag sa kahunghangang ito, boss ate, magpaliwanag kaaaaahhhhhhh!!!!????!!!!

Tawid kami, The Plaza Hotel, parang isang palasyo, THE hotel na lang daw pwede ng itawag sa kanya, aba e di sagarin na ang pagka-THE nya at tawagin na lang natin syang THE, period. Pasok kami sa loob, Huway, manlilibre si Ate ng meryenda, merong kaya silang pansit malabon?
Tuloy-tuloy kami sa laoob na parang dun kami naka-billet. (Teka, ilan ba kami, bilang-bilang...5, lima kami.) Imbes na sa restawran, tuloy kami sa gift shop. Bili si Ate sa storekeeper. 5 of those, please, various, please. Kendi, chocolate kendi. $4.00 each, sinlaki nung football/itlog na chocolate kendi sa pinas, mga .025 sentimo. Huwat? $4.00??? Oo, say ni Ate, meron kasi syang vodka.

Hindi ako makahinga. Miss, paki-cpr nga ako, please...


0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home