<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5597606\x26blogName\x3dcbsmagic\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://cbsmagic.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com/\x26vt\x3d458748704286130725', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Sunday, May 15, 2005

salitula
(isang paggaya-gaya sa poem-talk ni david antin)


puto-maya ang dating pero anuba sa trip kong mangulimbat ng ibang istrokis na kaartehan, hatid mula sa new york ng isang di-kilalang kaartehan parang si ador habang pumipipi sa isang kubeta sa manhattan, nasanay sa kaeklatang pamahiin at di-kilalang kaartehan "tabi-tabi po", sabi nya, habang tumatagos ang pinrosesong beer sa kanyang tite "what???", tanong nung katabing puti sa kaeklatan ni ador, "what the hell are you murmuring about?"

hayy, ador, di magtatagal sa new york ang iyong sinasaludar na nuno sa punso pinag-apak apakan na sila ng mga nagmamadaling paa sa makabagbag-damdaming times square, at isa pa, walang umiihi sa pader dito

umpisahan natin sa simula, sabi nga ni john cheever, let us begin at the beginning (bos john, kundi ka lang matinding nalathala maaari kong sabihing tulad mo si ador) pero anyway, hemingway, you the muhn, walt whitman, kahapon (kahapon ang simula) bumili ako ng bird feeder at inimbitahan ang mga kalapating mataas ang lipad nasa patio ang feeder, tinititigan ko, walang kaiga-igaya, walang dumarating lecheng buhay to! kung nasa pilipinas lang kayo pinagbabalatik ko na kayo

maya-maya me dumapo, hummingbird yata, sabi ko habang naka-krus ang mga daliri at nakasilip sa patio, "c'mon tweety tweety tweety, peck them sunflower seeds, tweety, tweety, tweety" tas ang lecheng ibon e napatingin sa akin, titigan kami panumandali tas binirahan nya ng lipad sa direksyong pa-downtown sabi siguro ng pasimundot na ibon "i tote I toe a pootie tang"

sa pinas may david and goliath kaya lang baliktad, ang higante ang may tirador, tinitirador ang walang muwamg na david, pronounced duh-veed, habang lumilipad-lipad sinong bata sa pinas ang walang armas na tirador sa kanyang pagra-rite of passage, on to manhood robin hood, sabay ng pagtagpos sa extension ng kanyang tite e ang pagkitil nya for the first time sa buhay ng isang robin sa neighborhood (pero maya ata yun?)

naalala ko rin sa tindahan nila lonlon, meron silang alagang ibon na mukang uwak, nagsasalita, matatas, mas matatas pa magsalita sa kapitbahay nilang si sonny na binansagang bembol dahil sya'y isang bembolol syempre sa tindahan ang kalimitang tawag e "pagbile, pagbile" ang resulta e panay ang trip ng tinamaan ng lintek na ibon at maya't-maya'y sumisigaw, "pagbile-pagbile", ang miserableng tindera tuloy nina lonlon, hahangos mula sa loob at paglabas sa tindahan e malalaang wala namang palang taong bumibile ayun, isang araw, wala na yung ibon, pinasya ng tatay ni lonlon na prituhin na lang si uwak look-alike at in the extreme spirit of humanitarianism e ipinakain ang deep-fried ibon ke bembol

namfutchang buhay to, sa sobrang dami ng oras ko e kung anu-ano na ang pinaggagawa ko sige na po, hanggang dito na lang at wawakasan ko na itong aking postmodernistang kaururan kita-kita na lang sa ikatlong matang nananalaytay sa kaduluduluhan ng aking hintuturo pero bago ang lahat e pakipaliwanag na lang sa akin ang tinuran ni antin that phenomenological reality cannot be exhausted by its representation because its representations modify its nature

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home