<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5597606\x26blogName\x3dcbsmagic\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://cbsmagic.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com/\x26vt\x3d458748704286130725', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Tuesday, March 28, 2006

ISANG MALUWALHATING PAGSILANG NITONG MIAMI STATE OF MIND

Paunang Habi:

May 4 na magkakasama ang bumabiyahe patungo kung saan. Ang 4 na ugok na lulan ng isang kotse ay: isang taga-Iowa, isang taga-Idaho, isang taga-Miami, at isang taga New York.

Habang tumatakbo sila sa medyo karag-karag na kotse, ginulantang sila ng isang kasama dahil binalibang nito sa bintana ang isang sakong mais.

Nakupo sayang ang mais, ba't mo ginawa yun?, tanong ng mga kasama nya. Sagot naman sya, Wag kayong mag-alala at ubod ng dami ang mais namin sa Iowa.

Maya-maya dahil parang hirap pa rin tumakbo ang kotse, binalibang naman nung isang ugok ang isang sakong patatas. Wha!, pasigaw ng mga kasama nya, Ba't mo ginawa yun, ha?, ha?, ano pa ang ipampe french fries natin?. Wag kayong mag-alala, pagpakalma nya, Napakaraming patatas sa amin sa Idaho.

Habang tuloy pa rin ang takbo nila sa kanilang tumitigok na kotse, bigla ba namang tinadyakan nung taga-Miami ang taga-New York at tumilapon ito sa kalsada. Wha!, sigaw nung mga kasama nya. Ba't mo ginawa yun sa sosi nating kasama?

OK lang yun, sabi nya. Napakarami namang New Yorker sa amin sa Miami eh.

And on this note, sisimulan natin ang isang kabanata.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home