<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Saturday, October 23, 2004

ika-5 yugto ng NYSOM

Andaming kainan sa Manhattan ang nagbubukas at nagsasara at any given day. Nabasa ko nga yata minsan na bawat hinga mo daw, may nagoopen/close for business na restawran (kaya kung gusto mo ng mabilisang transisyon, bilisan mo paghinga mo.) Pero ang common thinking, mahal ang kain sa Manhattan. Gzzzzt! Wrong answer.

Sa Gray's Papaya, merong "recession special". Dalawang hotdog at fruit juice? $2.50. Sa Tom's Diner sa may St. John the Divine Cathedral (na laging featured sa Seinfeld), for a hearty breakfast of Corned Beef Hash and Egg, plus toast, coffee and orange juice? $3.50. Sa Hungarian Pastry sa may Columbia U, isang slice ng blue-berry cake, could very well be the best in the world, di lang to die for kundi to kill for na rin, tsaka unlimited coffee? Ala pa yatang $5.00. Pero isang pig-out dinner sa Hop Kee sa Chinatown na puno ng Pinoy? Priceless!

Lamang ang Pinoy sa Chinese sa Hop Kee nung kumain kami pagkagaling kay Manang Libay ilukat mo man. Kulang na lang may marinig ako na "pssst, hoy waiter, kalahating kanin pa nga" o kaya e "patis, patis, wala bang patis", o kaya e "mggghndd bgkk lksdgrds", susundan ng nanay nya ng "ang hilig mo talagang magsalita na puno ang bibig, baboy kah!"

Garlic crabs. Ngasab-nguya. Stir-fried watercress (parang adobong kangkong). Ngasab-nguya. Steamed sea bass. Ngasab-nguya. Wanton soup (sabi ni Rico, pinakamabigat na sopas daw, o, corny mo bok!) Ngasab-higop-nguya. Seafood chowmein. Ngasab-ngata-ngatal-nguya.

"Excuse me waiter, where's the john?", tanong ni bunso. "Kabayan", sabi ni waiter na akala ko taga-Southern Hunan province, "masyado kang nagbabasa ng Cosmopolitan magazine. Andun ang banyo", sabay turo sa pamamagitan ng nguso nyang pagkaytulis-tulis.

Ahhh, sarap kain, o sige bayaran nyo na, sabi ko naman sa tropa. Bunot si bayaw ng wallet nya, habang nilalabas nya yung card tingin ko ba ang pagkakahawak nya sa wallet nya isang daliri ang nakalawit, yung pang-gitna, tapos nakaturo sa akin. O baka naman paranoid lang ako? O baka naman immersed lang talaga si bayaw sa buhay-Manhattan? Favored finger kasi nila yung middle, anything at the center, anything at the heart of the matter, the universe revolves around them, damn Red Sox, boom, talo, back to reality. San na ba ako, a tungkol dun sa daliri ni bayaw...

Lakad uli kami, lakad-lakad sa kakitiran ng Chinatown. Tayo ako sa may isang corner store. Ekyu me, ekyu me, sabi nung Chinese merchant na may bitbit na dalawang balde. Tabi ako. Maya-maya binuhos nya yung laman ng 2 balde sa malaking lalagyan na kahoy na parang lalagyan ng tinitindang bigas sa Pilipinas. Wahaww, sabi ko, Rolex man, timba-timbang Rolex ang binebenta rito. Kumuha ako ng isang relo, chineck ko baka Lolex ang tatak, given the situation. Aba hinde, Rolex talaga ang nakasulat o, pero kay gaang nya, yari sa lata ng Campbells siguro, pero man, wag mo kalugin, wag mong timbangin, Rolex sya talaga, malupet sa Chinatown, walang panama yung tindahan ng sapatos sa Tanauan, Batangas, wahaw sabi ko, Puma, 25 php lang, paglapit ko, hanep sa tatak, Pusa. Pusang jilao ka talaga oo Prudenciooo!

Sabi nung isang aleng ungas, I mean, angas, sa isang blog, sapantaha daw nya e sa Pilipinas lang may bootleg o kung meron man sa ibang bansa, malamang Pinoy ang utak. Sakit nyong magsalita ma'am, sagad sa buto kong marayuma. Sa Chinatown, di pa pinalalabas sa sine, may tapes na nung pelikula. Hmmm, di naman mukang Pinoy yung may tinda ng dvd. Tingin ko nga e taga-Southern Hunan Province sya.

Next thing I know, nasa Observatory na kami ng Empire State Bldg, sa 86th Floor. Observatory. Ampangit na salita ano? Pinaghalong observe at lavatory. Ano ba inoobserbahan mo sa lavatory? Ganun din ang dating sa 86th Floor sa Observatory, para kang, hmmm teka, tanda ko yung tanong sa akin ng business-oriented kong brod na si Jun nung umaangat na ang eroplano papuntang Cebu, "Tol, pag dumudungaw ako sa bintana, nakikita ko ang daming magagarang bahay, puro prospective clients ito, dang, anlaki ng market ga, ikaw ano nasa isip mo pag dumudungaw ka sa airplane window, pag nakikita mo ang magnitude ng suburbia?" "Hmmm", sabi ko, "iniisip ko lagi, sa mga oras na ito, ilan kaya sa loob ng mga bahay na ito ang may naglalaplapan?".

86th Floor. Dungaw na parang sa airplane window. Sa N: Ilang magsing-irog kaya ang nagbobolahan sa kalakihan na yun ng Central Park? Sa E: Ilang diplomats kaya ang nagbobolahan sa session ng United Nations? Ilang tao kaya ang nahuhumaling sa Chrome-roof ng Chrysler Building? Ilang private yachts kaya ang nagjojourney to the unknown sa East River? Journey to the unknown kasi marami sa kanila, reception ng kasal, lakbay-ilog ang type ng ikinakasal, Till death do us part for tomorrow we'll file for divorce, honey. Sa S: Ilang daliri kaya ang ginugupit ng Cosa Nostra sa Little Italy? At dang, sa Wall Street, ilang batang investor kaya ang nagsabing, Eureka! I made my 1st million, dang, sanhi lang ng singkong pag-angat ng stock yun, o kaya, nakaswerte sa IPO, o kaya lintek ang insider nya, Hellow, Martha, sarap ba tulog mo? Talaga naman pagharap mo sa South, totoo yung sabi nila, The wealth of the world has a NY address, hmm ako kaya, ah, dun na lang ako sa tindahan mangangalap ng merchandise para sa nanay ko, pangalan ng tindahan e NY Stocking Exchange. Sa W: Ahhh, Hudson River, ahhh, Ilan kaya ang tao sa New Jersey ang sa ngayon ay nakatingin sa amin?

Ito ang test kung gusto mo sa NY. Dumungaw ka sa kalye, four corners of Manhattan, kita ang nagsasalimbayang sasakyan, mga taong parang kuto-kuto, halihaw ng mga sirena ang tangi mong maririnig, aha! aksidente dito, bugbugan doon, the city is alive, ano ang pakiramdam mo? Para ka bang nilalamon ng halimaw? Gaya ng Maneater, sabi ni Hall and Oates? O para kang involved? Attached? Immersed? Gaya ni bayaw, nakalawit ang gitnang daliri, Hey all of you, listen to me, I am Pinoy, I'm very much a part of this city, partake this finger...

cbs to bayaw: huy, marinig ka nung cosa nostra sa little italy.

he wants to ride
the back of a carabao and bolt up
Madison Avenue screaming
like Tandang Sora or shout
hala-bira! hala-bira!
- Nick Carbo
Ang Tunay Na Lalaki Stalks
The Street Of New York

(magtatapos, ayyy mabuti naman, sabi ninyo)

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home