ANG TENNIS, SI TENNYSON, MAY TENSION, WALANG ATTENTION
Spring. Lusaw na ang mga yelo sa Hilaga, dagsaan na naman ang pagbukang liwayway ng mga tulips sa Upper West Side, pero andito pa rin ako sa Ibaba at nagmumuni-muni (o moni moni ni Billy Idol) kung kakayanin na bang tapatan ng aking respiratoryong pulpol ang nagaagaw-buhay na lamig. Pumapalo pa rin daw sa 55 degF pag umaga, kaya plis lang, third world ang mga baga ko, dito muna ako sa pinamimyestahan ng heat at humidity.
This day is so humid, man, sabi nung katabi kong kumag sa Stadium habang lumilingon kami pakaliwa-pakanan, pakaliwa-pakanan, para kaming mga pamaypay at nanonood ng laban ni Roger Federer ng Switzerland at Oliver Rochus ng Belgium kahapon sa Nasdaq-100 Open sa Key Biscayne.
You should go to the Philippines, man, and then come back to me and say how this day felt like, sabi ko kay kumag. Naalala ko nun sa Pinas, tuwing uwi ko sa bahay, no exag man, takbo ako sa banyo para maligo, kung 10 beses akong lalabas ng bahay araw man o gabi, 10 beses din akong maliligo pagdating sa bahay. Nagagalit nga ang tatay ko, sabi nya, Pinaglihi ka ba sa lagare, bata kah?!! Paroo't parito ka, labas-masok, para kang tite, magpasya ka nga kung kalye o bahay ang dapat mong tigilan. Syempre, dahil ako si cbs, ang napagpasyahan ko e ang wag magpasya. Labas-masok pa rin ako. Para akong wishy-washy tite.
Masyadong naaalibadbaran sa akin yung katabi kong kumag. Nung di pa nag-uumpisa ang laro, masyado nya akong pinapansin kumbat ako nagbabasa ng libro, The Sea, The Sea ni Iris Murdoch, bat daw di ko iligid yung paningin ko, There, anya, What a fantastic crotch, turo sa isang dalaginding na parang nakatatandang kapatid ni Ana Kournikova at sadyang pinamamalas ang hubog ng lower half sa mga mali-Levis na gaya ni kumag. Sabi ko, Sorry man, I'm committed. So am I, idiot, sabi nya, That's why we're here, away from the Committee.
No, I mean...paliwanag ko, I'm committed to her, sabay turo sa libro. Iris, man, she's The One.
Tumahimik si kumag. Pero kita ko yung kanang kamay nya na nakasalang sa hita nya e nagkaron ng subtle activity, yung mga daliri nya, 5 sila, tumiklop ang apat, naiwan yung pang-gitna, ang trajectory e deretso sa akin.
Inintroduce ni Mary Kenzie yung libro ni Murdoch, tas binanggit nya yung sinabi ng narrator/protagonist sa isang libro pa ni Murds na The Black Prince, si Bradley Pearson, He is the tormented empty sinful consciousness of man, scared by the bright light of art, the god's flayed victim dancing the dance of creation.
The Dance of Creation. Yun ang title ng Intro ni Ms. Kenzie. Nung nag-umpisa na yung laro nina Federer at Rochus, nalaan ko kung sino ang nagda-dance of creation. Sino pa nga ba e di yung Mortal, yung kinrieyt. Si Rochus, pronounced Rokus. Nagpara syang roko-rokus sa kasasayaw at pagpupumilit na maibalik, to no avail, yung running forehand ni Fed. Pwede ngang gawing trivia q: Ano ang pinakamabilis, a) ang isang iglap; b) ang isang pag-iisip, or, c) ang running forehand ni Federer? Malaking tsansa ang tamang sagot e c, running forehand ni Fed, yung na nga ata ang bright light of art, kasi naman ang laro ni Federer e art, power art.
Roger Federer will be judged by history as The greatest player to have ever played the game, sabi ng isang commentator. Hindi ako nahihirapang mag-alinlangan kahit arukin ng tennis memory ko ang tennis experiences ko simula pa nung maliit ako at daanan ng kritikong pananaw ang mga abilidades ng mga dyus-dyusan ng tennis court: Bjorn Borg. John McEnroe. Ivan Lendl. Boris Becker. Mats Wilander. Guga. Patrick Rafter. Pete Sampras. Agassi.
Si Gugs, si Raf, si Pete, si Andre - lahat yan napanood ko na ng personal and up close pero walang nagpanganga sa malaki kong bunganga gaya ng laro ni Federer. Josme day, para talaga syang Federer Express, totoo yung sabi ni Andy Roddick na tatlong lateral na hakbang lang ang kailangan nya para masakop ang baseline from end to end, tas buong stretch pa ng katawan at braso para mahagip ang bola, para syang pader, rhyme sa Federer.
Poser na naman ang dating ko. Naalala ko yung diskurso ni RC Trench: We cannot live in art. Resulta tuloy e sinulat ni Tennyson yung The Palace of Art, sabi nya -
Here rose, an athlete, strong to break or bind
All force in bonds that might endure,
And here once more like some sick man declined,
and trusted any cure
Si Federer ang Athlete, si Rochus ang sick man, no shit man, kahit kaming nanonood lang sick men kami, we're sick of watching this guy Federer, man, kasi pinakikita ang agwat ng mortal sa Im, sya kasi yung Athlete, strong to break or bind, kahit ang muka nya e tipong hawig kay Quentin Tarantino, tas hatawin ka ba naman ng 105 mph na serve na may spin. May spin? Lintek. Yung ngang walang spin, straight to the body jayub na, pag nilagyan ng spin, e di wide, halos on the line na, e pano pa makukuha ni Rochus yun.
Sa harap namin ni kumag e me dalawang gunggong na halatang Belgian kasi nakasuot sila ng hats na parang mga jokers sa tarot cards tas e kakulay ng Belgian flag. Nag-uumiyak sila sa pighati dahil nagmukang tolongges si Rochus, bukod pa sa nadefault si Xavier Malisse. Pero di ko sila problema.
Problema ko e si kumag na katabi ko. Panay kasi ang pansin nya sa librong binabasa ko. Para daw akong poser. Gusto kong maghanap tuloy ng tennis racquet at hatawin sya sa ulo. Lalagyan ko ng konting spin, style Federer, para umispin din ang ulo nya ala Linda Blair sa Exorcist. Sorry, Reconciliation na nga pala tayo ngayon, sorry talaga kumag. Pero tong si Federer, di ko sya mapapatawad sa sobrang galing nya.
Boss Andre, kung kaya ng tuhod mo si Mareng Steffi, kaya din ba ng tuhod mo si Federer Express?
Ako kasi, di ko na kaya, kahit nga si Rochus, in his lowest, sickest moment e di ko rin kaya. Tanda na kse.
Nung nagbirthday nga ako minsan sabi nung nag-toast...
Love, 40.
Disadvantage, cbs.
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home