ANG PAGHIHIMAGSIK NG MGA LIBRO
- unang pahina
Sabi ni Wislawa Szymborska sa kanyang Nobel Lecture, They say the first sentence in any speech is the hardest. Well, that one's behind me, anyway.
Sabi ko naman, The first sentence in any blog is the hardest. Well, that one's behind me anyway. Ang problema ko na lang ngayon dahil libro ang topic e baka magpara akong pintor na na-trap sa isang corner nung nagpinta ng sahig dahil nawili sya sa pagpinta. Gagamit na lang ako ng quick dry paint tutal quick dry wit naman ako e.
Libro. Panitikan. Piksyon. Antolohiya. Tula. Teksto. Tekstong Bopis. Langya ka. Mag-update ka naman. Pinaltan na ba? Ang tome? Ng toma?
Pag libro pinag-usapan ako mismo ang magkokorner sa pintor. Ako yung pintura, tas sasabihin ko sa kanya, Jan ka lang, usap muna tayo, sino paborito mong author ng piksyon?
Sa isang dinner/dance ng mga nurses sa Upstate NY meron akong nakatabi sa table na nursing professor. Amerikana at may PhD sa Health Management. Hindi sya nagsasayaw dahil baka daw una pang mabakli yung tuhod nya sa takong ng sapatos nya. Nyar. Ayoko din namang magsayaw dahil parehong kaliwa ang paa ko tsaka isa pa ayoko syang isayaw dahil pag nabakli ang tuhod nya at nabuwal sya sa akin, patay, para akong nabagsakan ng aparador. Aparador Beauty sya, in other kind words, kaya kontik ko na syang tanungin, Ma'am, san nakalagay ang mga twalya?
Tas kwento sya tungkol sa mga studyante nya, ako naman, Oya? Ho-hum.
Tas kwento ako ng kahunghangan sa opisina ko, syanaman, Oya? Ho-hum.
Tas kwento sya tungkol sa propesyon nya, at syemps ako, Oya? Ho-hum.
Tas kwento ako sa issues ng propesyon ko, ika nya ulit, Oya? Ho-hum.
Tas bigla napunta ang kwentuhan sa sa libro, sabi nya ang current read nya e Metamorphosis ni Ovid, sabi ko, O My Gulay, lagyan nyo po ng bagoong, pinakbet na!!! Antingin ko kay Ma'am nagmetamorphose into Cameron Diaz' ang mala-balyena nyang pigura. Hu-wat, sabi ko, you love the classics? Sabi nya, Why, don't you? Tas kinilig ako, sabay quote para kunyari me alam ako, You know Doctor, translation is doomed to metaphor. Ayun, nakorner ko na sya, sya ang pintor, ako ang pintura, sinu-sino na pinagko-quote ko isip ko naman kasi, No bang alam nito bukod sa magtusok ng injection sa pwet? Tas maya-maya, sabi nya sa mga pinagsasabi ko, I think I've read that from John Dryden. Nakupow, nalintikan na, sabi ko, I think you DO know literature. A little, sabi ni balyena, I have a Masters Degree in the Classics from C.U.
Hanggang sa matapos ang party, andun kami sa table, nakikinig pa rin ako sa kanya habang naglelecture sya sa ebolusyon ng translation. Hanep, bok, nakorner ako.
Libro, libro, tulungan mo ako...
(e-2-2-loy)
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home