ODE TO FAVORITES
Sinusulat ko itong post naaalala ko ang pamangkin kong si Ann. Bata pa si Ann pero super-organized na, wehehe, siguradong di nagmana sa Tito nyang disorganized ang buhay. Tuwing mag a-out of town si Ann (halimbawa maga-attend ng summer camp), hindi sya basta basta mag-eempake. Kung ako yun, ganto ang plataporma ko sa pagta-travel: ano man ang maispatan ng mga mata kong bored, isasaksak ko na lang sa maleta, quesehodang wala syang paggagamitan sa aking lakarin; syete, magtatagal lang talaga ako sa pagpili kung anong libro ang bibitbitin ko (mga kalahating oras na pagninilay-nilay!)
Si Ann, on the other hand, ilalatag nya ang mga damit sa kama, pipili ng mga damit at pants na magkakabagay, tapos tatapunan ng underwear para maging isang set, tutupiin ng maayos, tas ihahalera sa maleta batay sa araw na ito ay susuotin (ang set na ito pang-Lunes, ito pang Martes etc etc). In other words, kung ang camp ay Monday to Friday, yung pang Monday na attire ang nasa pinakaibabaw ng maleta, at yung nasa pinaka-ilalim ang kasuotan papauwi ng bahay.
Hay buhay. Magaya nga itong si Ann. Tutal Memorial Day ngayon (casually, though not technically, considered 1st day of summer) at kung saka-sakali makapag summer travel, maisalansan nga din ang mga susuotin ko batay sa magandang kumbinasyon ng mga paborito kong t-shirt at cap. Ayann, eto sila, kaya kahit iisang nanggigitatang jeans lang ang dadalin ko, at least, pag suot ko ang kumbinasyong shirt at cap, ang tanging masasabi sa akin ni Ann ay Wow Uncle C, you got an attitude!
2 Comments:
nakapunta ka na sa galapagos! coolness.
-F
ako, hindi
yung kapatid ko, oo
i therefore conclude
mas marami pera kapatid ko
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home