<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5597606\x26blogName\x3dcbsmagic\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://cbsmagic.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com/\x26vt\x3d458748704286130725', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Sunday, November 13, 2005

ISANG MAALINSANGANG ADDENDUM SA NEW YORK STATE OF MIND: THE MANILA CONNECTION

Binanggit ni Carlos Fuentes ang sinabi ng Mexican writer na si Fernando Benitez na ang mga grupo daw ng Mexican Indians na Huicholes, Mazatecos, Tzotzilles at Tarahumaras ay may kakaibang talas ng memorya at dahil dito'y di sila nagkakaroon ng "cultural deprivation" kahit mga illiterate sila. Aniya, matindi raw ang kanilang talento sa paggunita at pagsasaisip kung kaya't may kasabihan na tuwing may isang namamatay sa alinmang grupong ito, isang buong aklatan ang namamatay kasama niya. A whole library dies along with him.

Matalas din ang memorya ko kahit di ako Mexican Indian pero parang nalilimita na lang sa long-term ang talento ko. Minsan di ko na matandaan yung ginawa ko kagabi bukod sa pagtulog, o ginawa ko kaninang pagkagising bukod sa pagbasa ng dyaryo sa trono ng mga baliw. (Speaking of reading atop the trono, comics and sports sections lang ang kalimitan nasa toilet reading list ko pero minsan ala akong nadala sa banyo kaya nung naghagilap ako ng kahit anong mababasa, ang nadampot ko e yung canister ng lisol, at ang napagtuunan ko ng pansin e yung instructions na nagsasaad, in part, "Avoid spraying in eyes", asus e napaaga tuloy yung pagdating ko sa rurok ng tagumpay dahil natawa ako, lintek, sinong gago kaya ang maglilinis ng bacteria sa mata sa pamamagitan ng pag-spray dito ng lisol.)

Si Marcel Proust daw ubod din ng talas ng memorya at ang isang kakaibang talento nya ay ang pag-associate ng anumang bagay, tao, lugar sa isa pang bagay, tao, o lugar na nabibilang sa ibang milieu. Halimbawa, pag may nakita syang painting ng isang matanda, sasabihin daw nya sa kasama, in French shempre, "Kamukha sya nung isang karakter sa lumang pelikula ni ____ ", tapos pag inimbestigahan ang sinasabing pagkakatulad, grabe, hawig na hawig daw talaga.

Eswes, makapag-Marcel Proust at Mexican Indian tribe tripping din nga sa ngalan ng dalawang syudad ng aking pagbubuhay-gagamba.

Kumakain ako ng sopas de ramen sa isang Japanese restaurant sa Greenwich Village isang kalamigang araw ng Disyembre, 2003, nakaharap ako sa kalye kaya people-watching at ramen-eating ang aking perfect multi-tasking, napagtuon ko ng pansin ang nakatayong matandang ale sa may poste, nakasuot ng red coat at red boots, me hila syang chihuahua na naka-red coat at josme naka-red boots din na pagkay-liit liit. Sluurrp Hayup, sabi ko habang humihigop, Sino kaya sa dalawa, Ale o Aso, ang mas mukhang tanga? Di kaya ang tamang tanong, tanong ko uli sa sarili ko, Between them, Ale o Aso, sino kaya ang Master at sino ang Bitch?

Lumipad ang isip ko sa Maynilang nililiyag. Naalala ko nung kumain kami sa isang kainan sa Recto na malimit naming puntahan, ang pangalan nya e Panciteria Eng Hap (buhay pa kaya yun? ubod ng sarap ng pagkain dun, hayup sa pato - hindi pata - tim, tsaka mushroom anik-anik, lahat masarap pwera lang ang pangalan ng resto kasi pag jinumble mo e magpaparang Pancietria Pang He) tas ayun, nagpeople watching ba naman kami, napatingin tuloy ako dun sa isang grupo ng mga manginginom, sumigaw yung isa sa kanila, Hoy ikaw ano tinitingin-tingin mo? Ayun buti na lang napagsabihan sya nung me ari ng resto kundi yari sya sa akin, Mabilis kasi ako tumakbo at di sya aabot, pag hinabol nya ako, masasagasaan lang sya, Aba e Recto banaman, hanep!

Where am I leading you? Ahhh, ambagal mo. Ina-associate ko lang yung New York sa Manila. Sa Manhattan, people watching ang isa sa pinakamasarap gawin. Sa Maynila, people-watching ang wag na wag mong gagawin kung ayaw mong mamatay. Advantage: New York.

Sa New York pag winter maraming lumulutang na yelo sa Hudson at East Rivers. Sa Manila, maraming etat na lumulutang sa Pasig River all year round. Yung pagkalaki-laking lumulutang, tao yun bok at hindi tae! Advantage: New York.

Sa New York merong King Kong. Ma Maynila merong Da King. Advantage: wala, kasi pareho na silang nasa kingdom come.

Sa New York merong Macy's, punyeta sa mahal. Sa Maynila merong SM, kung mahilig ka sa s/m, punta ka dun, grabe sa tao, pero mura ang bilihin. Advantage: Manila.

Sa New York merong Columbia University, eskwelahang dati e kinatitirikan ng isang Insane Asylum (har har, kaya pala kayo nao-osmosis jan eh!); sa Maynila merong Feati University, eskwelahang pinapasukan ng mga insane, me malaking karatula dun (buhay pa ba?) sabi e Look Up Young Man, yumpala kaya sya nakasulat dahil kelangan mo talagang magmatyag paitaas at baka mahulugan ka ng bumabagsak na silya. Advantage: New York, shempre.

Sa New York merong tindahan ng stocking na pangalan e NY Stocking Exchange; sa Maynila (nabasa ko dun sa isang blog na markahanmoangkamukhamo yata ang pangalan nung me-ari) may mga establishments daw sa Manila and suburbs na ganto - James Tailoring, Elizabeth Tailoring, Caintacky Fried Chicken, Tapsi Turvy, etc. etc. Advantage: Manila, nolo contendre.

Sa New York di mo makita ang langit dahil sa mga buildings. Sa Maynila di mo makita ang langit dahil sa usok. Advantage: New York, nolo contendre.

Sa New York merong Strand Bookstore. Sa Maynila merong La Solidaridad. Advantage: Even.

Ang New York merong Brooklyn Bridge, Manila has Quezon Bridge. Advantage: josme, you tell me.

Sa New York kapag tatanga-tanga ka at tumayo ka sidewalk sasagasaan ka ng mga tao. Sa Manila kapag tatanga-tanga ka at tumayo sa sidewalk sasagasaan ka ng mga sasakyan. Advantage: Manila, kung suicidal ka.

Ang NY merong Big Mac; ang Manila merong Glo Mac. Advantage: Even. Parehong nakakamatay pag sobra.

Tungkol sa NY, merong Bonfire of The Vanities. Sa Manila, merong Maynila: Sa Mga Kuko ng liwanag. Advantage: Manila, two thumbs up! You tel me dat!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home