ANG PAGHIHIMAGSIK (ika-2 pahina)
Sabi nung mga marurunong, Tell me what book you read and I will tell you who you are. A-he-he. Halimbawa daw: if you read Tolstoy, they can tell that you are highly intelligent and highly focused.
Tell me the analysis you make and I will tell myself who I am. Hindi pala ako matalino. A-he-he. Kasi sa akin, if you told me you were reading Tolstoy, the only thing I can tell of you is that you were reading Tolstoy.
Parang arogante kasi ang dating sa akin nung kasabihan, parang Hmmp, yan lang pala kaya mong basahin, o eto ka, level 2 out of 10. If you should not judge a book by its cover, then you should not judge a reader by the books he covers, unless siguro antayin mong i-judge nya mismo yung libro na binasa nya. Yun ngang anak ng pinsan ko, 6 na taon lang nagbabasa na ng Communist Manifesto pero di ko pa rin sya sinabihan na, You have all the signs of leaning towards the left, kasi naman, baliktad yung libro habang binabasa nya. Dyslexic ba yun, ha? ha?
Dun sa isang forum na pinamumunuan ng isang gatpuno, me nagcomment (dun sa books-you-read-thread) na mapanghimasok, sabi nya, Aiii, ako, ako, nabasa ko din yang The da Vince Code!!! Balak ko sanang pasukin yung forum para matanong si kumag, Bok, yan bang libro na yan yung tungkol sa mga kodigo sa school nung araw ni Vincent Daffalong?
Speaking of da Vinci Code, me suspetsa ako na yung libro e me mga subliminal messages sa teksto na nag-uutos sa nagbabasa nito na wag tigilan ang pagbabasa, at wag tigilan ang pagco-comment na matibay na matibay ang dating ng libro, at bukod dito ay may addictive substance din na nakapahid sa cover ng libro na pag hinawakan ng nagbabasa ay di na nya mabitaw-bitawan ito.
Suspetsoso akong tao. Suspetsa ko ang tingin ni G. Jenkins at G. LaHaye sa mga nagbabasang tulad ko e pinanganak lang kahapon. Dun sa Left Behind (bale first in a series of 1,000,000,000 nung libro), pinakita nitong 2 kumag na authors kung gano daw katalino ang impressioned "Antichrist" sa persona nung Romanian na nakalmutan ko ang pangalan, nagsalita daw sya sa opening session ng UN, at para ipakita sa mga attendees (at sa mga readers) kung gano katalino itong Romanian kumag e binanggit nya sa speech ang lahat ng nation-members ng UN in freaking alphabetical order! Manghang-mangha daw ang audience nya. Susmarya. Si Pamela nga na nagbigay sa akin nung libro, manghang-mangha din. Susmarya. Should I judge her or should I not? Sino kayang gago ang gustong magmukang idiot na gaya ni fictional Romanian Idiot.
Speaking of Antichrist, dun sa An Echo on Heaven ni Kenzaburo Oe, may magandang diskurso tungkol sa original meaning ng Antichrist. Ibig ba daw sabihin ay laban kay Kristo, o bago kay Kristo (as in Ante Christ?) May mga ibang bagay na nakapagpa-aliw sa aking dito sa libro ni Oe. Di ko alam kung semi-autobiographical sya pero ang porma ng narrative ay memoir-ish, tapos may karakter doon na si "Cosmic Will" or simply Coz na isang Pilipino stage actor na naging kaibigan ng narrator na si K (as in Kenzaburo?) nung nagperform sila sa ibat-ibang cities sa Japan.
Nung sinusundan ko yung performances ni Coz, parang sabi ko, Hmm, kilala ko itong isang ito, parang totoong tayo yata, hanggang sa binaggit ni K yung conversation nila ni Coz na balak daw nitong magsapelikula nung kwento nya tungkol sa isang Pilipino na nagtungo sa Olympics at nagbenta ng kung anu-anong native crafts, tapos along the way e nagtrabaho sa isang chicklet company. Sounds familiar? A-ha!!! Si Eric de Guia na tubong Baguio! AKA Kidlat Tahimik, sya yung alternative-world renowned writer-director of Filipino indie films Mababangong Bangungot at Turumba na nanalo yata sa Berlin Film Festival. Doon yata sa Turumba ko napanood yung kinwento nya kay K.
Medyo hindi lang maganda ang naging dating nya kay Coz dahil dun sa isang performance nila, may eksena ng dalawang batang nagpakamatay, yung isa e nasa wheelchair, tapos grabe sa kataklesan yung dialogue nung dalawang bata prior to the suicide na in Tagalog pa mandin (at yung isang grupo ng audience na mga Pilipino workers e tawanan daw ng tawanan, which means katatawanan ang dinayalog ng 2 batang actors even if the scene was supposedly dramatic dahil pre-suicide nga, di ba?). Ang siste nito, yung sponsor mismo ng tour nila Coz na si Marie, yung dalawang anak nya e nagpakamatay, yung isa e nasa wheelchair dahil baldado, which goes to show, sinatirize pa nina Coz yung pinagpipighati ng financier nila.
Naisip ko, Ah, fiction lang itong librong ito. Bakit kamo, e hindi naman tactless tayong mga Pilipino, di ba? Hindi naman tayo insensitive sa mga baldado, di ba? Hindi naman tayo tumatawa pag nakakakita tyo ng pilantod, di ba? Hindi naman tayo sumisigaw ng "Hoy Kalbo" pag nakakakita tayo ng kalbo, di ba?
Higit sa lahat, we don't judge a book by its cover, di ba?
(e-2-2-loy)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home