KAYA NGA MAY BAKA ANG BAKASYON
kasi hindi tiyak kung matutuloy, eto nga't malapit nang mangalahati ang summer ang nararating ko pa lang yung opisina, tsaka yung tindahan, tsaka yung sinehan, tsaka yung labahan, tsaka meron pa, labanos mustasa, anak ng kabron talaga oo.
nung isang taon gantong panahon nasa adirondacks ako't nagpapapogi. masarap magpapogi laluna pag bakasyon, kahit di maatim ang objective na maging pogi ang importante nakapagbakasyon, anyway mariel hemingway feeling pogi naman ako noon at isapanga do not underestimate the power of your feelings ikanga, itanong mo man kay morris freakin albert.
nag-cruise kami last year sa lake george, new york, dalawang oras na cruise lang, kumbaga sa artista e di sya tom cruise, mga tipong tirso cruise lang, ganun, kasi ano ba naman yung lake compared sa ocean, e si pareng tom cruise is an ocean of kahunghangan di ba? di ba? kaya ayun, sa lake george makikita mo yung mga maraming pera na may bahay bakasyunan sa lakeside ang pinaka swimming pool nila yung lake, how cool is that?, tanong nung isang mamang nag-aapoy ang balat.
"more mushrooms, please", request ko dun sa cook na naggagawa ng omelette ko sa loob ng mini-barko habang nagku-cruise kami. inisnab nya ako. "dudunggulin ko na to" sabi ko sa sarili ko. "mushrooms, please, add more mushrooms". inisnab nya ulit ako. maya-maya may lumapit sa akin tas tinuro yung nakasulat sa isang papel na nakadikit sa mantel ng mesang pinaglulutuan. "the cook is deaf", nakasaad sa papel. shet. sa kahihiyan ko, muntik na akong magbulag-bulagan, "where, where is it? where are we?" sabay kapa-kapa kunyari sa hangin.
may mga pilipino na nagpipicnic sa gilid ng lake na malapit sa harbor. ansaya nila, nakabalandra sila sa mga kumot-kumot na nilatag nila sa damuhan, tas nagkakainan sila. bat ko alam na pilipino sila? yung isang babae kasi sa kanila panay ang brush ng buhok nya.
tas ako naman syempre dahil may pagka-tacky, punta kami sa mga giftshops, bili ako ng t-shirts. ayus. meron akong nabili na nakasulat: lake george lifeguard. ahehe. kunyari macho. macho libre.
lagi kong suot yung t-shirt nung nakauwi na kami. kaso lang, 2 weeks after, may lumubog na bangka sa lake george na lulan ng mga oldies. andaming fatalities. mula nun di ko na sinuot yung t-shirt.
---------
bago matapos ang lahat lahat, boss rolly, salamat po sa paglink nyo sa akin sir, pero gustuhin ko man kayong i-link din e di ako marunong, kahiya, meron lang pong nag-aayos nitong site na dyosa ng kabutihan, kinukuningkuning yang template sa taas, ako nga ni hindi ko alam kung anong herodes yang maliit na square na may iba-ibang kulay na nasa kanan. ang alam ko lang e magpapogi, laluna pag bakasyon.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home