LANGO NA NAMAN AKO. GINIGIYANG PA. Lango ako sa sariwang hangin, uhmmm, ginigiyang ako sa kinang ng langit, aaahhh. Ang arte ko, tama si Inay, maarte talaga ako, nung araw nga na mga 7 taong gulang ako, pag inismak ako ng bos nya sa school na si Mrs. Weng-weng na amoy-lupa tas mag-iiwan sa mukha ko ng katakut-takot (nakakatakot) na pulang markang labi na parang labi ng unggoy, sasabihin ko kay Inay, Alisin mo, pleaseee!!! Burahin mo!!!Pleeeasse! Tapos sasabihin nya, Ikaw bata ka, talagang napakaarte mo, balang araw ikaw ang magmamakaawa sa babae ng 'Halikan mo ako pliisss'.
Sabi ko, Eeeewww.
Maganda ang panahon ngayon dito. Hindi gaanong malamig kaya nakakapag-tennis ako. (Paglipas ng tag-lamig balik na uli ako paitaas, para akong graph.) Pero ngayon sinasamantala ko ang panahon kaya hataw-dito, hataw doon ang trip ko. Naalala ko tuloy nung isang taon na akala ko may bumaril sa akin, POP!, tapos natumba ako, yumpala natanggal yung masel ko sa paa, torn calf muscle daw sabi ni Doc, tennis leg nga ang tinawag nya dun kasi afflicted daw kalimitan ang magagaling na tennis players, ahem, pero tanong ko sa kanya, Bat di ko nabalitaan yung kakambal kong si Andy Roddick na nagka-torn calf muscle? Sagot nya, Hindi nga, kasi ang talagang kakambal mo e si Srichapan.
Huminahon ka, sabi nung katabi ko.
Di ko kailangan ang sabi mo toy, sabi ko sa katabi ko, kasi mahinahon na talaga ako, tama yung sabi ni Jobert na hanggang dalawang linggo lang ang dapat na pagiinarte, tapos nun, balik na sa mundo ng realidad, trabaho, bahay, pamilya, trabaho, bahay, pamilya, para na tayong mga makinarya, chong-chong-chong, chong-chong-chong, pakilagyan nga ako ng langis sa tenga, durog na ang mga bulitas ko, bakal sa bakal na ang mga plato ko, chong-chong-chong, chong-chong-chong...
Siguro, kaya tingin ko maganda ang panahon e dahil sa maganda ang disposisyon ko. Bago mag-retreat ang sama talaga ng attitude ko, kulang na lang magparang pulbos ako at kusa na lang mabubuhaghag sa lupa, tapos ang kasaysayan ko kung nagkataon...
Sa retreat, ayun exposed na naman ang social skills ko, nag-astang Gollum na naman ako na parang sentro ng universe, sabi nga nung ka-table group ko na ang kapatid e tatay nung isang defensive lineman sa Greenbay Packers, Man, you're so deep, man, you're so deep...
Sa kabila ng kalungkutan e nagngungumiti ako at umaalsa ang ego na parang binuhusan ng isang garapon ng Callumet, sabi ko tuloy sa sarili ko, Grabe ka cbs, dapat sa sarili mo alisin sa yo, you have to rid you of yourself. (Pero teka lang, kamakailan ay nagmuni-muni ako sa sinabi ni Tiyong GreenBay Packers at naisip ko na di kaya ang talagang sinabi nya sa akin e: Manure, so deep, manure, so deep? Sa tagalog: Anlalim ng kaetatan moh!)
Kaya nga naisip ko na ang tamang gagawin ko na lang ulit e mangumpisal, tuloy-tuloy sa -
KUMPISAL, Tanong #3: Ano ang pinaniniwalaan mo?
Bago ko po sagutin yan, kelangan munang alamin yung nasa kabilang dako. Ano ba ang di ko pinaniniwalaan?
Isa lang po. Di ako naniniwala sa sarili ko. Puro kasi ako kaetatan. Yun ngang isang matinik na blogger na nagtatago ngayon (nagtatago kanino?) na si Prof. UZ Eliserio ng UP Los Banos Makiling, O UP-LBM, e minsang inakusahan na pseudo-intellectual. Aba, yung nag-aakusa na yun, dapat patawarin. Yumbang pag-nagcaroling sya sa inyo sa Pasko, sasabihin mo, Patatawarin po!
Sa kaso ko, ako na mismo ang nagsasabi, nangungumpisal ngayon, na isa akong pseudo-intellectual. Bata pa kasi ako pangarap ko na ang maging matalino. Pero dahil ang utak ko e napunta sa aking pwet, mabaho ang pag-iisip ko. Pero ngayon, gawa ng mga bagay-bagay na nagbigay ng dahilan sa pagbabago, di ko na masyadong aalipustahin ang sarili ko, bibigyan ko na lang sya ng parangal sa porma ng isang tula, pinamagatang -
Hoy, Ek
'Kala mo ba talaga, ika'y wal-intelek?
At ikritikong inam signipikante ng V-Effect?
Tigilan na ang pag-quote sa kaluluwa ni Bertol Brecht
Sa mundo ng blogging, lahat yan wa-epek
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home