<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5597606\x26blogName\x3dcbsmagic\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://cbsmagic.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com/\x26vt\x3d458748704286130725', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Saturday, June 24, 2006

MGA KWENTONG ANIK-ANIK MULA SA ULONG ME KATOK-KATOK

Ansarap ng Sabado. Haay. Isa pa nga, with feeling. Hayyy.

Sabog ang pawis ko kanina, nagjogging kasi ako ng mahigit isang oras, simula 7:oo ng umaga. Tuloy nyan lupaypay ang dila kong nagparang kay Gene Simmons, pramis kamatis, anghaba sayad sa tuhod (nakataas kasi ang paa ko sa silya).

Doon ako tumakbo sa campus para maiba naman ang ruta at nagsasawa na ako sa mga pato, dito muna ako sa mga pata, anlalaki, yung nasa harap kong ale grabe, sakop ang buong footpath, pag nadulas ito at nadaganan ako e talagang anakngpata, Eh Q me, sabi ko sabay tingin sa muka ni Aling Pata, ooops, ang ganda naman nito parang kamuka nung supermodel na dating asawa ni Billy Joel, pakakasalan ko to pag nakapagbawas ng 200 sa timbang at pati na rin sa edad, medyo binigyan ako ni Lola ng konting puwang, ramdam ko nga e para na syang magririgor-mortis, makalayo na nga at baka makunan pa ako ng statement dito...

Pagdaan ko sa isang bus stop na may waiting shed, tigil muna ako para makasagap ng konting tsismis, I mean, hangin pala. Me ale dun na obviously e nagaantay ng bus. Ngumiti sya ng s.o.p. na ngiti, yun bang tipong mass-produced na ngiti, tas maya-maya na-bore siguro tumingin sya sa t-shirt ko sabay tanong, You're Chinese?, sagot ko agad, Nope, sabay ngiti at takbo ulet, palayo.

Di miminsan ako napagtanungan kung ako e Chinese. Nagtataka nga ako kasi maitim ako. (fyi, maitim din ang budhi ko. di naman ibig sabihin mabait lahat ang Chinese, e.g. Limahong) Me kilala ba kayong Chinese na maitim? Na kulot ang buhok? Na bobo sa Math? Kaso lang pala me rasong magtanong yung ale sa bus stop. Nakasuot kasi ako ng t-shirt na Beijing Olympics, 2008. Wagi. Bigay ni Ate nung minsang nagtampisaw sya sa Yangtze River.

Tas nun dumaan ako sa Virgin Records para maghagilap ng mga bagong iingg-innngg. Me bagong album ang Keane, pinakinggan ko. Josme, si Rufus Wainright ata itong pinakikinggan ko, tas mayamaya, Josme, nagparang Coldplay naman, tas mayamaya ayus, lumabas na ang true Keane Sound. Scoooore.

Pagdating sa bahay check ako ng email. Taena, nagpadala yung isang tropa sa Pinas. O eto baka di nyo pa natitrip, paka-corny muna kayo.

Subject: BREAK MUNA!

Mom: baby, you're good in math. Now I'm going to ask you a question.
Baby: sure mom
Mom: if your daddy gives you 3 apples and I give you 4 apples, what's your answer?
Baby: thank you po!!!

BF: may malaki ako problema.
GF: wag mo sabihin problema mo lang problema natin dahil nagmamahalan
tayo. ngayon ano problema natin?
BF: nabuntis natin si inday at tayo ang ama

"There what it takes to be. Then we shall so be it because it is. To do or not to is in the what, now or what else. Without which there never to you!" - words of wisdom from Senator Lito Lapid.

Pare1: pare parang malalim ang iniisip mo!
Pare2: nanaginip ako kagabi kasama ko 50 contestants ng Ms. Universe
Pare1: swerte mo! ano problema mo?
Pare2: pare ako nanalo!

1 panget na babae, hinoholdap
Holdaper: holdap ito! akin na gamit mo!
Babae: RAPE! RAPE! RAPE!
Holdaper: anong rape? holdap nga to eh!
Babae: wala lang! nagsusuggest lang...

In a pet shop...
Customer talking to a parrot...
Customer: hoy! can you talk ha?! bobo!!!
Parrot: yes i can!!! ikaw?! can you fly ha? GAGO!!!

Priest: ang mga bakla'y walang lugar sa kaharian ng langit
Mga bakla: carry lang po father...dun na lang kami sa rainbow mag
slide-slide!!!

Girl: doc, pacheck-up po
Doc: sige hubad ka ng panty at bra tapos higa ka
Girl: hindi po ako, itong lola ko po
Doc: sige lola, hinga na lang po ng malalim

O sige dyan na kayo at manginginain muna ako ng kahit anong maisasalba dito sa kusina, parang masarap yata yung cupboard, mmm, lantakan ko kaya itong kawali. Makaligo na lang kaya, tas tambay sa Park at maituloy ang pagbabasa nitong libro. Mazurka for Two Dead Men. Camilo Jose Cela. Tas mamyang hapon makapanood ng sine. An Inconvenient Truth ni Al Gore. Wagi. Di tulad nung isa dyan. Lugi.

P.S. ngapala: Bago na yung domain ng Pinoy Book Review ni Ed. Arianne Angela Solis, pakicheck na lang yung link ko, tas me post sya ngayon tungkol dun, sori di ako marunong maglink, I mean marunong ako dati kaso nakalmutan ko, antangatanga ko pero I'm sure alam nyo na yun.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home