<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Sunday, July 30, 2006

MIAMI VICE, MIAMI NICE

May kwento ang utol ko nung nasa Pilipinas pa kami. Meron syang kaopisina na may sports car. Pogi daw yung sports car kaya pag pumoporma si officemate, bale suporta lang sya sa kotse nya who usually did the talking ikanga. Minsan may lumapit kay Porma at inoperan na bilhin yung sports car, tipo raw ni Bong Revilla, at dahil maganda ang offer, binenta ni Porma si Pogi kahit pa syempre masakit sa loob nya (huuu, arte) at isa pa e idol ni Porma si Bong Gavilla, I mean, Revilla.

Lumipas ang buwan at minsan ay nanood si Porma ng pelikula ni Bong. OMG, nakita nya si pogi (yung kotse nya) sa isang eksena. Hayup! Nasa pelikula ni Bong yung pinagpipitagan nyang kotse at syempre dama ni Porma ang pagiging proud papa dahil isip nya kaya binili si Pogi ay para gawing artista.

Maya-maya, sa isang kahindik-hindik na eksenang halos ikaluwa ng mata ni Porma, pinasabog si Pogi. In other words, binili sya ni Bong Revilla upang katayin lamang and nothing but.

Actually wala namang koneksyon ito sa post ko ngayon tungkol sa Miami Vice. Pero pwede rin siguro, to think na partly taga Miami ako, at kaya ko siguro pinanood ito ay dahil baka sakaling extra din ako sa pelikulang ito ni Michael Mann. E ano naman kaya ang gagawin sa akin ni Direk Mann kung sakaling extra ako? Malamang e baka pasabugin nya ang tae ko, lintek.

Bata pa ako big fan na ako ng Miami Vice series. Di pa man ako nakakarating ng South Florida, kilala ko na ang South Beach, ang Everglades, ang Art Deco district, ang Keys, ang Biscayne Bay, tsaka Calle Ocho (Little Havana). Parang palad ko, alam na alam ko ang ambiance ng Miami, mala pastel ang mga buildings, pirming mataas ang araw, maraming palm trees, at nagpipintugan ang mga wetpu ng kababaihan. Tas pamilyar na sa akin ang Miami sound ala Gloria Estefan na mabigat sa (heavy on) percussions dahil sa Afro Carribean inluence ng Cuban sound.

Sa bagong Miami Vice, isa lang ang naretain. Yung salsa music sa isang eksenang ang setting ay sa Havana.

Everything else, wala na. Wala ang SoBe, walang pwet na mapintog bukod sa maitim na pwet ni Jamie Foxx, walang pastel colored buildings, walang island feel, wala. Walang cool attires na ala Don Johnson (ang usual creator ng mga damit ni Johnson noon ay si Versace na nakatira sa Miami at ninenok ni Andrew Cunanan. Bukod kay Cunanan, ang tanging Andrew na nambulabog sa Miami ay si Hurricane Andrew.)

So, talo ba ang Miami Vice, the movie?

Talo kung asiwa ka sa pelikulang hand-held videocam ang gamit tulad ng Collateral tsaka Traffic, tas grainy yung texture, tas kalimitan gabi ang eksena, tas ang mga buildings e high rise, tas ang banatan e gaya ng sa Heat (or on a much bigger scale e yung Saving Private Ryan) dahil may feel na "you-were-there" ika nga ng tinamaan ng kulog na Southern Sons.

Kick-ass ang pelikula. Wala syang plot na gaano dahil di naman kilalang scriptwriter si Michael Mann. Pero yung soundtrack, boy, paglaki ko bibili ako nito. Tas yung gumanap na Gina, shet na malupet, wag na wag ko sanang makasagupa sa barilan ito at baka maihi ako sa pantalon. Me isang eksena na parang compatible dun sa famous scene sa Dirty Harry na kukunin ng kontrabida yung baril nya na tumilapon, at dun sinabi ni Clint Eastwood yung kanyang walang kamatayang Cmon, punk pick up that gun speech.

Sa Miami Vice da Movie, hawak ng isang White supremacist yung detonator na magpapasabog sa hostage nyang si Trudy. Sabi ni Gina habang nakatutok ang baril sa hostage-taker, (di ako sure shempre kung ganto nga yung dialogue, pero di na sha nalalayo): You know what's gonna happen? This is what's gonna happen, within so and so seconds a bullet will pass thru your medulla and you will be dead from the neck down, no muscle will twitch but the rest of your body will not know it"... e di ninerbyos si Kumag, tas nun, Pow, sabog ang utak nyang utak kabisote...

O sige, ang haba na nito, panoorin nyo na lang. Ala naman akong komisyon dito e...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home