<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5597606\x26blogName\x3dcbsmagic\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://cbsmagic.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com/\x26vt\x3d458748704286130725', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Thursday, October 28, 2004

pangalawa sa huling yugto ng NYSOM

Gusto ko sanang magdawdaw ng madeleine sa aking tsaa at baka sakaling bahain din ako ng ala-ala't gunita ng aking unang pagbisita sa Manhattan. Parang Marcel Proust na nag-quieme sa A la recherche du tems perdu: ang mimistulang pagdawdaw niya ng madeleine sa tsaa ang nagbigay-daan sa mga gunitain ng kanyang pagkabata.

Sa mundo ng panitikan, ito ang tinaguriang The Proustian Phenomenon. Sa ngalan ng pagdawdaw ay isinilang ang Ala-ala ng Lumipas, Remembrance of Things Past. Pero...ah, hindi lang. Mas accurate yata ang Pagbawi sa Nakalipas, Recovery of Things Past.

Unang tanong: Pa'no na kaya kung si Proust ay maganang kumain noon at sa halip na isang maliit na biskwit, ang idinawdaw nya sa kanyang tsaa ay isang pagkalaki-laking piraso ng monay? Di kaya nakapagsulat pa sya ng nobelang di lang basta nabihag ang nakalipas, bagkus ay nagawa din nya tayong bihagin upang manatili sa kanyang pinaglipasan.

Ikalawang tanong: Saan kaya ako kukuha ng madeleine sa mga oras na to, o baka naman pwedeng iduldol ko na lang ang mukha nung kapit-unit naming si Madelyn (na nag-iiskateboard sa loob ng unit nila 2:00 ng madaling araw) dito sa iniinom kong Harney and Sons black Ceylonese tea? Tutal extremer naman sya, kandado pa nga ang hikaw sa isang tenga. (Steel brush siguro sipilyo nya).

Ikatlong tanong: Kailan ko kaya huling ginamit ang salitang bagkus? Parang nalalansahan ako sa sarili ko, gayahin ko nga si idol Dennis Andrew E (este, A), hello Rizal, cliche' kpb?
-----------
May dalawang kasabihan sa India patungkol sa Syudad. Una, kung saan daw pipirme ang Negosyante, yun ang Syudad. Ikalawa, kung sira raw ang ulo mo, magtungo ka sa Syudad.

Hindi pa ako nakarating sa India pero mahilig akong mang-Indian. Eto ngayon ang pangatlo, sabi ko: Kung saan pipirme ang sira-ulong Negosyante, yun ang Syudad ng New York.

Nasa harap kami ng Flatiron Bldg, yung gusaling korteng plantsa, at nag-aantay tumila ang ulan ng may lumapit sa aking dambuhalang Afro-Amerikano na akala ko'y si Idi Uma Amin. Pustura, naka-Amerikana't may briefcase. Tumayo sa harap ko sabay bukas ng briefcase. Akala ko baka taga-Immigration at naghinalang TNT ako (Are you a dynamite, brother?) o baka buhusan ako ng uzi (as in uzi eliserio, you're such a dynamite, vroddah! pakita ka naman!!!) Yumpala tinamaan ng kulog e salesman lang ng kurbata si Idi. Want some ties, sir, one of a kind? No thanks, sabi ko; at bakit naman ako magsusuot ng necktie na may design na Empire State Bldg. aber, combie?

Sa Cafe Wah sa Greenwich Village (talo ng Village ang Savannah, GA sa ka-eccentricihan ng tao't hayop) may mga shows sila na ang guest stand up comics ay mga tv personalities na inam kung babuyin ang mga kostumer. Tinanong nung isang stand-up guest na taga SNL ang isang kostumer, Sir, what do you do for a living?, I'm a doctor, sagot ng kostumer, What kind, tanong uli, You don't wanna know, sagot uli, C'mon doc, don't be a pooper, Okay, I'm a gynecologist. Aha!, sabi ng stand-up, See those women on that table over there, sabay turo sa mesa ng 5-6 na kababaihan, Can you give them a much-needed pap smear right now?
-------------
Sosyal ang mga tao sa Manhattan. Sosyal at sosyabol. Pero pagkatapos lang ng opisina to, ha, kasi habang nagtatrabaho o patungo sa trabaho, feeling nilang maghuramentado. After work, huwaw, cocktails ang trip, tara... eavesdropin natin yung 2 kumag sa kanilang Manhattan cocktail repartee:

Man: Musta ka na, malaki pa ba ang bunion mo? ha-ha-ha...
Woman: Aiii, pinapatay ako, hi-hi-hi...
Man: Bat di ka muna maupo, ayun ang silya o, ha-ha-ha...
Woman: 'Nong akala mo sakin, taga-Alabama, hi-hi-hi
Man: E ano ba bago sa yo? ha-ha-ha...
Woman: Lahat ng nasa muka ko. Atin-atin lang ha, tutal close tayo, bago tong ilong ko, bago rin tong pisngi ko, hi-hi-hi...kung ikaw nagpadetox ako nagpabotox, hi-hi-hi...
Man: Kaya pala tingin ko ang ganda-ganda mo Karen, ha-ha-ha...
Woman: Tanga, ako si Cindy!
---------
Di lang sila sosyal at sosyabol, inkredibol din sila. Sa kaprangkahan. Sa ka-direct to the pointan. Eavesdropin naman natin yung nagfi-first date na yun...

Man: Hi, so this is you Kat...
Woman: Yup, that's me, and Ken, you look much younger in person than in the internet...
Man: So they say. Here, take this (sabay abot ng manila envelope).
Woman: (Binuksan ang envelope at kinuha ang nilalaman). What the...? (nanlaki ang mata, tapos natawa. Ang laman ng envelope ay isang clean bill of health, medically certifying na ang midlife challenged na si Ken ay walang AIDS)
--------
Sa Ny pwede kang mag-palipas oras ng libre. Sa Barnes at Borders pwede kang magbasa hanggang gusto mo, pwede ka ring matulog, di ka pakikialaman, emphasized ni Ate. Trained daw ang mga empleyado na wag na wag papansinin ang mga buraot na kostumer basta di nanggugulo (parang sa Pasig, trained yung mga Motel employees na wag na wag titingnan ang muka ng mga pumapasok, laluna sa muka ng babae. Totoo ba yun, di ko alam). Ngayon, kung Barnes at Borders ang plano mong paglipasan ng oras, eto tip. Sa NY Public Library na lang, yung malaking gusali sa 42nd and 5th, may bantay pang dalawang rebultong leon na sina Patience at Fortitude, pinakilala sa amin ni...nino pa...ni Ate, e libre and entrance. Sa isang section, may exhibits. Mga aktwal na sulat ni Walt Whitman. Omigosh, nangangatog na naman ang tuhod ko, si Mang Walt, sulat ni Mang Walt (pero bat naman sa lapis, ala bang ballpen noon?) Swear, dapat na makita mo yun, Ma'am Belle Nabor, o baka naman mag-o captain my captain ka pa jan!

Pwede ka ding humilata sa malaking park sa likod ng NYPL, habang tumutugtog ang symphony orchestra at tinutugtog halimbawa ang, walang bolahan, Bolero ni Ravel.
--------
Panay ang tingin ko sa salamin sa restroom ng Gershwin Theatre. Lintek ang porma ko, naka pang-gahasa. Nakita ko sa labas ng theatre si Linda Hamilton, sabi naman ng kontrabida kong Ate, O wag kang lumingon jan, para kang taga-Iloilocos...

Alas-otso daw ang start ng show, Showboat, muhn, my 1st Broadway musical. Nilawayan ko muna yung kilay ko, parang si Chiquito sa Goryo en his Jeepney, amputah, buko ang edad ko...

Martsa kami, siguro 8 kaming lahat, martsa, martsa, Sunod lang kayo sa akin, sabi ni Ate. Pangalawa ako sa linya, nararamdaman ko na nakatingin sa amin ang mga tao, andami kasi namin, isa pa e wahaw... dun kami sa front row, siguro sabi nila... Sinong mga unggok kaya to, front row pa? Habang nagmamartsa kami sa kahabaan ng aisle, di maiwasang mapahanga ako sa likod ng ate ko, naka backless kasi sya, amputi-puti nya tapos itim yung evening dress nya, contrast talaga, tapos maya-maya kinilabutan ako, what the hell is that, me nakaumbok sa likod nya, anan, me anan si ate, naka-embossed pa!!!

Upo na kami, very 1st row, muhn. Aba kami lang ang nasa row na yun.

Umpisa na si palabas. Nood ako, nood, nood, maya-maya tawanan ang mga tao, Bat sila nagtatawanan?, tanong sa akin ni bunsoy, Ewan ko, sagot ko naman, di ko alam kasi pinanonood ko yung dalawang artista na yun sa may kaliwa. Yumpala, may patawa dun sa parteng kanan ng stage. Sa sobrang laki ng stage, di kaya ng field of vision na makita ang lahat ng nangyayari...KAPAG NASA FRONT ROW KA.

Kaya pala kami lang ang andun eh. Kaya siguro kami pinagtitinginan, as in...Omigosh, don't tell me they're gonna sit there...oh no!

Obvious ba? Na hindi kami taga-NY. Wala kasi kaming NY State of Mind.

Pero naman...

noon yun.

Ngayon, hmmm...ala pa rin cguro.

1 Comments:

At Mon Apr 23, 05:54:00 AM , Blogger Unknown said...

I was looking for anything related sa "goryo and his jeepney" ni chiquito. Baka naman you could summarize the story. Curious lang ako. Tawag sakin ng iba is goryo and my real name is gary. Thanks ha and God bless. You could also email it to me at am_ur_bass2@yahoo.com Would appreciate it so much. Di ko ibubuko edad mo, hehehehe. Ingat!

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home