<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5597606\x26blogName\x3dcbsmagic\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://cbsmagic.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com/\x26vt\x3d458748704286130725', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Saturday, February 19, 2005

A, GANUN, SO, ANO NAMAN ANG PINANINIWALAAN MO?

cbsagot: Marami. Unang-una, ikaw, ikaw ang pinaniniwalaan ko. Oo ikaw na nga at wala ng iba, ikaw na bumibisita dito at nagbabasa nito ngayon, wala naman akong alam na nagpupuntang iba dito maliban sa iyo.

Kundi sa 'yo, malungkot ako. Malungkot kasi ako lagi pag may umaalis, pag may nawawala, naglalaho, nagtatago. Pag nawala nga ang lungkot sa mundo, siguradong malulungkot ako. Lahat ng nakita ko, narinig ko, nabasa ko, nagiging parte ko, kaya pag nawala, nawawala ang isang parte ko. Ikaw, hmmm teka, ikaw siguro ang baga ko kaya masarap ang paghinga ko, uhhhm, ikaw din suguro ang mata ko kaya makinang ang langit sa paningin ko,ahhh.

Naniniwala ako sa iyo kasi maswerte ka. Bakit kamo? Kasi hindi ka naging ako. Naniniwala ako sa yo kasi panalo ka lagi. Ako, malimit talo, I guess, I'll even fail if I tried my hands at failing. Asar. Higit sa lahat, naniniwala ako sa yo kasi pasensyoso ka. Pinagpapasensyahan mo ako.

Bukod sa yo, naniniwala din ako sa salita, sa esensyal na elemento ng lenggwahe. Ang pagmamahal ko nga sa salita, medyo me pagka-misteryoso.

Alam mo yung kwento kay King Charlemagne? Nung panahon nya, nain-love sya sa isang dalaginding. Sabi ng Archbishop ng Turin, Grabeh itong si Charlie, dapat ipangalan dito e Pido, full name Pido Phile, akalain mo trip jowain ang isang batang-batang Aleman. Ang ginawa ng kumag na Arsobispo, pinaeksamin ang pobreng dalaginding sa CSI: Turin yata, pero puro manual lang siguro gamit nila nun, ala pang power tools. Aha! sabi nung isang examiner, ano ito? May nakita silang aretes sa ilalim ng dila ng babae. Ito siguro ang dahilan ng mahiwagang emosyon ng Hari, sabi ni Arsobispo K. Ang ginawa nya, kinuha si aretes para sya ang mag ingat-yaman noon. Resulta? Malaking disgrasya. Sa kanya nain-love si King Charlemagne. Syempre nagtatakbo ang beauty ng Arsobispo at ang naisip na remedyo ay itapon ang aretes sa Lake Constance. Alam nyo na siguro ang kasunod. Nahumaling ang tarantadong si Charlemagne sa lawa, yawa!

Ano ang relasyon ng kwento sa buhay ko? Wala lang. Ito lang: sa palagay ko ay nakatago ang mahiwagang aretes sa dila ng salita, sa teksto, sa kabuuan ng lenggwahe, at ako ang reinkarnasyon ni King Charlemagne, as in cbs, charlemagne bs.

In love ako sa salita. Astig, sabi ng mga bata, gasti, sabi ng mga lalaki. Kapag nakabasa ako ng maganda, kahit saan nakasulat, kahit sa pader, bawal omehi detu ang maholi bogbog, natatandaan ko. Parang tiklado ng pyano ang salita para sa akin, mapilantok, sumasayaw-sayaw, malalim-lalim, matalinhaga, buong-buo ang raya, kapag may nabasa akong masigasig ang depinisyon, masasabi ko lang, "In this rhythm, I am found".

Ikaw, pag nagkomento ka dito naiinlove ako sa salita mo, astig ang pananaw mo, gasmateti ako sa rasyonal mo. Plis lang, magaalsa Eugene Ionesco ako: Kapag naputol ang koneksyon ko sa iyong metapisikal na pagkanilalang, sa transendental na ugat ng iyong bukambibig, maglalaho ako. In this unrhythm, I am lost.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home