<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5597606\x26blogName\x3dcbsmagic\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://cbsmagic.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com/\x26vt\x3d458748704286130725', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Saturday, June 03, 2006

ahhh, summer...

takbo na naman ako kanina sa paligid ng lawa, pesteng yawa, kasarap talaga gid pag sabog ang gilagid, este, ang pawis pala pirs ting in da murneng, bago tuluyang magalit ang haring araw sa kanyang nasasakupan. takbo ako ng marahan, takbo ako ng mabilis, takbo ako ng papila-pilantik at lumulundag-lundag pa na parang baylerina kasi minsan me nadadaanan akong etats ng topats, bat di kaya turuan ng tamang pag-etat etong mga quack quack na to?, dun kayu sa damuhan mag-pupu, plis pretty plis, bago ko kayo pag-isipang i-transform into a succulent pato tim.

ayy, summer...

aiii, lab tu lab you, beybeh...

ayann, si donna summer.

as in donna summer of my discontent.

kayong matatanda kayo, kilala nyo ba si donna summer? sya yung me version ng "could it be magic" ni barry manilowkow na sobra ang pagkahalinghing at parang nananawagan na gamit ang art of multiple orgasm. naalala ko tuloy yung matanda dun sa when harry met sally, sabi nya dun sa waiter, can i have what she's having?, matapos humalinghing si meg ryan na parang si donna summer sa kantang could it be magic. (kung ako yung waiter na napagtanungan ni grandmama, bibigyan ko sya ng instrumentong pang-labatiba.)

daan ako sa starbuko, ahh, ang lamig sa loob, konti ang tao, ayus, bili ako ng kape de pataranta at blueberry muffin, fresh from the oven, tas basa-basa ng new york times. ayus. news item: "online throngs impose a stern morality in china." tipong sumusubaybay ang mga chinese sa internet bulletin board. at dun, matapos manawagan ang isang husband na aniya ay napindeho, libo-libong chinese ang nag-react at hinanting ang aniya'y namimindeho. tsk, tsk, tsk, sabi ng butiki, delikado ito.

ooops. mayamaya alas-dyis na. daan naman sa bookstore at namili ng mga librong babasahin sa pinaplanong pagbabakasyon. nasa shopping cart:

a house for mr. biswas - vs naipaul
great american prose poems - david lehman, editor
man without qualities - robert musil (ikalawang kopya ko na, buset, nawala ko yung unang kopya bago pa man basahin)
into africa (the epic adventures of stanley & livingstone) - martin dugard
color photography - henry horenstein

ahh, summer. san kaya makapagbakasyon? sa 2nd floor kaya? o sa kanto? sa oakland kaya? as in oakland wehehe, tama ba spelling?

speaking of spelling, nanood ako nung scripps national spelling bee at naalala ko na naman yung spelling bee days ko nung bata ako. susmarya, panay ang root ko dun sa canadian na bata, si finolla hackett, kaso syet na malupet, yung german-flavored word na
weltschmerz (pronounced as velt-shmertz) e naispell nya with a v. asus! e german-speaking pa naman ang ama nya. tang ama talaga oo. yung nag-champion, minani yung "ursprache".

sa spelling contest sa skul nung araw, me kaklase akong nakaupo sa death row (4th row) ang sumali ba naman, dun sa unang spelling word, vignette, sagot nya

v...i...n...y...e...t

aiiiiii, s...y...e...t

(hapi birthday nga pala kay arianne angela fransisco solis ng manitoba, canada...uyyy, di na sya teen-ager)

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home