<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Thursday, April 06, 2006

MIAMI S.O.M. (ikalawang jugto)

Nakahiga ako sa di-pinong buhanginan ng SoBe (South Beach) sa Miami Beach at pilit pang pinasusunog ang sunog kong balat. Wala akong sun block na nilagay dahil, ikako naman, 24 karat na ang balat ko at tipong di na tatablan ng sinag. Si Bunsoy naman, mahiyang dadalo sa Mardi Gras dahil kulay puti, sampung coating yata ng sun block ang ipinahid sa katawan nyang naaagnas.

Sabado ng 10:00 ng umaga noon, manaka-naka ang tao. Pinagmamasdan ko ang kulay emerald na tubig na nagiging deep blue pagdating sa malayo. Kalmado sya. Ibang klase talaga ang Atlantic Ocean, sabi ko kay Bunsoy, di gaya ng Pacific Ocean na bukod sa marahas, di pa kaiga-igaya ang kulay. Di naman ako pinapansin ni Bunsoy dahil panay ang tingin nya sa paligid na parang may hinahanap na kakilala. Ayoko din naman syang bulyawan, Hoy bingi makinig ka nga!!! dahil ubod ng tahimik sa Beach. Parang Byernes Santo. Maya-maya, toing!!!, akala ko nalaglag yung mata niya dahil nag pop out sya. (Kung nalaglag nga sya ng tuluyan, wow labo, pupulutin nya sa buhangin yung mga eyeballs nya. E syempre saan nya huhugasan yun? Sa dagat na maalat? Aruy!)

Ayun yung isang nagboborles, sabi ni Bunsoy. Honganow, sabi ko, Taena, sangkatutak na helium siguro ang laman ng dede nun. Ayun pa ang isa, turo nya. Ayun din, turo ko sa kanya. Nalito na kami. Bigla-bigla, naggerminate ang mga nagboborles na sumingaw sa Beach at para kaming minamalikmata. Mirage ata ang tawag dito, sabi ko kay B. Tanga, sabi nya. Wala tayo sa Sahara Desert. SoBe to, ang beach ng mga ayaw magdamit.

So, yun na nga. Pag-alis ko sa SoBe, tatlong bagay ang napag-alaman ko. Una, ubod ng tahimik sa beach at talaga namang nakabibingi ang katahimikan. Ikalawa, topless beach ang SoBe. Kumbaga, partially clothing optional dahil you must keep your pants, di gaya sa Haulover Beach mga 4 miles north kung saan hubo-tabo ang dating ng mga tao. (Isang regulasyon sa Haulover ay kailangan sapinan mo ng twalya ang buhanging kinauupuan mo kapag hubo tabo ka. Syempre nga naman, kung ala kang saplot at ala ring twalya at nakasadlak sa buhangin ang mabaho mong pwet, baka pag-alis mo naman naman ay may humiga ng padapa sa dati mong pwesto at tywmpong nakatutok yung muka nya dun mismo sa pinag-upuan mo. Malamang mag-isip si Mokong, "Parang kakatwa yata ang amoy ng buhangin dito".)

Ikatlo, dalawang grupo ang mahilig magtopless sa SoBe: mga models na Europeans at umaasang may nagmamasid na scout ng modelling agencies o film producers; at mga gurang sa kung anumang bansang Latina at ipinakikita ang openness ng kanilang kultura.

Para sa amin ni Bunsoy, kung anuman ang dahilan nyong lahat, ipagpatuloy lang ninyo po.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home