<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/5597606?origin\x3dhttp://cbsmagic.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Saturday, November 05, 2005

ANG MAKATA, BOW

Sabi ni Teo T. Antonio sa tula nya -

may sigwa man at may dilim
panulat ko ay sagwan din
pilit ko ring mararating
ang daungan ng mithiin

Ganda 'no?

Pero naisip ko nung minsang nag-isip ako (di naman kasi sya lagi lagi), na mas tama yata kung ganto ang pagkasaad -

may sigwa man at may baha
panulat ko ay sagwan din

Kaya lang tipong mabaho sa pandinig, baka sabihin ni Boss Teo -

panula mo ay sagwa din!

Which brings me to ask, (or to quote M, my African-American friend, "which brings me to ax"), ano ang sasagwanin ni Boss T, yung kadiliman? madilim kaya yung tubig? baka nga tubig baha na hindi tumatakbo? o Rio Negro kaya sa Amazonia ang pamamangkaan nya? o siguro nga tayutay lang yung "dilim" at "sagwan" sa kung ano mang maaaring ipagkatayutay nya? Problema naman kasi sa mga tula, hindi sila ipaliliwanag ng mga makata, di ba Belle? (malimit mo kasing mabanggit nun si Longfellow nga ba yun na, aniya, "naisulat ko na ang tula, nagawa ko na ang dapat kong gawin", matapos kapanayamin kung ano ang ibig ipahatid nung Snowy Woods chuva.)

Pero naman, naman, wala bang maaaring ipanayutay naman sa salitang tayutay na, sa sobrang ironic, e ginagamit sa mga tula na ika nga e the art of the sound, masarap sa tenga, kawili-wili sa pandinig, kahali-halina sa kaluluwa.

O baka lang ang problema e nasa akin talaga, gaya nga nung pagkagising ko kaninang umaga, nagkakamot-kamot, naghihikab-hikab, naguunat-unat, pagharap ko sa salamin at pagkatitig sa aking sangkatauhan, ang nasambit ko na lang e, Isa kang malaking problema, kaya ang ginawa ko e natulog ulet ako, tinutulugan ko lang naman kasi ang mga problema...

But I digress (inakupow, di ko akalaing magawa kong gamitin ang kahindik-hindik na expression na 'to).

Balik tayo sa topic. Teka lang, ano ba topic natin ngayon?

Ah, wala?

Teka, sa totoo lang ha, paborito ko yang tula ni Boss Teo, kasama nyang naglalaro-laro sa kamalayan ko yung ibang tula gaya ng "Nais Kong Likumin ang Mga Alabok" ni J. Santiago (na tinransleyt nya ng pagkaganda-ganda sa Inggles - I wish the Ashes - kaya di ko magawang piliin noon kung anong bersyon ang mas kalugod-lugod); In Memoriam ni Pete Lacaba; tsaka Dagat-dagatan ni Edgar Atadero.

Makauwi kaya ng Pinas? Makapagsulat kaya ng tula?

Nangangatog ako.

Makakain na lang kaya?

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home