SENTENTIAE
Life sucks (daw, o) -
Sabi sa kin nung onse anyos na bata (rotten age, I know) na anak nung dating manager ng condo nang minsang ipinasyal ko sa isang computer store: "c, life sucks", sabi ba naman. "Why?", laking gulat ko; tuwang-tuwa kasi syang naglalaro ng computer games tas biglang tumigil saka nag-angas na parang tanga. "Because you eat, you sleep, you play computer, and then you die!", sabi nyang punong-puno ng counter-strike na pighati.
Death is always new.
"If life sucks", nandidilat kong paliwanag, "then you should find death a relief".
"But I wanted to play computer forever", kontra struck-out nya.
Biglang bumigat ang ulo ko at nagparang bobble head na natanggal ang pagkakakapit sa spring. Sumayad ang pananaw ko sa lupa, tila nag-aapuhap ng maaaring maipayo ng konkreto. Bumuntonghininga na lang ako ng sagad sa katotohanan.
"Mali", sabi ng bibig ko.
"Computer sucks."
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home