JUST ANOTHER SATURDAY
Or is it?
(Naalala ko nung batang batang bata pa ako, napanood ko sa tv si Bert Tawa Marcelo habang nagkukwento ng unang karanasan nya sa stage. Ang linya daw nya e isang pagkasimple-simpleng "It is!" bilang sagot sa tanong ng kaeksenang "Is it coming?" Nung actual presentation ng play, panay ang sabi nya sa sarili, It is, it is, it is, upang maging second nature na baga ang linya at mahiyang napakarupok ng memorya niya para di maaalala ang maikling dialogue. Pagdating sa eksena nya, tanong nung actor, "Is it coming?", sagot naman ng biglang nadis-orient na si Bert, "Is it?")
No, it is not.
Paggising ko kasi ng 6:30 a.m. hangos na ako sa labas para mag-jogging at mukang uulan. Usually 7:00 ang gising ko ng Sabado, tapos marami pang ritwal de ek-ek, kesyo 100 push ups muna, check ng e-mails, basa ng dyaryo, dilig ng halaman, samsam ng mga damit na lalabhan, prepare ng listahan ng pang-grocery, tingin sa reading list, linis ng unit, scrub to death ng kubetat, review sa nilalaman ng ref at aalamin kung ano ang dapat itapon na mukang matagal nang naninirahan doon (lintek! ano bang dressing ito? expiry date: 02/04! asus, kaya pala ganun ang lasa ng salad, parang me vinaigrette, namfutcha ka talagang kiwipinay ka, oo, bat ba ang cute2 mo magsalita!)
Pero ngayon, ha hewan, makapagjogging na nga lang.
Marami-rami na din ang naglalakad-takbo sa paligid ng lawa, pulos mga Gollum, iba-ibang kulay nga lang, iba-ibang trip, parang utot na iba-ibang hugis, yung iba siguro sabi lang e, I'm here just to get out of my neighborhoodas, yung iba namang matalim maningin, siguro gustong sabihin, You people get outta here, this place is mine!
Me nakawalkman, me nagchichikahan na continuation siguro ng chikahan nila sa cocktail kagabi, yung isa naman mukang seryoso masyado na parang myembro ng imperial army nung ww2, sasabayan ko sana ng kanta, May bayneta ka pa (Uy!), may samurai pa man din (Uy!), yun namang isang kana e nag-eemote, umiiyak-iyak ang bruha, kadi-divorce lang siguro at naluluha sa tuwa, pwede nang ituloy yung naunsyaming rendezvous nila ng kanyang divorce lawyer, pero yung karamihan sa kanila habang tumatakbo e nagsasaltang mag-isa. (Dun sa Zits comic strip, pinanonood ng magkaibigang Jeremy at Pierce ang mga dumadaan at nagkokontess sila sa mga nagsasaltang mag-isa: "Wireless headset or off her meds?")
Malaking blessing ang bluetooth (o kahit anong hands-off feature ng cellphone) sa mga weng-weng, di mo na madidistinguish ngayon kung sino ang naga-talking to oneself or to others. Pag ako yumaman ibibili ko ng bluetooth ang lahat ng me topak para lubayan na sila ng mga batang tulad nung sa Zits. Pero teka lang, asan na ba ako...?
Habang nagpapaikot-ikot ako sa paligid ng man-made lake at nagmamasid-masid ng mga patong nagtatampisaw at nagpapasalamat na hindi sila taga-Beijing as otherwise e garantisadong peking duck sila, naalala ko yung linya sa tulang Earth & Sky ni Vikram Seth -
How shall I go where I should go?
How may I see the I that's me?
- kaya tinanong ko ang sarili ko, saan ba talaga patungo itong buhay ko, clockwise ba o counterclockwise ang dapat na direksyon ko dito sa oval na to? Tas, sa pananalamin ko sa kalmado't malinaw na tubig ng lawa, nakita ko ang repleksyon ko, Ah, Narsiso, di ka pa rin nagbabago, pongit ka pa rin, sabay tanong, Pano ko makikita ang sarili ko sa akin? sabay kanta ng "You and I collide" na kunyari e si Howie Day...Ahhh, ang lalim, ang lalim lalim, ang lalim lalim lalim ng lawa baka ako mahulog e malaking disgrasha...
Tapos ba e naalala ko yung panaginip ko. Kasama ko daw si Alison Lohman, sabi ko sa kanya, Halika nga dito, upo ka sa kandungan ko, tas sagot naman nya, Ay ayoko nga, ano ako, Kandong Queen?
O di ba kakaiba ang Sabado ko, Alyson Lohmang nagtatagalog, o baka naman gusto mong makita ang sarili mo sa yo at mag-Naykupo ka pa jan!
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home