<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Wednesday, September 21, 2005

CALM BEFORE THE STORM: Isang kwentuhang pamatay-antay sa sayaw ng delubyong nawa'y di kagigisnan

1. Pahapyaw lang ang haplit ng galit ni Rita sa Key West - pinakatimog sa katimug-timugang Floridang namumukod ang tangi sa kariktan ng southern states. Ituloy na raw ang inuman sa Duval Street sa kabila ng kaliwa't-kanang pagsemplang ng basura sa gitna ng mga mayoryang lansangan. Nariyan pa ba ang mga kalalakihang naglalakihan ang tyan at, sa kabila ng panganib, buhay ang layuning panghihibok sa ala-ala ni Ernest Hemingway? Sana naman magbigay-daan muna sa ahensyang may kapangyarihang magpabalik ng kuryente; kunsabagay, namumutawi sa labi ng isang tunay na manginginom na mas nalalasap ang pait ng mainit na serbesang niluklok sa oak barrel ng Sloppy Joe's.

2. Sa dulo ng Duval Street, sa isang eccentric na lugar na tinaguriang Mallory Square, nakansela ang pang araw-araw na ritwal na marahil ay di-gaanong nalalayo ang tradisyon sa isang lugar sa Austin, Texas kung saan inaantay ng mga tao ang pagsapit ng takip-silim na hudyat sa paglipad-labas ng libu-libong paniki mula sa kanilang pinamumugarang kweba. (Hatid ng gabi ang sariwang dugo para sa mga paniki; hatid ng kanilang uhaw at likas ang makapigil hiningang tanawin na ito na napanood ko lamang sa isang docu).

3. Sa Mallory Square, simple lang ang inaabangan: ang makabagbag damdaming paglubog ng araw. Sa turistang nanggaling sa Key West, kadalasang unang tanong ay, Did you see the sun set at Mallory Square? Gaano man kasi kasimple ang tanawin, taglay nito ang mahiya ng buhay - the magic of life - kung saan ang bisa ng namamaalam na araw ay napananatili ang paghahari upang kulumpunin ang mga tao sa isang dagliang komunidad.

4. Di naman ginarantiyahan ng syudad na araw-araw ay lulubog ang araw sa Mallory Square kaya wag kang magtititili, turistang tingaw, Soli Ang Bayad!, gaya nung isang araw, di-salamat kay Rita, na tinakpan ng makapal na ulang-ulap ang galamaying sinag ng dakilang Hari.

5. Subalit kung ika'y taga-Houston o Galveston, Texas, dalawa ang maaari mong gawin: magevacuate, o mag-wait. Simple ang options, walang ikatlo, tulad nung mga panahon ng krisis sa Pilipinas, either mag-panic buying ka, o mag-panic ka, period.

6. Sa pelikulang Saving Private Ryan, may eksena kung saan inaantay ng pangkat ni Tom Hanks ang paglusob ng mga kawal-Aleman sa Normandy. Habang nagkukuta sila sa paligid ng mga wasak na gusali, sa kanilang pag-aantay ay nakikinig sila sa radyo ng isang aria mula sa isang opera, at sa saliw ng mala-ibong himig ng Soprano ay isinasalin ng isang GI sa Inggles ang liriko ng aria mula sa Italian. Ganoon lang ang palipas-oras nila, que klase, pa-aria-aria lang, nakakaaliw, nakakapagpalipas-pangamba, sa eksenang yun mo matatanto ang halintulad ng pagsapit ng unos sa isang maliit na kanayunang sasayawan ng delubyo ilang oras mula ngayon.

7. Mga kaibigan, sa alarmang maaaring itawag na "Houston, You Have a Problem" alayan natin ang mga bayang bumabaybay sa Gulf Coast ng panalangin na sana, tulad ng Key West, tulad ng Austin, maipagdiriwang nilang muli, at agad, ang anumang tradisyong sa ngayon ay napigil sanhi ng calm before the storm.

8. Sya Nawa.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home