<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Thursday, December 30, 2004

SA PANGHULING ENTRADA NG TAON...

UNANG BAHAGI: TRANSISYON 2004

- Sama ako sampu sa 'yo, Prof. Jim Paredes. Maski inuubos ako ng pighati (daig pa ng tuberkulosis ang takbo ng apoy sa pagkonsumo ng katauhan ko), pinipilit kong bumangon para man lang masabi sa kakilala kong Thailando, Sori pare, ano ba maitutulong ko? Pwede 'tong bisig ko, pwede 'tong kotse ko (maihahatid ko kahit saan ang tulong na maipapadala mo), pero sabi nya, OK lang ako, kami, malayo naman sa amin ang mamamatay-tubig, sana kayo sa Pilipinas OK din lang. Nayakap ko nga sya eh, si Jar, taga Bangkok, mas inalala pa nya kung may kamag-anak akong nilunod ng baha/bagyo sa Luzon kamakailan lang.

Ganun ba talaga ang trahedya, pinaghihiwalay tayo, tapos pinaglalapit-lapit? Matapos may manenok, akap-akap tayo sa isat-isa? Kabaligtaran ng komedya, pinaglalapit tayo, tapos pinaghihiwalay, tulad ni Victoria Giambate (tsura mo ba kung ayaw mong magparamdam, o di sige, sama-sama na kayo nung mga kakosa mong sina, sino ba yun, sina bananadakdak - cute sha, noh? - kaya lang tipong res ipsa loquitor...)

- Tapos nung isang araw nagbabay naman si Susan Sontag. Una ko syang napag-isip nung bata pa ako (at matanda na sya nun), tungkol sa kuro-kuro nya sa Vietnam War...tapos pagdating dito nabasa ko yung maikling kwento nya na The Way We Live Now na patungkol sa buhay-New York, para silang mga bubuyog, bzzz, chismisan sila ng chismisan gaya ng ginagawa natin dito, bzzzz, kasi Ganito Ang Buhay Natin Ngayon bzzzz habang nagbabakasakaling wag tayong lunurin ng mamamatay-tubig. Sabi ko nun, She is my favorite intellectual.

Nung nahapyaw ko naman yung In America nung 1999 na nanalo ng National Book Award (ngaba?), sabi ko, mmmmm, naghahanap ng Utopia, Ms. Sontag, You are my favorite leftist intellectual (kahit di ka pampered - sa tingin ko - gaya ni VG-lante!)

Tapos, nung lumabas sa New Yorker (o sa NY Times ba yun) yung reaction nya sa 911 at kinontra nya ang akusasyong duwag ang mga terorista, sabi ko, uh-la-la, Ms. Sontag, you are my favorite leftist intellectual bitch.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home