<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5597606\x26blogName\x3dcbsmagic\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://cbsmagic.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com/\x26vt\x3d458748704286130725', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Thursday, March 17, 2005

scream of unconsciousness

ayayay ang hirap maging banal buti pa si joel banal kahit anong gawing kaururan mapapanatili ang pagiging banal tas sabi pa nila sa taong loko hmmp mabait lang yan pag tulog ako naman kabaligtaran angsama ko pag tulog kasi kung anuanong kabastusan ang napapanaginipan ko kaya tuloy naisip ko yung habilin sa aming taroops ni arturok ng quericada ikiskis nyo lang yan sa pilapil mga tols ang kaso tag init noon kaya tigang ang mga palaisdaan at tuyot ang pilapil aruy aruy aruy (aruy aruy aruy) tas nung nagkainipan nagyaya na lang sa piso piso pulutan namin yung friend ulo ng sugpo kasarap nung nalango na kami jininggilan namin yung bakod ng unibersidad tas lumapit ba naman si boyet sa akin na me dalang malaking bato tas sigaw sya sawa anlaki ng sawa at biglang binagsak yung bato sa harap ko kontik na tuloy madurog yung paa ko tas sabi nung si bj ano kaya ang magandang trip na di pa natin nagagawa parang boring na kasi ang buhay e di isip isip isip kaming mga walang isip volunteer naman si biyet lika mga tols sunugin natin ang mga bahay natin naks naman naalala ko nung bago pa lang ako dito nagtrabaho ako sa opis na nasa cubicle kami tas yung katabi kong cubicle andun si larry hunghang na puerto rican at kamuka ni brendan fraser kaya pag magkasama kami sa inuman parang george of the jungle kami kasi ako yung unggoy tas minsang serious ako sa pagtatrabaho at napakatahimik sa opis biglang kumatok sa cubicle wall si ungas at sabi you know what c tanong ko naman what sagot naman nya you i like you sagot ko fuck you tas sabi nya i really do sabi ko ulit fuck you tas tanong nya won't you ask why i like you tas sagot ko so you will just stop tell me tas tumayo sya sumilip sa cubicle co tsaka bumulong because you remind me of the devaahhh ikaw tanungin ko ano laman ng ulo mo kasi nabasa ko yung sinabi ni john travolta sa parade magazine pag binuksan daw yung ulo nya makikita na puro tungkol sa anak nya ang laman nun ako pag tinanong sagot ko wala wala kasi akong anak (bukod kay gelato na matalino buti di mana kay dadi c) kaya wala ding laman ang ulo ko ramdam ko naman talaga na wala mas madami pa nga utak ang bulalo pag kinalog nyo sarap ng bulalo sa sto tomas santambak ang nilalagay nila na knor sabaw ng baka ang buong akala mo ba ba ka talaga nyahaha uror ka ba ba ka akala mo di totoo totoo yun tas antawag natin sa baka e karne wow anglabo kasi tao man me karne din anlabo talaga parang yung si blogger #1 na nachempuhan ko anonymous ek-ek ang papel de liha nya tas may nagbunyag sa kanya na anonymous blogger #2 na ito daw si blogger #1 e puro kaekekan daw ang pinaggagawa dahil nagkokoment daw sa sariling blog as different persons tas antinde daw dahil sinasagot nya yung comments nya tas nagsagutan na tong dalawang kumag na to tas sabi ni blogger #1 hoy hoy hoy bruha ka #2 kukurutin kita ng maliiiiit na maliiiit sa singiiiit pag di mo ako tinigilan jan bat mo ako ginaganito e type ko lang naman na magpakamultiple personality tas sumagot si blogger #2 hoy bruhilda ibubunyag kita sa mga tao na tipong humihingi ng simpacha sa public (public toilet?, ed.) kaya ang ginawa ni #1 humingi din ng tulong sa public (public market?, ed.) na puntahan daw yung blog ni #2 at malalaan daw kung sino yung #2 dahil sa style of writing at kailangang ibunyag ang kanyang maitim na budhi at singiiit na kinuroooot ng maliiit na maliiit (di dapat mapula?, ed.) kaya ginawa ko e pinuntahan ko kasi uto uto ako at ito ang nahulaan ko kahit di ko mahulaan kung anong araw ngayon eto ang hula ko dyaraaan e si bruha at bruhilda e iisa lang tinamaan ng lotto e tingin ko stretch to the limit of multiple personality and bruhitic imagination ang papel ng kumag kaya pati abo ni fernando pessoa e pilit nabubuhaghag dahil nabahiran ng kahindikhindik na ideya ang kanyang heteronimyo ano na ba ang nangyayari sa ating mundo aynako to quote my favorite intellectual uz nuni nuni nuni tas indi pa ko nakatawag kay jet david sabi ko tatawagan ko kaya lang helo helo hellow walang sumasagot yung phone kina pam nakakatawa kasi pag dinayal mo me sasagot na hello shempre sasagot ka din ng hello tas tatanong mo anjan ba si pam tas magsasalita ulit yung naghelo please leave your name and number and we will call you back har har talaga answering machine pala nyeta ginawa kang parang loko na kumakausap sa machine tas yung kay luba naman sabi ga e this is wonder woman i wonder if you will leave a message haynako puro kaututan ako kaya ganto na lang lalagay ko sa answering machine ko hello hello i wonder why you say goodbye i say hello ok sana kaya lang di ko gaya boses ni paul mccartney kayo ba di naiinis sa phone non-ethics ng mga tao minsan me tumawag sa akin sa opisina na kana pagkasabi ko ng hello sabi nung tumawag can i put you on hold tapos hinold ako tas nadinig ko na may kausap sa isang linya at nakipagchismisan tas nung binalikan ako nirachada ko ng tagalog sabi ko jayub ka talaga ikaw ang tumawag tas pinaghantay mo ako jayub ka wag na wag mo nang uulitin yan kundi isusmbong kita sa boss mo ha ha tas siguro natakot sha ibinaba na ang telepono at nagpasyang wag na tumawag ulit at nasisira daw ang ulo ko na sa totoo naman e talagang nasisira as otherwise e magsusulat ba ako ng ganto

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home