Ang Tiwala, Bow: Isang Mapamulang Komentaryo Sa Pagkakapanalo ng Heat sa Nakaraang NBA Finals
Minsan 1 titik lang ang kailangan upang magkaroon ng malawak na distansya sa pagitan ng dalawang salita: Ang "r" lamang ang tanging nakapaghihiwalay sa diwa ng "friend" at "fiend", at kapag pinaltan mo ang hulihang "a" ng "i" sa tiwala, tiwali ang syang kahihinatnan.
Sa larangan ng NBA (o kahit anupamang team sports), minsan isang bagay din lang ang tunay na makapaghihiwalay sa isang contender laban sa pretender at nakakatawang isipin na "tiwala" kontra "tiwali" ang syang pinagbukod nitong dagat-dagatang kahihinatnan; sa NBA, katiwalian ang kawalan ng tiwala sa mga magkaka-koponan.
Bigyan natin ito ng klasikong halimbawa sa katauhan nina Michael Jordan at Dominique Wilkins. Ang dalawang ito ay parehas na matindi subalit isang bagay ang nagpabatid kung bakit ang isa ay dakilang champion at ang isa'y hamak na champuy lamang - may taglay na tiwala si Jordan sa kanyang mga kaanib.
Ito si Jordan. Sa kanyang pagiging fundamentally sound, alam nyang malaki ang magagawa na maiangat nya ang level of play ng kanyang mga kaanib. Kay Wilkins, ang tangi nyang nai-elevate ay ang kanyang vertical leap. Oo na at human highlight film ka, pero bok, overexposed ang mga negatibo mo.
Naalala nyo ba nung isang championship run ng Bulls laban sa Jazz, ipinagkatiwala ni Jordan kay John Paxson ang bola, maging sa huling sandali, dahil sya ang nagtatama? "I have made the same shot a hundred thousand times before", sambit ni Paxson ukol sa kanyang buzzer-beating shot. Alam ni Jordan yun, kaya nga pinagkatiwala sa kanya ang bola. Kung sa Atlanta Hawks nangyari ang pagkakataon, si Wilkins lang ang pwedeng humawak ng bola. Walang maaaring paglimiin ang kanyang tiwala bukod sa pansariling kakayahan.
Eto ngayon ang isa kong ipinagdedebate: mala-Jordan si Dwyane Wade sa mala-Wilkins ni LeBron James. (sabi ng mga posters ng mga fans sa Cavs Arena: Witness. Kakoba, dapat yata: Weakness).
Sabi nung isang anchorman sa Florida Sports Network nung pinagtalunan kung sino ang magchachampion sa NBA Finals, "put your
money on the team with the best guy on the floor". Hindi nya sinabi kung sino ang tukoy na best man on the floor, pero walang alinlangan, kung one-one-one, on paper, si Dirk Nowitski ng Dallas Mavs ang best man on the floor. Pero kung ang tanong ay best team-player on the floor, wagi, e mag-ala Jordan na tayo, si Wade. Heto si Nowitski: matapos ang isang kahindik-hindik na booboo ni Josh Howard, ramdam mong gusto nyang ipakain dito yung suot nyang mouthpiece. Tinadyakan pa yung stationary bike na halos dinig mo ang mura sa dibdib nyang "gructhn splkn dmnnn stupdn na translated as: ambobobo ng mga kasama koh!"
Pero ang pagtitiwala ni Wade sa mga kasama nya, o ng mga Heat players sa bawat isa, ay may taglay na kalinangan sa mga pagganyak ni Pat Riley. Isang kwento nga nya sa kanyang mga alagad, alinsunod sa pagganyak na ito, ay pinarating sa media sa gitna ng kampeonato:
May isang tightrope walker daw ang nagpamangha sa mga turista sa Niagara Falls nung lumakad ito sa lubid patawid sa nagngangalit na ilog at talon. Nung nakarating na sya sa kabilang parte ng ilog, tinanong ng tightrope walker ang mga tao: "Sino sa inyo ang naniniwalang kaya kong lumakad mauli sa lubid na yan na may tulak-tulak na "wheelbarrow"?
Walang sumagot. Maya-maya, may sumigaw, "Ako! Naniniwala akong kaya mo!" Tinanong sya ng tightrope walker "Sigurado ka ba talagang kaya ko?". "Oo", sagot ng turista. "Sigurado akong kayang-kaya mo!"
Napangiti ang tightrope walker, matapos noon ay sinabi nya, "Salamat sa pagtitiwala. Sige, lalakad ako sa tightrope na tulak-tulak itong wheelbarrow. At ikaw naman dahil sa iyong tiwala ay isasama ko sa paglakad kaya sige, halika, sumakay ka na sa wheelbarrow."
Moral lesson: Ang pagtitiwala ay hindi sabi-sabi lang dahil kung hindi, ika nga ni Miss Beautiful Eyes, puro ka "kiyaw-kiyaw lang". Otherwise, kundi ka kiyaw-kiyaw lang, ahh, magmistulang Michael Jordan ka, magmistulang Dwyane ka at hatawin mo kaming abang mortal lamang.
Si Dominique ka? Si Nowitski ka? Pinaalala mo yung isang parabula ni Doc Juan Flavier:
May isang mama, pangalan e Juan, na mula sa pagkabata ay walang bukambibig kundi si San Pedro. Anumang panganib ang hinarap nya, anumang kalye ang ipinatirapa, walang galos syang nakamtan ng di sambit ang banal na ngalan ni San Pedro. "Nakupo, San Pedro!" "Nanay ko po, San Pedro!" "Wag mo po akong pabayaan, San Pedro!". Ilan laman yan sa mala-San Pedrong linya at litanyang namutawi sa maitim na labi ni Juan.
Isang araw habang nagmamaneho si Juan, nahulog ang kotse nya sa
bangin. Swerte naman ng konti dahil napatilapon sya at nagawang makakapit sa isang sanga ng punong nakalawit sa gilid ng bundok.
"San Pedro", saad nya, "tulungan mo po akow."
Bigla-bigla, may malaking boses na dumagundong buhat sa langit. "Si San Pedro ito, anong kailangan mo?"
"Ahe-he, San Pedro bosing, salamat pow, baka carry nyo namang mailigtas ako dito priti plis", pagmamakaawa ng napupurnadang si Juan.
"Naniniwala ka ba namang kaya kitang iligtas?", tanong ng Boses.
"Naman to oh", padrama ni Juan habang nanggagalaiti ang nangangalay na braso't kilikili, "Alam nyo namang bata pa ako kinarir ko na kayo pow."
Katahimikan. Nakabibinging katahimikan.
Maya-maya, sabi ng boses, "Kung talagang naniniwala at nagtitiwala ka sa akin, bumitaw kah!"
Napalunok si Juan. Tumingin sya sa ibaba at nakita ang mga matutulis na batuhang nagbabadya ng kanilang plataporma. Sabog ang pawis at marahil ay pati na rin ang etat, sambit nya, "Uh, teka lang, may ibang santo pa ba jan?
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home