<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Sunday, May 22, 2005

sali2la

napakahirap ispelengin ng buhai, i mean bujai, ay bujay, sana ang aking kakornihan ay panumandaling mag agaw-buhay (ay, nadale din!) pero talagang mahirap...

bakit kanyo? eto: hindi ako dating palasulat sa tagalog pero parang ayoko na magsulat sa inggles, tinatamad ako, di ko naman kasi maabot ang lebel ng pagsusulat ni jm; sabado ng gabi nga emcee ako sa isang dinner-dance na me kulang-kulang (hindi ng guests kundi bilang ng guests) 170 katao, malaking porsyento ang puti, pero pinagtatagalog ko sila kasi nga napakahirap ispelengin ng buhay, ibig kong sabihin e ang buhay di ko maintindihan kung san patungo at pinagtatagalog ko sila kahit pa katakut-takot na rehearsal ang ginawa ko sa salitang inggles tapos yumpala pag-apak ko sa lectern e a, mano ba! kung di nyo maintindihan e itanong nyo na lang sa pilipinong katabi nyo ang pinagsasabi ko...

mahirap maintindihan ang buhay kasi kahit stressed out ako nitong buong weekend e masaya ako; mantakin nyo nag-usher ako sa 1st communion ng sangkatutak na santo-santitong bata sabado ng umaga tas yung mga demonyong magulang nila na huling dumating ng mga 25 minutos e nagpupumilit pumasok sa simbahan kahit nag-uumpisa na yung seremonyas at ayaw makinig sa paliwanag ko na maiistorbo yung ritwal kung papapasukin ko sila, tas yung isang bruha sabi sa akin e ako daw ang magiging dahilan kung paaatrasin nya yung buong lahi nya na pumisan sa aming simbahan at lilipat na lang sila sa iba, sabi ko, sori mis sinusunod ko lang ang utos sa akin pero kung gusto nyo pong palipatin ang buong lahi nyo ng mga tuod e goodluck na lang po sa paglilipatan nyo, pero kwidaw, sinabi ko yun ng punong-puno ng magandang disposisyon, yumbang ang ngiti ko e simbango ng bagong bayong pinipig; tas yung isang matandang insulares na lalake naman e pinag-eespanyol ako, ako namang si gago e puro que? que? gusto ko na ngang sabihin e que que quezon? tas e sumapo-sapo at humagod-hagod sya sa dibdib nya na parang nag-iinarte't aatakihin, gusto ko ngang magdialogue, tatang, plis, wag ka naman ditong magshower show...

nakangiti ako habang nag-iignorante ang tindera nung bumibile ako sa supermarket sabado ng tanghali, a pound of boars head corned beef, sabi ko sa kanya; sweet ham?, tanong nya; corned beef, sabi ko; ah, spiced ham, sabi nya ulet; no corned beef, sigaw ko habang labas na ang gilagid ko sa pagngiti; ah, i got it, sabi nya, turkey breast!

angsarap-sarap ng pakiramdam ko kahapon kaya nung andun ako sa dinner-dance sabado ng gabi, para akong ewan, basta ang sarap-sarap ng pakiramdam ko na para akong natutulog sa kamang bagong palit ang kobre-kama; o nagtatampisaw sa malamig na tubig ng ilog sa kainitan ng tanghaling tapat; o humihigop ng pho ga matapos lumaklak ng 4 na bote ng presidente beer; o nagpapasalamat sa sarap ng pagwetat paggising sa umaga at sumisigaw ng yess!! yes!!! na parang si meg ryan sa when harry met sally; at lalung-lalo na na parang yung bata sa maikling kwento ni artur miller na "bulldog" na matapos makipagniig sa isang matandang babae sumeduce sa kanya e bigla ba g tumugtog (pagkauwi sa bahay) ng piano kahit hindi naman sya marunong mag-piano kaya nagulat na lang yung nanay nya sa pagkaganda-ganda ng musikang sanhi ng pagtugtog nya, tanong sa kanya, hoy unggok kelan ka pa natutong mag-piano, pero anuba e sa sobrang saya nya e talagang lumandi-landi yung daliri nya sa tiklado na para bang me kung anong hiwaga ang bumabalot sa buo nyang pagkatao...

ganun po ako ngayon, kahit katakut-takot ang problema ko e pagkasaya-saya ko, hindi ko alam kung bakit, para akong sinasaniban ng mga nag-uumulol na engkanto...

palagay ko e malapit na ang kaparusahan ko at sinasabi ng mga engkantong taga quezon, hoy unggok, mag-inggles ka na lang muli kesa sa mag aiii buhaiii ka jan...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home