<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Sunday, October 17, 2004

ika-4 na yugto ng NY State of Mind

Kung ang New York City ay binubuo ng limang "spots" lamang, ito sila: Empire State Bldg., Brooklyn Bridge, Wall Street, Times Square, at Statue of Liberty. May aangal at magkikilos-protesta: Asan ang Chrysler Bldg.? Pano naman ang Rockefeller Center? May NY bang walang Central Park? Asus, di kasama ang MET? Bronx Stadium, wa? Grand Central Station, itsapwera?

Pakitirin mo ang tanong. Kung ang NYC ay isang "spot" lamang, ano ito? Sa ngalan ng hustisya, sigurado ang consensus: Statue of Liberty.

Sa bagong libro ni Alberto Manguel na A Reader's Diary, sabi da: Ang sinumang di makabisita sa Simbahan ng San Andres de Teixido sa Galicia habang siya'y nabubuhay ay kailangang magtungo roon pronto matapos nyang mapirdi. A San Andres de Teixido vai de morto quen non foi de vivo.

Dang. Kung sino man ang magaling mag-spanggol at may sinusulat na libro, pakitranslate at pakisingit lang po 'to: Ang sino mang di pa nakikita ang Statue of Liberty ng personal, di pa muna dapat mamatay.

Malakas ang impluwensya ng Pransya di lang sa panitikan kundi pati din sa pagpapahaba ng buhay.
------------

Ayokong umakyat, sabi ko sa grupo. Dito na lang ako sa labas, titingnan ko mukha nya hanggang sa sumakit ang leeg ko. Di ko nga maramdaman ang pagkangalay. Alam ko lang, ang gaang ng pakiramdam ko. Gusto ko ngang magkrus lagi, parang napaka-sacred ng ambiance. Sacrosanct pa nga yata ang appropriate na term. Ewan ko ba tong mga turista, gusto lagi pumasok sa loob ng estatwa. Mga bastos, bat hilig nyong ipenetrate ang ninang ko?

May mga lugar daw na walang salitang maaring maghanda sa napipintong paghaharap ninyo ng Grand Canyon sa Arizona, Machu Picchu sa Peru, o Taj Mahal sa India. Basta ganun lang. Gumawa ka ng sarili mong description kung kaya mo. Tapos pag kinwento mo sa iba, di rin sila maihahanda nun. Pero hindi pwedeng ihanay ang Lady Liberty sa tatlong lugar na to. Iba kasi ang dating ni Madam Libay. Hindi naman kasi sya tinirik ng tao o nililok ng ilog at hangin para pambulag o pambulaga. Mas malakas ang simbolismo nya, yun ang talagang dating, pandemokrasya, pangkalayaan, tingin nga si Madam sa malayo may hawak na ilaw para kahit sa dilim makakita, sa katahimikan at kawalang-kataga sumisigaw sya, lapit, lapit kayo rito, dito kayo, dito tayo, sama-sama tayong lahat...!
---------------

Hoy c, tama na yang katitingala mo, o baka umiyak ka pa, wag kang mag-alala, maraming beses mo pa syang mabibisita - si ate ko uli yun, kontrabida (si Manang Libay ang bida). Balik tayo ulit, ha, bos ate. Oo na! Babay na kami kay Manang, habang naglalakad pabalik sa ferry nakatingin ako sa kanya, di ko inaalam ang nilalakaran ko, Arekup, sorry sir, nabangga ko tuloy yung mamang naka-turban, nanlilisik ang mata nya, akala ko dudukot sya ng flute at pasasayawin ako na parang kobra. It's hokay, sabi nya, sabay lakad ng mabilis, mas importanteng makita agad si Manang.

Sabi ni Chateaubriand, dala raw ng bawat tao ang isang mundong binubuo ng lahat ng kanyang nakita't minahal at kung saan sya muli't muling nagbabalik, kahit pa sabihing ibang mundo ang kanyang nilalakbayan o tinitirhan.

Aba e di New York City ang mundo ko. Kahit pa sabihing isa lang ang "spot" nya.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home