<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://draft.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Sunday, October 09, 2005

wala akong maisip isulat kaya magkukwento na lang ako ng kababalaghan.

may isang babaeng teen-ager na gaya ko, walang pera, di-gaya ko, malakas ang loob, ang kumatok sa isang kabahayan upang gumawa ng pera.

tok-tok-tok, sabi ng katok nya. ikk-ikk-ikk, sabi nung pinto habang binubuksan ng may-ari ng bahay (lalaki).

teen-ager: sir, matalino po ako, tsaka masipag. kelangan ko ng pera, baka meron kayong gustong ipagawa kahit ano, gagawin ko sa murang halaga.
lalaki: hmmm, teka, ang kelangan lang namin dito e mapintahan ang porch. kaya mo ba yun?
teen-ager: kayang-kaya ko po, ako pah!
lalaki: o sige, eto isang galong pintura, pintahan mo ang porch at bibigyan kita ng limampung piso.
teen-ager: okidoki (sabay kuha ng pintura).

umakyat na si lalaki sa kwarto at sinabi sa misis nya ang transaksyon. "grabeh kah!", sabi ni misis. "napakalaki ng porch, nakapalibot sa buong bahay. alam ba nung pobre kung ano ang pinasok nya sa halagang php 50.00?" "oo naman", sagot ni lalaki, "nakatayo sya sa porch e di alam nya ang sinusuungan nya.

makalipas ang isang oras, kumatok si teen-ager at pinagbuksan sya ni lalaki. "sir, tapos na po," sabi ni teen-ager.

"pinintahan mo ba lahat, pinalibutan mo?", tanong ni lalaki.

"syempre naman po", pagmamalaki ng teen-ager. "sa katunayan nga po, may natira pang pintura matapos kong palibutan, kaya ginawa ko, nilagyan ko sya ng isa pang coating."

natuwa syempre si lalaki at ubod laki ng natipid nya; sa katuwaan binigyan nya si teen-ager ng isandaang piso. "o, ayan, kasama na ang pabuya".

"ha-ha-ha, salamat po bosing", sagot ni teen-ager na di mapigilan ang tuwa.

tas, paalis na sya ng biglang bumalikwas at sabi ke lalaki...

"ngapo pala bosing, di po porch yun, ferrari yun".

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home