<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Sunday, July 23, 2006

LAGALAG

Eto yung karakter na pinasikat ata nung araw ni Eddie Fernandez, tatay ni Pops, na wala sigurong ginawa kundi ang maggala, ang maglagalag, kaya sya binansagang Lagalag. Ginaya ko nga sya minsan nung umakyat ako ng hagdan, tas nahulog ako. Akoy nalaglag.

Korni.

Masarap maglagalag pag summer. Yun bang naka-backpack ka lang, tas t-shirt na cotton at shorts, tas sandals na matibay o kaya trekking shoes na mainam sa 'yong alipunga. Kunyari medyo athletic ang dating mo, yun pala ang laman ng back-pack mo puro kakanin. Me baon ka pang goldilocks na mamon major in ube, minor in keso.

Parang sa Boston, sa historic part ng syudad, meron dung Freedom Walk. Susundan mo lang yung red line na nakaguhit sa kalye, yun na ang pinakagabay mo, dadalhin ka na nya sa iba't ibang historic sites, sa USS Constitution na pinakamatandang warship na nakunsumisyon, este, nakomisyon pala; sa Boston Harbor kung saan tanaw mo ang spire ng Old North Chirch; sa Charlestown Monument; sa Bunker Hill kung saan naganap ang unang malaking sagupaan ng American colonists at British Army; at marami pang iba. Kinig kinig ka lang sa kwento tungkol sa US history, yun nga lang pag pinag-usapan na ang Boston Tea Party, wag mo ibwelta, Ay, ang labo naman ng party nila, puro tsaa lang.

Tas sa kabilang ibayo naman, sa Cambridge, ansarap magbaybay sa gilid ng Charles River at panoorin yung mga nagro-rowing dun. Sabi nung isang babae, mga taga Harvard ba yan o MIT? Sagot nung isa, mga taga-Harvard siguro. Di mo ba napansin, mukha silang tanga.

Sa Maine, ansarap ding maglagalag. Sa Acadia National Park, wala ka nang mahihiling pa laluna't binasa mo muna yung travelogue: If you have never tried doing nothing, Acadia is a good place to begin. Aba, aba, aba, di ba ang galeng? Mantak mo, pupunta ka dun na pagkaylayu-layo para lang wala kang gawin. Ansaya. Ansaya-saya!

E di naglagalag nga ako, takbo-lakad sa paligid ng National Park, sa Cadillac Mountain na unang nakasilay sa pagbukas ng year 2000, sa mabatong gilid ng talampas, sa bukana ng mabangong panilayan ng Jordan Pond.

Gusto ko nung minsang naglagalag ako sa Big Cypress National Preserve at hanapin sa isang strand yung tiger orchid na na-feature sa pelikulang Adaptation. Nagkaligaw-ligaw nga lang ako dahil ang aking sentidong pandireksyon ay walang kasing-sama. Ginawa ko e nakipaghabulan na lang ako sa mga paru-paro. Tas yung mga tipaklong na iba-ibang kulay at sintataba ng tabako e pinagtripan ko na rin. Sa gitna ng kawalan, ako ang nakikisama sa mga nilikhang manlilipad. Mantak mo namang walang ibang tao roon tumingin ka man sa paligid, ekta-ektaryang lupa sa abot ng iyong paningin, walang tao. Puro insekto lang (sabagay, sabi nga ni Joey de Leon, maraming tao ang insekto. Isa na siguro sya dun) at mga ahas, pagong, ibon, at bwaya ang maaari mong hamunin ng trip trip. Ala kang ibang pwedeng gawin kundi sakyan mo ang hilig nila, unless ikaw ang hilig nila.

Naalala ko tuloy yung sabi ni Boss Wendell Berry. The man who walks into the wilderness is naked indeed. He leaves behind his work, his household, his duties, his comforts - even, if he comes alone, his words. He immerses himself into what he is not.

Huwaat? Iiwan ang salita sa pagtungo sa kagubatan? Walang imikan? Walang halakhakan? Hmmm, kaya kayang maglagalag sa kagubatan ni Jet David?

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home