SA WAKAS NATAPOS DIN...
Ang NBA Finals bago ako tuluyang magka-nervous breakdown. Biruin naman kasi 9:00 ng gabi ET nag-uumpisa ang mga laro, tas natatapos pasadong alas-dose ng hatinggabi, tas kelangan kong magising ng 5:30 n.u. dahil kakayod pa (ng asin), tas pagdating ng katanghalian sa opisina para na akong extra sa Night of the Living Dead ni George Romero. Laking pasasalamat ko nga sa mga hilaw na players ng Dallas, tsaka sa superstar ng Miami na si Wade, Raw vs. Wade, dahil sa galing ng isang partido e natapos din ang sanhi ng aking napipintong nervous breakaway basket.
Malaki ang investment ko sa Miami Heat akala nyo ba? Sobra-sobra ang ipinundar kong oras sa kanila na maaari kong ginamit sa pagtulog, pero hindi!, hindi!, hindi ko maaaring itulog ang panahong maaliw ako sa marahas na pagbubunganga ni Avery Jones. Ayos, ka toy. Lintek ang boses mo, parang boses ni Inday Garutay.
Nung una kong napanood ang Heat sa Arena, live, nasa kanila pa si Glenn Rice, tas ang kalaban nila, dyaraannn! Dallas Mavericks. Tune up match yun para sa opening ng 1995-1996 season. Ang sikat na players ng Dallas e yung Triple J: Jason Kidd, Jim Jackson, Jamal Mashburn. Tas bago magsimula ang opening, kinuha ng Heat si Alonzo Mourning. Boy, from then on, the Heat had come a long way baby dalupan!
Maraming heartaches ang naranasan ko sa Heat. Nung sa tingin ko na may tsansa na sila sa championship (dahil ala na si MJ sa Chicago), na-injure naman si Timo Hardaway. Tas 3 years ago nung rookie season ni Wade, sagwa naman nung laban nila sa Indiana sa 2nd round ng playoofs kasi ang tumira ng final shot e si Eddie Jone. Klang! Parang free throw ni Shaq ang suma, ansakit sa mata.
But our time has come, ika nga. Pero magnanimous in victory naman ako e, kaya halina at paghahalikan ko na kayo, tsup, tsup, tsup, at ilabas na rin ang mga tabako at bote ng champagne, kasi ang Heat na dati kong tinaguriang Miami Hitad o Miami Hituwad nung panahong ang kaya lang nilang talunin e ang voleyball team ng Our Lady of Lourdes all girls school, aba e tunay na champion na sila ngayon, ika nga e lords of the ring.
Salud.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home