<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d5597606\x26blogName\x3dcbsmagic\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://cbsmagic.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com/\x26vt\x3d458748704286130725', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Saturday, October 29, 2005

paraisong parisukat

sa pagbabalik kay inay, sa sinapupunan nyang taglay, kayang ipagpawalang-bahala ang mapanirang dakma ng bagyong halimaw. sa panahong ito, kasagsagang ganap ang unos at asulang dagitab, narito ako't daig pa ang basang inakay: baluktot ang mga binti, tiklop ang leeg, subsob ang ulo sa mapagbunying mga tuhod

anupaba't tinaguriang luxury condominium ang kinasasadlakang kastilyo ng di naman hari, di naman prinsipe, di naman duke o payaso na lang kaya

kung ihahambing natin ang buhay sa balasang baraha, marahas, madulas, sanay sa manipulasyon ng institusyong mandaraya

8:30 ng umaga, ang walk-in-closet ang ipinagbubunying sinapupunan, narito ang kaligtasan (at katinuang kakapranggot na lang ang natitira, hango pa nung nakaraang dekada) at alinsunod sa babala ng gobyerno

"find refuge in a room without window"

ito si inay, paraisong parisukat ng isang bilig na tulad ko, nangangatog sa gutom, nanginginig sa pagsulpot-sulpot ng kakaibang tunog at kulay, mabuti na lang at dala ko ang kaisipang handog ni marcel proust

"the hope of being relieved gives us the courage to suffer"

sa kabila ng kadiliman, dala ko ang flashlight at aklat; sa kabila ng binubulabog na katahimikan, dala ko ang cd at cdplayer. binuksan ko ang katiting na ilaw, niladlad ko ang tangang tanglaw; pinatugtog ko ang musikang hatid ng masigasig na alemang di kaylanman nanaising mapusyaw

ginoong john cheever, kwentuhan mo ako
ginoong franz schubert, haranahin mo ako

narito ang buhay; dito sa mumunting paraiso, kakayanin kong magtapang-tapangan: hurakang wilma, mambulabog ka na dyan!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home