MUNI MUNI
Sabi ni Tony, tropa sa Pinas, nung despedida ko, Tol, pag-uwi mo ang una mong mapapansin andumi ng hangin dito. Overseas worker si Tony. And he was talking from experience. Sabagay, di ko naman kailangang bumalik pa sa Pinas para malaang andumi talaga ng hangin sa Maynila. Nung nag-aaral nga ako at sumasakay sa jeep, pagkagaling sa bahay ang una kong gagawin e linisin ang ilong ko ng q-tips. Asus, yung puti naging itim! Tapos yung contacts ko, pag nilagay ko sa solution, yung solution nag-iiba ng kulay bigla, para bang, Wah, buntis ang mga mata koh!
Speaking of jeep, nagulat ako dun sa post nung si Ederic, sabi nya ang bayad sa pasahe 7.50, tas pano ba daw kung di na ibalik ang .50 kung ang binigay mo e 8.00, magrereklamo ka ba na parang me mabibili yung .50 mo?
Nayko, nung umalis ako, 1.50 pa lang ata ang pasahe, (not so very sure, pero hindi sya 2.50, lalong hindi 7.50). Pag sumakay ka nga noon tas me nakasabay kang kakilala, unahan pa kayo sa pagbayad, samaan pa ng loob pag di ikaw ang nanaig. Tas minsang sumakay kami nina Jun at Boyet papuntang inuman sa may Herran (sarap kasi ng kilawing balat ng kambing dun, meeee) sabi ni Boyet sa driver habang inaabot ang 5.00, Mama eto bayad, tatlong pangit. Tawanan yung mga pasahero na parang bang saad nila, We so agree.
Haynako, namimiss ko na yung mga byaheng pampubliko sa Pinas. Minsan nga nung papasok na ako sa school ng mga ungas, dala-dala ko yung draft ng baby thesis ko. Magbibigay na kami ng status report nun kasi mga 2 months na lang before final submission. Mga 10 buwan ko nang binubuno yung thesis at pinasok ko na yata lahat ng library sa Metro Manila para makaabot sya sa 100 pages. Pagdating sa kahayup-hayupang Quiapo, naalis ko yung pagkakakalang ng kamay ko sa folder, bumukas sya, tas nilipad yung thesis ko, whoosh!!! palabas ng jeep at nagpara silang mga saranggolang ulol na nakawala sa maruming hangin ng Quiapo.
E di baba ako at pinaghahabol ko sila, maiyak-iyak na nga ako nun sabi ko, patay di ako makakagraduate. Pagdating sa school at nag-submit na kami ng status report, eto yung sinulat ko:
status: Missing pages 2,3,7,10-14,18, 20. These renegade pages went their own way, to places unknown, and refused to be part of my thesis.
Siguro naging pambalot sila ng mga kung anu anong hokus-pokus sa Pokyaps. Hey buhey Pokyaps ka talaga oo.
Speaking of Pokyaps, pag bumababa ako sa ilalim ng Quiapo para lumipat sa kabilang kalsada, malimit akong madis-orient, mali yung napupuntahan ko. Sa kalalakad ko nga minsan, napasukan ko yata yung street of no return. Buti na lang nakareturn pa ako, otherwise, di ko na magagawang magpapogi dito.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home