<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Saturday, December 31, 2005

THANK YOU

It is exactly 9:58 tonight as I type this, watching and taking notice as to how 2005 is acting up in its waning and dying moments. I look out the window and remember Lennon, Another year over, he immortally says, and I relate it to 2005, bless its father-soul, as it waits while a New One (just) or is about to begin.

Before it reaches rigor mortis - the stiffness completed by the popular dropping of a crystal ball somewheres - I need to beat time this time. Thus as year ender, while I talk to my big boss on the phone to discuss the future, I deem it appropriate to thank all wonderful people who, in this year 2005, came to visit my blog and say a word or 2, a sentence or 2, and in some instances a paragraph or 2, to enlighten my dark hours even if, truth be told, they could have better used time spent on other, nobler, things.

In return (as in Accounting where all returns indicate payback to the higher State), I wish to quote Matthea Harvey's verse in Introduction to the World (Sad Little Breathing Machine, Graywolf Press, 2004) to convey my gratitude to my 2005 visitors, my higher state, whom Harvey, as I direct it, refers to as "giant thoughts" in my Davidian midst.

Like thoughts,
the geniuses race through.

If you're lucky
after a number of
revolutions, you'll

feel something catch.

And so as 2005 comes to retire, let me collate all names, all noble names, who, with giant thoughts commented to my posts to argue, agree, acquiesce, debate and disagree - which somehow made my 2005 blogging a very memorable one.

Wherefore, as my way of saying thank you, allow me to print your lovely names one more time:

a
aba ko
aika
a na naging b
angela solis
b
belle
dennis aguinaldo
dina
freude
ghost
gwen bautista
jeff pioquinto, s.j.
jet david
jim paredes
jobert vizcarra
kaluskos
kiwipinay
m
s
topo
x

Happy 2006 to all of us.

BROKEBACK MOUNTAIN, ISANG PAGSUSURI

Yung nasa isip siguro nung isang mamang nag-walk out sa sine, Brokeback Mountain, Isang Pagsosoli - as in soli bayad. Di ata nakayanan ng kanyang macho image ang masidhing paglalaplapan nina Heath Ledger (as Ennis) at Jake G (di ko alam ang spelling, as Jack) sa loob at labas na kanilang tent, sa anino ng Brokeback Mountain, kaya nagpasya na lang sya na mag-walk out strike. Cowboy siguro yung mama. Baka me guilty feelings, wehehe, naalala yung panahong nilalaplap nya yung kabayo nya. Bestial! Bestial!

Ang pa-macho image na to ang dahilan kung bakit may kalabuan na manalo sa Oscar ang BB Mt. May pagka-macho image kasi ang Oscar, kaya nga Oscar ang tawag at hindi, uhmm, Sylvia. Pero kay Ang Lee, sa isang artist, wala na sigurong papantay sa feedback na, men, yung gawa mo moved people (literally, from their seat outta da moviehouse).

Matindi si Ang Lee. Para syang poet; he has such a deep understanding of human emotions. Ang lupit. Dapat ipangalan sa kanya Ang Lu. (Malimit nagiging korni din ako kaya ang Chinese name ko ata e Ang Kor. Chinese ba o Cambodian? Ang Kor, What?!)

Anlakas ng chemistry ng dalawang bida. Yin and yang ang kabadingan nila. Secretive si Ennis, almost aloof, open naman si Jake (kaya sa unang tagpo ng laplapan, sabi siguro ni Ennis under his breath, C'mon Jack, open your ass, brother.)

Pero naguluhan ako. Dun sa short story ni Annie Proulx, pahapyaw na pinaliwanag ang maaaring development ni Jack into a bading nung ihian sya ng tatay nya dahil pirming naglalawa ang kubeta nila sa pasala-salang pag-ihi nya. Sa sine, wala. Walang clue ang mga tao, na maaaring intention talaga ni Lee na iconvey yung message na pwedeng mahalina ang isang tao sa ka-gender nya without being gay. "I'm not no queer", sabi ni Ennis. "Me neither", sagot ni Jake matapos silang magniig.

Parang ganto siguro. Nasa bus stop ka, malalim ang gabi at wala pa ang bus. Malakas ang ulan. Sa bus stop merong isa pang tao. Bale kayong dalawa lang. Sa sitwasyon na yun, anlakas siguro ng connect ninyo sa isat-isa. Para kayong no-name allies.

Sa BB Mt., sa gitna ng napakalawak na valley, si Ennis at Jack lang ang tao, ang kasama nila e daan-daang tupa. Anak ng tupa, sabi ni Ennis, boring dito ne, pokpokin na lang kata.

May flashback sa pelikula na bata pa si Ennis at pinakita ng tatay nya sa kanya ang bangkay ng isang pinatay na koboy na bading, para bang sinasabi sa kanyang murang isip, Beware iho, never ever na maging bading ka kasi koboy ka, eto kasasapitin mo otherwise. Ang pagkaalam ni Ennis, tatay nya ang mismong pumatay dun sa bading. Kaya nung ikwento nung asawa ni Jack kay Ennis na namatay si Jack dahil sumabog ang gulong at tumama ang rim sa mukha nito, ang nasa isip ni Ennis e yung eksena kung paano pinatay yung bading na koboy nung bata sya. In other words, hindi sya naniniwala na aksidente ang kinamatay ni Jack. Pinatay ito (at sa storya ni Proulx na may slight hint sa pelikula, ang pagkabasa ko e parang suspetsa nya yung tatay mismo ni Jack ang jack-ass na killer. Kumbaga, parehong bading-killers ang mga tatay nila).

Eniwehey, ang galing nung isang contrast sa pelikula. Mayaman ang napangasawa si Jake kaya parang sunud-sunuran lang sya sa byenan nyang lalaki. Minsan kumakain sila, nanonood ang anak ni Jake ng tv. Pinagalitan ng nanay (asawa ni Jake). Pinatay ni Jake ang tv. Dahil spoiled sa lolo (tatay nung asawa ni Jake), binuksan ni Lolo ang tv. Pinatay ni Jake. Binuksan ni Lolo. Nagalit si Jake, This is my son, this is my house, you are my guest, so you just sit down! Napangiti ang asawa nya dahil parang nagpakalalaki na ang asawa nya. Wehehe, e yun yung panahon na matindi na ang kabadingan ni Jake.

Sabi nila, ang BB Mt. daw e gay movie for straight people. Unfair, unfair. Tingin ko nga, di dapat tagurian itong gay movie. It's just a freakin lovely movie.

Sige nood kayo at lalakad muna ako ne.

Awowoooo-woo-woo (parang indian).

Friday, December 30, 2005

Etong Q&A ninenok ko sa paborito kong blogger na si Sophia K (oist Soph, di porke matalino ka e pulahan ka na; wag ka nga masyadong ideologically promiscuous!) Syempre yung sagot e ganang akin, 'di ko ganoon ka-idolo si Sophie's Choice para nenokin pati sagot nya-a-a.

1.do you drink?
Yes, I do.

2.when was the last tym u drank?
Before I typed this very answer. I am drinking right now.

3.umiinom ka ba ng gin?
Nung araw, matagal na matagal na. Ginbulag pa tawag sa kanya. Sa gin nga yata ako unang nahasa sa pag-inom. I think. Lahat ng kainuman ko bulag na. Ibig kong sabihin, lahat sila malabo na mata.

4.have you drank vodka?
Many times. Sa opisina yung mga executives paborito nila ang kamikaze. Vodka-based. Yun din ang gusto kong gawin sa kanila. Kamikaze. Ngayon pag ininterrogate ako kung bat ko ginawa yun, sasabihin ko, leche, kayokaze!

5.san ka natutong uminom?
Sa mga dati nang marunong uminom. Antanga naman ng tanong na to.

6.nalasing ka na ba?
Minsan minsan, hindi kasing dalas ng pag-inom.

7.napapakanta ka ba habang lasing?
Napapakanta lang ako pag lasing ako.

8.favorite song mo pag nalalasing ka?
Iba-iba. Depende sa panahon, sa uso, sa audience. Sa ngayon, Home ni Michael Buble'. Nagtitilian nga ang mga miron, di ko lang gano maintindihan kung yung tili nila e "Eeee, tigilan mo nah!!!" dahil nga kasi focused ako pag kumakanta.

9.nainluv ka na ba sa isang kainuman?
Hindi pa. Tingin ko nga sa halos lahat ng kainuman ko e dart board. Sarap targetin.

10.nagsuka ka na ba sa inuman?
Uhmmm, siguro.

11.tamang age para pwde nang uminom?
Hndi ako magaling sa pagbracket ng age of discernment. Hindi ko alam.

12. fave drink mo?
Marcus James Merlot. Pag me sponsor, Skyy Vodka with Cranberry Juice. Nung araw syempre San Miguel Beer. Napakaraming taon na akong hindi nakakakita ng San Miguel Beer, kahit bote lang.

13.chaser ng empi??
Ano ang empi? empi-ey? Well, ano pa e di militar.

14.umuwi ka na bang gumagapang dahil sa kalasingan?
Hindi. Malakas ang naturalesa ko, although nung araw, madalas ako magtaka kung pano ako nakauwe.

15. sino ang madalas naghahatid sayo pag lasing ka na?
wala. umuuwi ako mag-isa. Self-reliant ako, tsong. Kung di nyo kaya umuwi pag lasing, aba e mag ganchillo na lang kayo. O kaya e mag-rondalla. Whichever comes first.

16. ano yung craziest thing na ginawa mo nung lasing ka?
Teen-ager pa ako noon, naimbita akong mag-inom sa isang karatig-community. Nung nalasing ako niligawan ko (daw) yung isang dalaginding sa community na yun. Tas sinagot (daw) nya ako. Kinabukasan sabi ko, oopps, mali. Yumpala me cancer sya. Eto pa. Minsan umuwi akong super-lasing. Tas sumuka ako sa bintana. E di syenpre sinala nung screen (ng bintana) yung kinain ko. Tangna, madaling araw na e tinutoohpick ko pa yung kanin na sumabit sa screen ng bintana.

17. may nakahalikan ka na ba nung lasing ka?
Sa pagkakaalam ko, meron, konti lang. Kung isusuma pati yung di ko pagkakaalam, baka (baka lang) marami. Minsan nga daw hinalikan ko yung pader.

18. nkakailang bote ka ng beer?
Eto, tunay, non-fiction. 4th year college ako, nagpasama yung best friend ko na si juntab (as in Junior Taba) na mag-inom sa piso-piso kasi inisplitan sya nung syota nyang pamangkin ng isang Central Luzon governor. Sabi ni tab, Tol, tibayan mo ang bahay-alak mo, walang iwanan sa tayo'. Sabi ko sa tindera, Ne, isang case. In 6 hours, ubos ang isang case, kaming dalawa lang ni tababoy. Pero wala yan. Minsan nag-attend ako ng fiesta sa Malvar, Batangas. Tagayan (kababuyan nga, ne, kasi yung pantagay nila e nilulublob lang sa balde ng tubig kada tagay, ewww). Ang tagayan e yung garapon ng macapuno. Sabi ng tanggero, "pag sumayad ang bote sa labi, di na pwedeng ibaba". Kung di ako nagkakamali, isang case ang nainom ko sa buong araw na yun. Ngayon? No way. Di ako iinom kahit isang bote ng beer.

19. san mig light strong ice o red horse?
neither, kahit di ko alam kung ano ang red freakin horse.

20. hard drinks o beer lang?
red wine. which is neither.

21. umiinom ka ba sa bar?
Dalawa ibig sabihin ng bar, yung mismong bar as in cabaret, o yung me bar counter sa isang restaurant. pwede in either, basta red wine lang ang iinumin, o vodka in very exceptional circumstances.

22. mahal noh?
ang alin ba?

23. sa pulutan. sisig o bopis?
kahit ano. Kung kainuman, gusto ko bopis. As in dennis da bopis. pwera na lang kung yung sisig e jobert da sisig. i'll go for the sisig.

24. mani o chicha?
ang alam ko, yung mani ang chinichicha.

25. pag umiinom ka ng beer.. sa bote o sa baso?
sa bote. sure ako, basta malamig na malamig. otherwise sa baso, full of ice.

26. nangaway ka na ba pag lasing ka?
not one time.

27. nkasabay ka na ba ng lasing sa jeep?
sige nga, sino ba hinde?

28. nag jijeep ka ba ng lasing?
Ay oo. (etong sagot na to, di ko na binura yung pagka-copy paste kay Sophia Lo(ko)ren.

29. nalabasan ka na ba ng alak sa ilong?
maski tubig, nalabasan na ako sa ilong. But where is this Q leading to?

30. nasabi mo na ba sa sarili mo na hindi ka na iinom?
Tuwing malalasing ako at masusuka. Dun ko nga nakilala ang sarili ko, na di pala ako sumusunod sa pangako ko, nya-a-a.
----------

Plugging. Napanood ko na ang Brokeback Mountain tsaka Munich. Taas ang kamay ng gusto ng review/rebyu ko.*
----------

* malakas ang hinala ko na walang mag-tataas. wala na kasing dumadaan dito sa useless na blog na to. useless. useless. why am i wasting my time on this useless blog? useless. useless.**
----------
** (footnote to the footnote: obvious ba na nag-iinom akoh? sumagot kah!!!)

Saturday, December 24, 2005

IN SEARCH OF LOST PHILIPPINE CHRISTMAS

Nasa baba na yung sundo, eksakto sa ala-sais na tipanan, andun pa rin ako sa harap ng bookshelf at di malaan kung ano ang hahabluting libro. Tatlong oras din ang byaheng Miami-New York at ayokong sayangin ang tatlong oras sa pakikinig ng isang batang-pasaherong iyakin.

Naumpisahan ko na ang A Book of Memories ni Peter Nadas pero ayoko syang bitbitin. Makapal kasi. Sa lahat ng ayoko pag bumabyahe yung maraming bitbitin. Napakakapal na nga ng winter coat, napakakapal na nga ng mukha, dadagdagan pa. Ahh, eto, walang talo. Eksakto sa tatlong oras ang gusto kong basahin.

Kinuha ko ang Swann's Way ni Marcel Proust, translated by Lydia Davis. Makailang ulit ko nang nabasa ang Swann's Way, pero yung sa version ni Moncrief, at dahil sa ganda ng libro, naisip ko, Tingnan ko nga ang pagkasaad ng ibang translator. Matagal ko na ngang binalak mag-aral ng French (na naumpisahan ko na rin naman) para sa isang dahilan at isang dahilan lamang: ang mabasa ang original A La Recherche Du Temps Perdu.

Sa ngayon e nakahanay pa rin ang French ko sa " butchoi mejoi mwoi" o butas ang medyas mo.

At ang pinakahangarin ko sa buhay ay ang i-translate ang libro ni Proust sa Tagalog.

Pero lumalayo tayo sa kwento.

Sa eroplano, wa akong paki sa alok ng stweardess kung gusto kong bumili ng $3.00 packed breakfast. Tumatalon-talon na naman kasi ang puso ko sa prose ng Overture, ng Combray, ang pinaka kahali-halinang 50 pages sa buong literature, bar none, none, absolutely none, na kulang na lang ay limbagin sa kaibuturan ng memorya para kung saka-sakaling hindi na kaya ng mata kong magbasa, isu-summon ko na lang ang memorya at bibigkasin...

"Sometimes as Eve was born from one of Adam's ribs, a woman was born during my sleep from a cramped position of my thighs. Formed from the pleasure I was on the point of enjoying, she, I imagined, was the one offering it to me. My body, which felt in hers my own warmth, would try to find itself inside her, I would wake up. The rest of humanity seemed very remote compared with this woman I had left scarcely a few moments before; my cheek was still warm from her kiss, my body aching from the weight of hers."

Naks. Pano kaya kung sumulat ako sa isang lakambini, The rest of humanity seemed very remote compared with you...ano kaya i-offer nya sa akin, baka...baka yung kinakain nyang siopao.

"If, as sometimes happened, she had the features of a woman I had known in life, I would devote myself entirely to this end: to finding her again, like those who go off on a journey to see a longed-for city with their own eyes and imagine that one can enjoy in reality the charm of a dream. Little by little the memory of her would fade, I had forgotten the girl of my dream."

Sumilip ako sa bintana ng eroplano. Kasalukuyang dumaraan kami sa ibabaw ng Delaware River at makailang saglit, nasa NY na ang kapongitan namin. NY nga naman ang longed-for city na nais ko uling makita ang ka-winteran na matagal ng hindi napasasayad gawa ng kahinaan ng aking elemento sa may bandang likuran ng katawan. Para akong European noong panahon na nauuso ang tuberkulosis doon. Josme, 21st century na, bronchitis pa rin ang kalaban ko. (Naalala ko tuloy yung isang brod ko nung lumabas ng kubeta, syang pasok ko, sabi ko, Ambaho!! Hayup ka tol, meron ka yatang El Tor!)

Eto tuloy, kapag tag-lamig, di pwede sa Hilaga. Pero dahil matigas ang ulo ko, dagsa na rin. Heyyy buheeyyy, sabi ulet ni K (andalas ko ata syang i-quote). Kelan ba ako huling nakakita ng snow? Kelan ba ako huling nag-ice skate sa Bear Mountain? Kelan ba ako huling nag-snow boarding sa Sterling Forest? Matagal na matagal na. Kelangang ibalik ang nakaraan sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na ito ngayon.

Sa Filipino restaurant na dinaanan bago tumuloy ng bahay, may tv na nakatuon sa Filipino channel. Uyy, ngayon lang ako nakapanood ng Filipino show sa tv ulet, after what, 8 years, 9 years, 10 years? Tas nagkakainan sila ng puto bumbong, naghaharanahan ng Christmas carols, nagpapanakbuhan ang mga bata nung makita ang mamang dala ang sako-sakong aginaldo; andun ang parol sa bintana, ang mga nakasabit sa kalye na gawa sa kung ano-anong indigenous na materyales; mga senaryo ng simbang-gabi; mga kasayahan sa Christmas parties...

Eto...eto yung sinasabi ni Marcel Proust. She had the features of a woman I had known in life. Yung nasa panaginip ko, yung nasa ala-ala kong isang dilag, eto, Pilipinas yun. Pero hindi, hindi ito yung pagpapatuloy ni Proust. Kahit nasa Manhattan na ako at nasilayan ko na naman ang puting busilak ng yelo, ang ga-higanteng laki ng mga palamuti sa mga building, ang mga naglalandian habang nag a ice-skate sa Rockefeller Center, I will not have forgotten the girl of my dream.

Tiningnan ko ang dibdib ko, sinalat ang puso ko. Tas sabi ko, Easy ka lang pogi, ibabalik kita sa Pilipinas.

Wednesday, December 21, 2005

TARA, PAKORNIHAN TAYO

Eto, napulot ko lang sa Liguorian (minsan minsan kasi nagbababawness din sila).

May magwaswit ang naglalakad sa Kremlin nang mapansin nila ang kung anong nahuhulog sa lupa galing langit.

"Tingnan mo dear, ulan", sabi ng lalaki.

"Hindi dear, snow yan", kontra ng babae.

"Ulan yan."

"Snow sabi eh."

"Ulan!"

"Snow!"

"Teka, mabuti pa dear itanong natin kay Rudolph", sambit ni lalaki, sabay turo sa gwardyang nakatoka sa pinto ng Kremlin Palace.

"Comrade", bati ng lalaki, "ulan ba o snow yang bumabagsak sa lupa?"

"Walang duda", pagbibida ni Rudolph. "Ulan!"

"Nakita mo na", pagyayabang ni lalaki kay babae. "Rudolph the Red knows rain, dear."

Saturday, December 17, 2005

MEDITATION/HESITATION ATBPNG PA-ILUSTRADO EKLABOBO

1. Pinanood ko ang Syriana nung isang Sabado sa karatig mall - isa ako sa di-hihigit 20 kataong namiyesta ang utak - at kinakailangan kong panoorin itong muli. Tagpi-tagpi, tagni-tagni ang structure ng pelikula at may mga bagay na kailangang himayin at pagdugtungin upang lalong ikalugod ang buod ng istorya. Deconstruction baga. Lalo pa nga't ang pinaka-teaser ng print ads, at syang tema ng istorya, ay Everything Is Connected. Pagsamahin naman daw kasi ang masalimuot na operasyon ng CIA, ang di-simpleng diwa ng Islam, ang nakalilitong proseso ng corporate mergers, at magulong daigdig ng krudo, aba, e dapat ngang italaga na panoorin itong muli para sa mas kaiga-igayang reaksyon at interaksyon. Ang CIA na rin ang nagsabi sa isang spy thriller movie, Out there things are not what they appear to be. Sa Syriana, ganun din. Hindi nagkakasundo ang nakikita mo't naiisip mo.

2. May eksena sa pelikula na gumuhit si Matt Damon, bilang energy analyst at kaibigan ng isang Middle East prince, sa buhangin upang ipaliwanag ang pagtagos ng pipelines sa ilang bansa mula sa Persian Gulf upang mabawasan ang gastos laban sa kita (cost vs. revenue). Nabanggit ni Damon ang Kazakhstan at sa pagtingin ko sa mapa ng Middle East, iniisip ko ang kabuluhan ng Kazakhstan sa pagpapaikli sa haba ng pipelines gayong sa tanda ko, parang pa-trianggulo ang pagka-drawing ni Damon. (Tulad din yata ito sa pagtatayo ng Panama Canal kung saan napaikli ang takbo ng ruta patungong New World; minsan din, isang araw bago mag-eleksyon, may napanood ako sa tv - CSPAN yata? - na isang manunulat ang nagsabing may teorya sya sa tunay na dahilan ng paglusob sa Afghanistan, at ito ay ukol yata sa pangangailangan ng heyograpiyo ng Afghanistan upang mapaikli ang ruta ng pipelines mula Persian Gulf, hanggang saan?, ewan ko, di ko matandaan ang cons theory, pero parang may patukoy nga ata, ata lang ha, sa Kazakhstan.

3. Gusto ko naman ngayong panoorin ang Brokeback Mountain ni Ang Lee dahil mainit at maugong ang sabi-sabing best movie of the year daw, hands down. Palabas ang pelikula sa may kalayuan kasi daw e nasa stage pa ng 'testing the waters' ang pelikula. Bakit kamo? Masyado daw controversial ang pelikula, tungkol sa dalawang cowboy na nagkaroon ng isang makamundong relasyon, na salungat sa macho mentality ng genre (at ng lipunan, in general). Ginawa ko e nagpunta na lang ako sa Barnes at hinanap ko ang libro ni Annie Proulx (Wyoming Stories) kung saan kabilang ang Brokeback Mountain.

4. Malupit ang storya ng BM, bukod sa gender bender, genre bender pa kamo. Tungkol 'to sa dalawang sheep herder na nakaramdam ng pagnanasa sa isa't-isa isang araw na nagka-kampo sila sa anino ng Brokeback Mountain sa Hilagang Kanluran. Makalipas ang makailang pagniniig, inalam nila ang kanilang sexual orientation. Di ako bading sabi ng isa. Ako din, sabi ng ikalawa, ala akong karanasan kahit kaninong lalaki bukod sa yo. Sa mambabasa, nasa iyo na kung tatanggapin mo ang kumpesyon ng bawat isa - na di sila bading kundi mga tunay na lalaki - pero dahil sa hiwaga ng pag-ibig ay nahumaling sila sa kapwa macho.

5. Di ba may tanong, kung bumagsak ang puno sa isang liblib na gubat, merong bang tunog kung walang nakarinig? O kaya, ang isang tao ba na nakapatay ng kapwa sanhi ng self-defense e pwedeng bansagan na mamamatay-tao? Sa kaso nina Jack at Ennis (sa BM), ang pagkahumaling ba sa kapwa lalaki ay di maaaring bansagang kabadingan dahil di naman daw nila naranasang mahumaling sa kahit kaninong lalaki bukod sa isa't isa?

6. Isang bagay ang magpapabago ng kaisipan sa takbo ng istorya (hinuha ko lang, batay sa pag-aaral na huhubog sa sekswalidad ng isang bata ang isang matinding magaganap sa kanya). Nung bata pa si Jack at pasala-sala ang pag-ihi sa kubeta, nagalit ang tatay nya kaya bilang parusa, inihian siyang naglulupasay sa sahig ng palikuran (lintek sa tagalog!) Dalawa ang nangyaring maaaring naghubog sa kanyang sekswalidad: una, ang pagligo sa likido ng kapwa lalaki, at ikalawa, ang pagtuklas sa isang pagkakaiba nila ng kanyang sadistang tatay - may isang bagay ito sa katawan na wala sya, yung foreskin o skin extension ng robo-rat. In other words, pisot ang tatay nya na sadya nyang ikinahiya dahil sa pagtamasang may kakulangan ang kanyang katawan bilang isang tuli.

7. May mga twists pa sa istorya na di ko na lang ikukwento. Di ko pa kasi napapanood ang pelikula kaya ayokong sirain ang suspense.

8. Parang si Luba na kaopisina ko. Binabasa daw nya ang obituary tuwing umaga bago pumasok baka daw kasi andun sa jaryo ang pangalan nya, e para que nga naman at papasok pa sya.

9. Sabi naman ni Robert Cohen sa article nyang 'The Piano Has Been Drinking: The Art of The Rant" na lumabas sa Summer 2005 issue ng The Georgia Review, ito daw ang kapanahunan ng pag-angas; kitang-kita anya sa mga blogs na walang ibang aspeto kundi ang pag-angas sa kawalan, a rant into the void. (O yeah?)

10. TAENANYOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!! Ayus, maluwag na pakiramdam ko.

11. (taenamoriiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnn!!!, sagot ng mundo, di tayu ayus, war tayu!)

12. Ang title ng artik ni Cohen e halaw dun sa kanta ni Tom Waits na para bang likha-blog ng isang mutant na yari sa composite DNA ni Freude, ni Jobert, tsaka ni UZ. Eto yung angas ng kanta:

The piano has been drinking, my necktie is asleep
And the combo went back to New York, the jukebox has to take a leak
And the carpet needs a haircut, and the spotlight looks like a prison break
And the telephone's out of cigarettes, and the balcony is on the make
And the piano has been drinking, the piano has been drinking

13. Maangas din tong si Cohen, para sya yung kaibigan ni D na matalinong maangas na si N, panay ang bansag sa isang persona na Dark Other (which rhymes with Darth Vader), kasi sabi nya (ni Cohen), I'm all out for hapiness but not for inner peace, the only peace that's helpful is fighter's peace.

14. Kailangan na nga ng tao ang meditation. In the meantime, they're into PlayStation.

15. Taena.

e-2-2-loi (estradaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!)

Thursday, December 08, 2005

SOME SETTLING SURVEY, PART II

1. What would you have been now if you belonged to the opposite sex?

2. Find your psychosis: Can you state an aspect in your person(ality) which says you are part psychotic?

3. Write a line or two, or even a stanza, of a poem that most recently moved you.

4. There is no equivalent for thumbtack (or pushpin) in a Filipino dictionary. Help broaden the Filipino vocabulary by coining a term.

5. Team Earth is sending a recording of earthly sounds to the annual "Sounds of the Universe". If you were to record anything that will form part of this package, what will that be?

6. You were asked to do the epitaph of your most despised person in history. Don't be shy, write it.

7. Name the one thing everyone should do in his/her lifetime.

Sunday, December 04, 2005

LET'S DO A MEDITATION, FORGET DA HESITATION

Noong panahon ng Hapon, bale asa 1st year college ako, may nagsubstitute prof sa aming Philo 101 class na expert daw sa Oriental Mysticism (taga Misamis Oriental ata sha). Sabi ni Prof. Kumag, "Uh, class, I will teach you how to properly meditate, and then we'll do some mass hypnosis." "Woweeeeee!!!", sigaw ng mga kaklase kong baliw dahil syempre bagong hilatsa sa aming pandinig ang meditation con hypnosis, sanay kasi kami sa If A is B and B is C, then A is C. As in.

Kelangan daw magaang ang aming kaluluwa bago simulan ang hipnotismo, masaya ang pakiramdam para effective ang exercise. Syempre medyo cynical ako, tanong ko sa katabi ko, "Ano kaya ang binabalak ni Prof. Kumag pag hypnotized na tayo, mass rape?" "Ay, ang saya", sagot niya.

Tinuro ni Prof. K ang procedure. Umupo daw ng erect na parang Grade I, o kaya parang yung mga bata sa MTV video ng Another Brick in the Wall ng Pink Floyd, tas ilagay daw ang dalawang kamay (o tatlo kung meron kang extra) sa hita, tas magmula sa dulo - meaning magmula sa daliri ng paa - e unti-unting pakalmahin ang sarili paitaas. Tapos, calculated breathing, at ang pinaka-crucial e mag-isip daw kami ng mga bagay na kaiga-igaya.

Ganun nga ang tripping namin, pinatay pa ang ilaw, sinara ang pinto, at tapos nun e all systems go na kami sa step towards our unbearable lightness of being idiots: Mga nakapikit, humihinga ng malalim, at punong puno ng concentration kahit manaka-naka e nakaririnig kami ng kakatwang huni mula sa kaklase naming me hika.

Andun kami sa aming respective modes ng biglang me sumigaw sa likod na row (yung pinaka-death row, o row ng mga hunghang, as opposed to the front row na row ng mga matatalino, o mga hearing-impaired, o mga downright sipsip. Nasa gitnang row ako, row ng mga wishy-washy, row ng mga inherently e walang alituntunin sa buhay.) E di sumigaw nga ang isang Hung (as in William Hung-hang), tili nya, "Aiiiiee, naninigas ang mga paa koh!!!" Ayun, natigil ang exercise, balik lahat kami sa reality mode, asar na asar kami sa pangyayaring di-inaasahan. Sinubukan naming ulitin ang mediteyshen eklavu pero di na namin magawa dahil natatawa na ang lahat pag naiisip ang pagtitili ni Hung na parang kinikitil na bayawak.

After the session, tinanong ako nung isa pang Hung. "C, ano tinitrip mo habang nagmemeditate tayo?" "E sino pa", sabi ko, "di si Lorna Tolentino". "Lintak!", sabat nya, "pareho tayoh!" Nagsurvey tuloy kami sa kaklase naming lalaki ng aming "object/subject" of concentration pursuant to the suggestion na "mag-isip ng mga bagay na kaiga-igaya".

Results of survey with 0 margin of error:

Lorna T - 40%
Bo Derek - 30%
Farrah Fawcett - 25%
Chanda Romero (?!) - 3%
John Holmes (??!!) - 2%

Ayus. Anuman ang nais alamin o gawin ni Kumag e nasa kanya na yun pero ang naging mas mahalaga sa amin ay ang results ng sarili naming stydy, We therefore concluded na sa mga teenager na kalalakihan, katumbas ng meditation ang kalibugan.

Eto ngayon. Tipong may strong basis ang survey namin, hindi lang pala sa klase naming mga inutil totoo ang resulta kundi pati na rin sa Orders of the faitful, o ha.

Ipaliliwanag ko next time. In the meantime, magmemeditate muna akow.