<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Friday, December 31, 2004

IKALAWANG BAHAGI: TRANSMISYON 2004 (NAIWAN KO ANG AKING PUSO/N ATBP. SA SAN FRANCISCO)

Nung araw na pinatutugtog ni Inang sa Pilipinas yung I Left My Heart in San Francisco ni Andy Williams ang pumapasok sa isip ko e San Francisco del Monte. Eto ngayon bumabalik na ako sa aking sarili, I am returning to myself, buo na ang kasaysayan ko at napagdikit ko na ang misteryo ng Frisco at SFO. Pwede na akong mag-asawa, malaki na ako, meron nang pilosopiya sa buhay, Kung hindi tayo kikilos, kailan?

Sa eroplano papuntang SFO katabi ko isang Gringga Matrona na hawak ang libro ni T.C. Boyle, Drop City, istorya ng isang grupo ng hippies sa California na nag-migrate sa Alaska. Nung nag-settle na ang eroplano sa himpapawid lumingon sa akin si Gringga at ngumiti ng ubod tamis. Counterculture ang dating nya, tipong smarte at malalim. Art dealer? Writer? Tumingin sya sa librong hawak ko, Elizabeth Costello ni JM Coetzee, sabay tanong, Is he good? No he's not, sagot ko, He's great. Him, sabi ko in reference to Boyle, is good, but them, turo ko sa cover design ng libro nya, are great. Natawa sya. I know, sabi nya, I'm from San Francisco.

(Nasa cover nung libro ni Boyle ang isang grupo ng babae't lalaki na pawang hubo-tabo at mapipintog ang mga pwet; kapit-bisig silang nakapabilog at nakadapa sa damuhan. Obviously, mga hippies sila.)

Kung naging New Yorker lang si Gringgay hindi nya ako tatanungin tungkol sa libro ko. Either kilala nya si Coetzee o di nya papahalatang ngwek-ngwek sya. Yun o kaya hinalibas nya ako ng libro sa komento ko.

Sa paglapag ng eroplano sa SFO Int'l Airport lumapag din ang pruweba: di lang San Franciscan sa himpapawid ang maganda, pati sa lupa din. Bos, kalabit ko sa sekyung unmistakably Pinoy, pano ako makakarating ng downtown? First time?, tanong nya. Opo, virgin pa po ako, sabi ko. Haw-hee, tawang-aso nya, kita mo yung asul na van na yun (kaway sya sa driver), sakay ka dun, $15.00 lang hanggang downtown, wag kang magtataxi, welcome to San Francisco.

Yung hotel ko nasa Geary St., sa pagitan ng City Hall at Union Square right at the heart of downtown. Oh-la-la, sabi ko, nasan ba ko, nasa Morocco? Lakas ng impluwensya ng Casablanca sa tema ng mga buildings ah, pati yung ACT, teka mali, nasa Calumpang ata ako, andaming Pinoy, teka mali, nasa Binondo pala, andami din kasing Chinese (Gary Lising joke: sa counter ng hotel pagnagtanong daw yung Front Desk, Check-in?, isagot mo, No...Noy-pi.) Di ko nagamit yung joke, Check-in kasi yung nasa Front Desk.

Ambango ng SFO. Ambango sa mata. Maaliwalas ang paligid 'di gaya ng LA na toxic ang ere, o ng NY na toxic ang mga tao. Maganda ang disposisyon ng mga San Franciscans, pati turista nahahawa, pati environment nahihili, siguro dahil Asyano ang majority group ng population, alam nyo naman tayo, kahit tragic nagiging comic. (Sabi nung isang intelektwal, Pag ala kang alam, ikunot mo noo mo tapos maglakad ka ng mabilis. Har-har, puro ganyan tao sa Manhattan. Tas sabi pa ata ni Conan O'Brian ang LOTR daw influenced ng NY where every other man is a Gollum. Teka nga at makaharap sa salamin. NamPucha, tama nga sya.

Andaming tao sa Union Square, merong magandang chick na lumapit sakin akala ko yayayain akong mag-date kaya sabi ko agad bago magtanong, Yes, of course, yumpala mamimigay lang ng cards, nakasulat: Jews for Jesus. Yun na. The card spoke of, for, about, the city. Merry mixture, salmagundi, diversified unity (unified diversity?).

SFO is a city of neighborhoods, sabi ni Turo, short for Tour Guide. The people love their neighbors and will fight for them. (In contrast sa NY the kindest word one will have of his neigbors is "They Suck" and the kindest thing one will wish of them is "To Fuck Off".) Madaling ma-appreciate yung sinabi ni Turo. Pagsakay ko sa cable car na-feel ko agad ang sense of community, or even of family. How you doin today? tanong sa akin nung car driver (actually di naman nya dina-drive yun, hinihila lang ata nya yung cable), tapos paalala pa nung pagbaba ko, Watch the cars, sir. Tas yung mga pasahero kwentuhan ng kwentuhan kahit di magkakakilala, tapos pag takbo ng mabilis downhill, huwwweeeee, sigawan ang mga bata, tawanan ang mga matatanda, kasama ako ng mga bata sa sumisigaw kasi nabuta na yung edad ko kumbaga sa larong bente-uno. Tapos alambitin din ako, naaalala ko tuloy yung mga bus na papuntang Laguna na walang dingding, meron pa ba nun ngayon?

Next stop, Nob Hill. Hmmm, tipong class tong lugar na to, Snob Hill. Next stop, Painted Ladies, naalala ko yung eksena sa So I Married an Axe Murderer, takbo si Mike Myers sa damuhan parang von Trapp Family sa Sound of Music, tapos kita sa background yung contrast ng Victorian houses against the city skyline, picture perfect ako dun. Next stop, Lombard St., antarik ng kalye, 90 degrees, pag nag-park ka siguro para kang nasa pagitan ng langit at impyerno; next stop Haight-Ashbury, Cha-cha-cha ng cha-cha-cha; next stop, Palace of Fine Arts, what beauty, and then... Golden Gate.

This is the Golden Gate? tanong nung isang turista. Disappointed sya, sobra siguro ang hype para sa kanya, tapos ganun lang pala. Oist, atin-atin, dalawang grupo lang siguro ng tao ang talagang naiinlove sa GGB: grupo #1 - mga civil engineers kasi alam nila ang structural integrity/vitality/virtuosity/generosity/curiosity nito na kayang magpagewang-gewang hanggang 6 ft. to the right at 6 ft to the left, mahiya syang nag-eelectric slide, atsaka the fact na yung isang cable magkabilang panig na sumusuporta sa kanya e binubuo sa loob ng 27,000 cables na singnipis lang ng pencil lead; at grupo #2 -yung mga nagsusuicide doon kasi alam nila ang talagang makasaysayang ability/capability/sagacity/serendipity/serenity ng tulay to serve as plataporma sa kanilang pagtalon, mas noble pa nga ang plataporma ng GGB kesa sa plataporma ng mga kandidato sa Pinoy eleksyon; dali mga politikong pinoy, punta na kayo sa GGB at mag-join sa grupo #2!)

Maya-maya akyat kami ng mataas na mataas, 900 ft. above sea level, Twin Peaks, boy, tanaw mo ang buong syudad 360 degrees, there's the Pacific Ocean, ayun ang GGB, the beautiful SFO Bay, ayun ang Presidio, there's the Pacifi Heights, Russian Hill yun, asan ang mga Russians?, that I can tell is downtown, kita kasi ang pyramid ng TransAmerica Bldg, there's Oakland...ah...naooverwhelm na naman ako, gusto ko na namang magpalipad ng saranggola.

Dito ako titira, nowhere else in the world, this has got to be the prettiest city in America, sabi ko kay Turo. Kelangan $150,000 ang income mo para makabili ng bahay dito, kaya mo ba?, tanong nya. Pero minsan naiisip ko din, sagot ko, na maganda rin sa ibang lugar.

Masaya talaga sa SFO. Punong-puno ng optimism. Carefree ang mga tao, peaceful, para pa din silang mga hippies ng University of California sa Berkeley kahit na yung iba sa mga hippies noon e hippopotamus na ngayon;

Me setback sa SFO: It lies on the San Andreas Fault. Pero dahil optimist sila e no problem, lumindol man ngayon e responsibilidad yun ng ibang tao, handa naman sila, tsaka may party pa ngayon, I'm sure hindi magcoco-incide yung lindol sa prty, will it? Handa naman ako palagi, pabida ni Turo. Lagi akong may flashlight sa bahay.

Handa talaga ang mga San Franciscans at mahilig sila magwarning. Sa kantang San Francisco ni Scott McKenzie nga, nag-alarma sya. If you're going to San Francisco, sabi da, be sure to wear some flowers in your hair. Maaliwalas din sa SFO kasi very tolerant ang tao't batas. Kaya nga andun ang mga bading, walang aalipusta sa kanila. At alam nyo kumbakit andaming bading bukod sa tolerance? Pinangalan kasi ni Santiago Cermeno ang syudad in honor of San Francisco de Assissi. Uh, sissy.

Oist, tutal di ka naman taga-NY, kilala mo ba si William Saroyan? Sabi kasi nya malalaman mo talaga kung buhay ka kung pupunta ka sa San Francisco at di ka mabo-bore.

Yeyyy, buhay pa ko.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home