MEDITATION/HESITATION ATBPNG PA-ILUSTRADO EKLABOBO
1. Pinanood ko ang Syriana nung isang Sabado sa karatig mall - isa ako sa di-hihigit 20 kataong namiyesta ang utak - at kinakailangan kong panoorin itong muli. Tagpi-tagpi, tagni-tagni ang structure ng pelikula at may mga bagay na kailangang himayin at pagdugtungin upang lalong ikalugod ang buod ng istorya. Deconstruction baga. Lalo pa nga't ang pinaka-teaser ng print ads, at syang tema ng istorya, ay Everything Is Connected. Pagsamahin naman daw kasi ang masalimuot na operasyon ng CIA, ang di-simpleng diwa ng Islam, ang nakalilitong proseso ng corporate mergers, at magulong daigdig ng krudo, aba, e dapat ngang italaga na panoorin itong muli para sa mas kaiga-igayang reaksyon at interaksyon. Ang CIA na rin ang nagsabi sa isang spy thriller movie, Out there things are not what they appear to be. Sa Syriana, ganun din. Hindi nagkakasundo ang nakikita mo't naiisip mo.
2. May eksena sa pelikula na gumuhit si Matt Damon, bilang energy analyst at kaibigan ng isang Middle East prince, sa buhangin upang ipaliwanag ang pagtagos ng pipelines sa ilang bansa mula sa Persian Gulf upang mabawasan ang gastos laban sa kita (cost vs. revenue). Nabanggit ni Damon ang Kazakhstan at sa pagtingin ko sa mapa ng Middle East, iniisip ko ang kabuluhan ng Kazakhstan sa pagpapaikli sa haba ng pipelines gayong sa tanda ko, parang pa-trianggulo ang pagka-drawing ni Damon. (Tulad din yata ito sa pagtatayo ng Panama Canal kung saan napaikli ang takbo ng ruta patungong New World; minsan din, isang araw bago mag-eleksyon, may napanood ako sa tv - CSPAN yata? - na isang manunulat ang nagsabing may teorya sya sa tunay na dahilan ng paglusob sa Afghanistan, at ito ay ukol yata sa pangangailangan ng heyograpiyo ng Afghanistan upang mapaikli ang ruta ng pipelines mula Persian Gulf, hanggang saan?, ewan ko, di ko matandaan ang cons theory, pero parang may patukoy nga ata, ata lang ha, sa Kazakhstan.
3. Gusto ko naman ngayong panoorin ang Brokeback Mountain ni Ang Lee dahil mainit at maugong ang sabi-sabing best movie of the year daw, hands down. Palabas ang pelikula sa may kalayuan kasi daw e nasa stage pa ng 'testing the waters' ang pelikula. Bakit kamo? Masyado daw controversial ang pelikula, tungkol sa dalawang cowboy na nagkaroon ng isang makamundong relasyon, na salungat sa macho mentality ng genre (at ng lipunan, in general). Ginawa ko e nagpunta na lang ako sa Barnes at hinanap ko ang libro ni Annie Proulx (Wyoming Stories) kung saan kabilang ang Brokeback Mountain.
4. Malupit ang storya ng BM, bukod sa gender bender, genre bender pa kamo. Tungkol 'to sa dalawang sheep herder na nakaramdam ng pagnanasa sa isa't-isa isang araw na nagka-kampo sila sa anino ng Brokeback Mountain sa Hilagang Kanluran. Makalipas ang makailang pagniniig, inalam nila ang kanilang sexual orientation. Di ako bading sabi ng isa. Ako din, sabi ng ikalawa, ala akong karanasan kahit kaninong lalaki bukod sa yo. Sa mambabasa, nasa iyo na kung tatanggapin mo ang kumpesyon ng bawat isa - na di sila bading kundi mga tunay na lalaki - pero dahil sa hiwaga ng pag-ibig ay nahumaling sila sa kapwa macho.
5. Di ba may tanong, kung bumagsak ang puno sa isang liblib na gubat, merong bang tunog kung walang nakarinig? O kaya, ang isang tao ba na nakapatay ng kapwa sanhi ng self-defense e pwedeng bansagan na mamamatay-tao? Sa kaso nina Jack at Ennis (sa BM), ang pagkahumaling ba sa kapwa lalaki ay di maaaring bansagang kabadingan dahil di naman daw nila naranasang mahumaling sa kahit kaninong lalaki bukod sa isa't isa?
6. Isang bagay ang magpapabago ng kaisipan sa takbo ng istorya (hinuha ko lang, batay sa pag-aaral na huhubog sa sekswalidad ng isang bata ang isang matinding magaganap sa kanya). Nung bata pa si Jack at pasala-sala ang pag-ihi sa kubeta, nagalit ang tatay nya kaya bilang parusa, inihian siyang naglulupasay sa sahig ng palikuran (lintek sa tagalog!) Dalawa ang nangyaring maaaring naghubog sa kanyang sekswalidad: una, ang pagligo sa likido ng kapwa lalaki, at ikalawa, ang pagtuklas sa isang pagkakaiba nila ng kanyang sadistang tatay - may isang bagay ito sa katawan na wala sya, yung foreskin o skin extension ng robo-rat. In other words, pisot ang tatay nya na sadya nyang ikinahiya dahil sa pagtamasang may kakulangan ang kanyang katawan bilang isang tuli.
7. May mga twists pa sa istorya na di ko na lang ikukwento. Di ko pa kasi napapanood ang pelikula kaya ayokong sirain ang suspense.
8. Parang si Luba na kaopisina ko. Binabasa daw nya ang obituary tuwing umaga bago pumasok baka daw kasi andun sa jaryo ang pangalan nya, e para que nga naman at papasok pa sya.
9. Sabi naman ni Robert Cohen sa article nyang 'The Piano Has Been Drinking: The Art of The Rant" na lumabas sa Summer 2005 issue ng The Georgia Review, ito daw ang kapanahunan ng pag-angas; kitang-kita anya sa mga blogs na walang ibang aspeto kundi ang pag-angas sa kawalan, a rant into the void. (O yeah?)
10. TAENANYOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!! Ayus, maluwag na pakiramdam ko.
11. (taenamoriiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnn!!!, sagot ng mundo, di tayu ayus, war tayu!)
12. Ang title ng artik ni Cohen e halaw dun sa kanta ni Tom Waits na para bang likha-blog ng isang mutant na yari sa composite DNA ni Freude, ni Jobert, tsaka ni UZ. Eto yung angas ng kanta:
The piano has been drinking, my necktie is asleep
And the combo went back to New York, the jukebox has to take a leak
And the carpet needs a haircut, and the spotlight looks like a prison break
And the telephone's out of cigarettes, and the balcony is on the make
And the piano has been drinking, the piano has been drinking
13. Maangas din tong si Cohen, para sya yung kaibigan ni D na matalinong maangas na si N, panay ang bansag sa isang persona na Dark Other (which rhymes with Darth Vader), kasi sabi nya (ni Cohen), I'm all out for hapiness but not for inner peace, the only peace that's helpful is fighter's peace.
14. Kailangan na nga ng tao ang meditation. In the meantime, they're into PlayStation.
15. Taena.
e-2-2-loi (estradaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home