<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5597606\x26blogName\x3dcbsmagic\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://cbsmagic.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com/\x26vt\x3d458748704286130725', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Sunday, April 17, 2005

ANG PAGHIHIMAGSIK (pahina tres)

Kapag mahilig kang magbasa tapos antalas pa ng memorya mo, pag nagsusulat ka at nililikom mo ang mga impormasyong nakaimbak sa katakutakot na diskette sa utak mo, minsan di mo namamalayan na ang pinagsasabi mo pala e galing sa mga nabasa mo at di mo sariling linya. (Kung matalas ang memorya, e bat di mo tanda na di pala sa yo ang quote? - ed) Naalala ko tuloy yung sabi ni Prof UZ Eli ng UP Los Banyos (no wonder ang hilig mong mag u-u!), "Kesa paulanan mo kami ng quotations mo e bat di mo na lang kami i-refer dun sa kino-quote mo" (or something to that effect, please disregard the q marks).

Aray. Sapol ako dun sa sinabi ni prof kasi lagi akong nagko-quote. Feeling ko nga e pekeng-peke na ako, tapos dakdak lang ng dakdak, kaya sa mga taga-Hunan province ako siguro yung tinaguriang pekeng dakdak.

Nung bata-bata pa ako at hasa na sa pagko-quote, nagsulat ako ng short story na semi-autobiographical at patungkol sa sarili kong peke. Sa kwento, ako na professional writer narrator ay inakusahan ng plagiarism at sa sobrang konsyensya e sinaksak ko yung sarili ko ng bolpen. Death by profession. Nung binasa ko ang kwento, sabi ko, Que pangwet. Tinago ko ang manuscript sa baul para di na masilayang muli. Death by isolation.

Kaya eto ako ngayon, walang maisulat kasi nga sabi ni UU e irefer na lang daw kayo sa mga dapat kong i-quote kesa sapawan ko kayo ng mga di akin. At dahil si U ay inherently cool, otherwise termed as hipso-facto, puntahan nyo na lang sina -

Pindar, Praxilla, Attilla, Mozilla;
Plautus, Lucretius, Ennius, Annus;
Rufinus, Musaeus, Nonnus, Anonymous;
Epodes, Bacchylides, Alcides, Herodes;
Ptolemy, Bacchimi, Agamy, Baho-me;
Horatius Flaccus, Boratius Catullus;
Ariadna, Anacreontea, Anaconda, Anacngtocua

Tanong nyo na lang kay U kung ano yung iko-quote ko sana.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home