<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Saturday, May 14, 2005

KUNG ANU-ANO LANG

Sabado ngayon, mag aalas-dyes ng umaga pero andami ko nang nagawa. Nakapag-tennis na ako at inalipusta ko ang laro ng kalaban kong si Kim (Koreana, kaya nga Kim ang pangalan, har, buti na lang di amoy kimchi ang hininga nya, har ulet) 6-1, 4-1 ang score, di natapos ang second set kasi pinalayas na kami sa court at magte-tennis camp na ang mga bagetchi. Tapos nag-almusal ako sa Barnes & Noble ng toasted bagel and cream cheese, tsaka kape, habang humihigop ako bigla kong naalala yung mga brod ko nung nag-overnight kami sa Malvar, Batangas, nag-aalmusal kami ng sinangag tsaka tuyo at pritong itlog, tapos yung isang brod din na taga-Lobo bigla ba namang binuhos yung kapeng barako sa sinangag nya, e di nag-uumapaw ang plato nya sa galak, lap, lap, lap, sabi ng brod ko na parang baboy-damo, isip ko naman, huwaw, hayup, kinapehang sinangag, ala e onli in batangas, apo gadang...tas daan kami sa isang brod sa Tanauan, lintek nanood kami ng sine, merong nag-uusap sa loob, yung isa nasa balcony, yung kausap nasa orchestra, tumatakbo na ang pelikula noon, ha, tas habang nakaupo kami at kino-contemplate ko yung pelikula ni Myra Manibog yata yun, merong nagpapasintabi at dadaan sa harap ko, sabi, Ala e makiraan na po, lintek yung mama, dumaan sa harap ko me dalang bisikleta, lintek talaga, tapos eto ang da best, me nagtitinda sa loob ng sine, tok-tok-tok, Ala e Chiklet! Yosi! Mani! kayo riyannn!

Pagkagaling B&N dumaan na din ako sa flower shop at bumili ng mga bromeliad. Alam nyo ba yang bromeliad e pamilya ng pinya, ang prutas na maraming mata...

Tanong: Kung bibigyan ka ng ikatlong mata, san mo gustong ilagay ito? Karamihang sagot e sa likod ng ulo. Que barbaridad. Anong kahindik-hindik na hitsura ang kalalabasan nyo kung meron kayong mata sa likod ng ulo. At ano ang silbe ng mata sa likod ng ulo? Para alam nyo kung me sumusunod sa inyo? Grabe na talaga ang paranoia ng mga tao, please people, don't, just because you are paranoid doesn't mean others are not out to get you.

Ako gusto ko sa ikatlong mata e malagay sa dulo ng aking hintuturo. Para kung halimbawa e me butas yung dignding at gusto kong masilayan ang nasa kabilang ibayo ng kamunduhan, isusuksok ko na lang ang daliri ko sa butas at ako naman e magbabasa ng libro. Multi-tasking at its best.

La-la-la. Wala lang. Kagagawa ko lang ng entry kagabi, eto na naman ako. Sinisipag kasi akong magsulat kahit wala akong maisip sulatin. Pano na kaya kung ayoko ng magsulat, this is it, brothers, ayoko nah! Sabay-sabay siguro kayong mag-rerespond: Halleluya!

Napapadalas ang sulat ko sa Tagalog. Hindi ako dati nagsusulat sa Tagalog, except mga tula na pinapublish sa school organs. Prose? No way, hoe-say, di naman kasi ako marunong mag-construct at magconjugate sa tagalog, pansin nyo siguro mali-mali (actually maski nga sa Inggles mali-mali din e, malay ko ba).

Eto na naman ako at nagpaparang Marcel Proust. Tungkol sa pagsusulat, ano kaya't matuklasan ko na ako e me lahing Vandal. Vandal: tribo sa Italy nung araw na walang written records ng kanilang kasaysayan kasi hindi sila naniniwala sa pagsusulat. Sabi dun sa isang istorya na nabasa ko (The Liberation of Rome ni Robin Hemley), me isang studyante na ayaw kumuha ng exam nya sa Roman History kasi daw e Vandal sya, dapat lang daw na ma-exempt sya kasi tradisyon nila ang wag magsulat. Galeeeng. Tapos nag-disappear sya, just like the great Vandal tradition na nag-disappear din sila. Galeeeng. Kaya yung mga tinatawag na Vandals dahil nagsusulat sila sa pader, mali ang description sa kanila. Hindi nga nagsusulat ang mga Vandals e, ano ba kayoh?!!!

Pero hindi, hindi ako Vandal.

Nakarecord kasi ang kasysayan ko.

Ako si Tamulmol, Hari ng Korokan.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home