<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Saturday, July 23, 2005

punta po kayo sa http://pinoybookreviews.fil.ph/

ambobo ko talaga, di ako marunong maglink

dalawang taon na pala akong nagba-blog, pero bat ganun, di pa din ako marunong mag-link

matututo kaya akong maglink sa pamamagitan ng pagtatanong kung bat di ako marunong mag-link

gusto kong mag-eksperimento, magta-type ako sa keyboard sa pamamagitan ng aking mga kamao, titingnan ko kung matututo akong mag-link

palagay ko ako ang missing link

sino kaya mas malaswa sa amin ng bunso kong utol na bugok, anlakas nyang kumain pero di sya marunong magluto, sinubukan minsang magpakulo ng tubig, ayun natuyo pa

merong galit sa akin, madalas kasi akong matapilok

weeks ago naghappy hour kami sa isang irish pub, yung cfo namin natabig yung pitsel ng beer na hawak ng waiter, ayun, tapon sa ulo ni heather; tas kagabi happy hour ulet kami, same place, abanakow nakilala kami nung waiter, tas natandaan nya yung insidente, naglabas ba naman ng shower cap at binigay kay heather, mwahahaha, tas sabi nya, mis eto o, baka magshower-show ulet kayo

nagpunta ako nung araw sa st augustine, florida para hanapin yung fountain of youth ek-ek ni ponce de leon at makainom ng kahit isang drum lang, pagpasok sa may visitor's center andun yung cute na chiching na namimigay ng f.o.y. h20 sa mga matandang ungas na gaya ko, nagcut ako sa linya at sabi ko eto na eto na, nanginginig ang kalamnan ko sa pagnanais na maging ka-edad ko ulet ang sarili ko 70 yrs ago, pagabot ko sa plastic na baso tinungga ko agad ang tubig, hanubayan, naibuga ko ang tubig, kontik kong paliguan yung mga tao, sabi ko, pwaahhh lasang buraakk, tawanan ang mga tao tas ayaw na nilang inumin yung tubig, palagay ko yung iba sa kanila baka tumakbo pa sa tagalog-english dictionary para alamin kung ano ibig sabihin ng lasang burak

paulit-ulit-ulit kong pinapakinggan yung cd ni amos lee, parang lalaking norah jones, sabi nya dun sa arms of a woman -
i'm at ease in the arms of a woman
although now most of my days are spent alone
a thousand miles from the place i was born
but when she wakes me she takes me back home

ala eh ako dapat ang kumanta nire

tinamaan ka ng kulog, sophia anderson

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home