<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Friday, September 16, 2005

PAANYAYA ng BAGABUNDONG REKLUTADOR (PBR): Isang Bukas na Liham

Book Review Section
The New York Times
229 W 43 St
NY, NY 12036
ATTN: Michiko Kakutani

Minamahal na Bosing Mich (o Michi, o Chiko, o Koka, o Kaku, o Kuta, o Tani, Whatever):

Bago ang lahat nais ko pong ipahatid ang pag-aasa na kayo sampu ng inyong pamilya ay nasa mabuting lagay tulad ng aming mga pulis sa Maynila; ipagpatawad po ang salimuot ng aming lenggwahe - di ko ibig sabihin na sampu ang inyong pamilya, ipinakakalat ko lamang sa kanila ang aking pag-aasa (asa ka pa).

Makasalanan ako kaya't ipagpatawad na ma-uli kung lihaman ko kayo sa pamamagitan ng aming busilak na pananalita, taena, magkaganunpaman na taglay ko ang kakayanang makipagpalagayang-loob sa wika ng inyong mga ninuno (palagay ko lang). Nag-aral po ako ng Nihonggo kung kaya't bayaan akong makipaghuntahan sa isang kahingiang introduksyon:

Toshiba sanyo hitachi nec aikido atari hai! Sanrio sansui kirin miso anime manga hilao? Kikkoman sushi sashimi enage ramen udon wasabe? Ahhh, samurai sakura paroko klang, klang, klang! Hai!

Bosing Mich, kaya po ako napaliham ay dahil sa masidhing pangangailangan, dala ko ang bigat ng mundo, ako ang konsyensya ng sangkatauhan, sa usapin at isyung ito na sa panahon ng lubusang pighati ay nagsisilbing talarok sa kaselanan ng aking balikat. Ang akin pong nag-iisang dalaginding na si Arianne Angela ay nangangailangan ng submissions (ano ba to sa Tagalog: pagsuko? pagpapasakop?) sa kanyang Pinoy Book Reviews.

Wag pong tawaran. O tawanan. Ang kakulangan po ng submissions ang naging sanhi ng pagkansela ng isyung dapat sanay inilathala nitong mga nakaraang linggo. In retrospect, Ang kawalan ng submissions ay kawalan ng isyu, ang kawalan ng isyu ay kawalan ng misyon natin sa buhay. Kundi tayo kikilos, kailan? Kundi ngayon, sinong kikilos? Taena tlg, hai!

Wag pong pagtakhan. Paborito ko kayong reviewer, sunod ko kayong idolo matapos nung reviewer ko nung kumuha ako ng government exam. Kaya kayo ang sinulatan ko, Boss Mich, dahil taglay nyo ang kapangyarihan, tulad nung nirebyu nyong AHWOSG ni Dave Eggers sa NYTBR, sabi nga ni Itlog Dave na yung magasin nilang Might e base sa depinisyong Lakas o Posibilidad, kayo po mismo, Boss Mich para sa akin ang Da Mighty One, nasa inyo ang Power at Possibilities na hikayatin ang aking mga kaibigan na mag-submit ng book reviews sa PBR bago tuluyang maganap ang kahindik-hindik na bunga ng mapait na pagbabalewala kay Angela: ang tubuan sya sa mukha ng makasaysayang tigidig.

Tigidig: OMG, I am so 1980's.

Mabuti na lang po, Boss Mich, at nariyan ang maaasahan kong si Freude, si Boss Angelo, aka Dardar, aka Freude. Nung tanungin ko sya kung pwede ba sya magsubmit, sabi ba naman e, and I quote, "Syempre naman, ikaw pa, inaantay ko nga na yakagin mo akong magsubmit, actually, nagtampo nga ako dahil di nyo ako sinali, pero ngayong nangiimbita ka, magsusubmit ako kahit lima!"

Lima, OMG ulet, sabi ko, isa lang.

"O sige, apat", sabi nya.

Sobra to, dalawa na lang, kahiya, balikwas ko.

"O, para di ka na masyadong maarte, kita tayo sa gitna, dalawa't kalahati".

Ayun, nagkasundo kami na 2 1/2 ang isasubmit nya, bale yung isang rebyu ay ipadadala nya ng hindi tapos.

Pero syempre Boss, mas magara kung yung mga ibang kaibigan ko e magsubmit din, gaya ni Prof. UZ Eliserio ng UP, taena, yung mga reviews nyan sa Amazon dot com (unista) na dineconstruct ang theory of deconstruction, ang lufet, syempre ba naman e may Masters ata yan sa Ejaculatio Praecox.

Tas yung isang malupit din na si Prof Dennis Aguinaldo ng UPLB, balita nga e me nalathalang libro na, samantalang ako libag lang meron, di pa malatha-lathala, anubayan.

Tsaka po yung ibang grupo ko na magaling ding manunulat (gaya ni F, UZ at D, di gaya ko), sina Bossings Jobert, Jet David, Cha B., Belle Nabor, pati na yung nawawalang si Jungian Rocker, sana po makaya ko silang mapagsubmit ng rebisa...

kaya lang baka ma-irebisa nila e sa bingo

sa letrang N...No way!!!

hai, buhai...

O sige na lang po, arigatokyo gusaimasu.

cbs

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home